Nanood ako ng Game of Thrones nang
Biyernes ng gabi. Pa-morningan. Paulit-ulit ko lang binabali ang promise ko na
isang episode na lang. Malaking kahangalan ang pakiramdam na deserve kong
paluwain ang mga mata kapag Biyernes ng gabi.
Mga alas dos na ako nakapagluto ng
tanghalian. Buong umaga ng Sabado nanood lang ako ng Game of Thrones. Puyat pa
ako. Kaya bago ako nakakain ng tanghalian, medyo hilo-hilo na ako. Nang
makakain, saka ako nag-umpisang maglinis ng bahay. Wala na pala akong groseri
kundi isang sardinas. Naisip ko yung lindol nung Martes, wala man lang akong
solar lamp, pito, flashlight, o de lata, labahin pa lahat ng undies ko. Kami
‘tong gumagala sa mga baranggay para sa disaster preparedness at wala man lang
akong Go Bag. Nagwawalis ako nang makaramdam ako ng hilo. Kakain ko lang ah.
Napatingin ako sa tubig, umuuga-uga. Lumilindol na naman?
Hindi ko sure kung hilo sa puyat, gutom,
o lindol nga pero lumabas ako bitbit ko pa ‘yung walis tambo. Tumingin ako sa
poste ng kuryente. Umuuga nga yung mga kable. Tumingin ako sa apartment C,
lumilindol nga kapag lumabas sina Ate Cris. Lumalabas nga sila bitbit si Theo
at akay si Eyah na umiiyak. Wala ang tatay nila nasa farm, alam ko kapag umaga,
kahit weekends.
Binitiwan ko si tambo at inakay ang
umiiyak na si Eyah. Lumipat kami sa may harapan ng bahay, kaya lang delikado
yung dalawang corinthian-designed na poste. Lumabas kami ng gate, sa may ilalim
ng poste, kaya lang delikado rin. Lumipat kami sa may Home Center kung saan
maluwang ang parking pero nakaka-heatstroke ang init. Wala akong dala kahit
ano, wala a akong ligo. Baka lalong naiiyak si Eyah sa amoy ni Kuya Jord. Si
Theo ngumingiti pa, walang kamuwang-muwang sa nangyayari.
Sobrang hindi ako handa. Naglinis agad
ako nang mawala na yung yanig. Nag-prep ng Go bag: cash, damit, susi, cards, at
DSWD uniform. Wala pala akong kape sa sachet at lock n lock na termos? Tinext ko
rin si Mama. Nagcharge ng laptop at cellphones. Nagsaing dahil baka mamatay na
naman ang Batelec.
Nagbukas ng M&M pampakalma. Binigyan
ko rin sina Eyah, kasama na si tatay nila at nag-aabang na ng flash report.
Noong Martes, hindi sila natulog kakabilang sa aftershocks ng 5.7 magnitude na
lindol at epicenter ang Tingloy. Parang may tumakbong tao sa bubong namin nun
at ramdam ko rin na umuga ang bahay. Ilang beses pang yumanig kaya lang
kailangan nang matulog may meeting pa bukas at bawal ma-late baka mayanig ni
boss. Kibit-balikat pa ako, dahil malayo naman.
Sumilip ako sa Facebook, 5.6 at 6 ang
magnitude ng dalawang lindol na ang epicenters naman ay Mabini at Tanauan,
Batangas. Matapos kong maglinis, maglaba, at magluto; naggroseri na ako. Pagkalabas
na pagkalabas ko ng groseri, namatay lahat ng ilaw. Sumigaw ang mga tao. Patay
na naman ang Batelec. Napangiti ako ng kaunti, medyo prepared na ako.
Meron
palang aftershock advisories kagabi, kaya lang antok na antok na talaga ako. Hindi
ko na sila maaantay. Nasa may sulok naman ako nakahiga, pasok naman sa triangle
of life kung sakaling gumuho ang White House.
Nagising pa rin naman ako sa
yanig ng 6:40 a.m. kong alarm.
#
Dyord
Abril
09,2017
E-boy’s
No comments:
Post a Comment