Kaba
Kakaba-kaba
Hindi ko alam
kung
Aabot o
matutuloy pa
Parang buwik na
natampahan
Ngunit walang
kumukuha
Panis
Tumambak na
tubal
Na
binukas-bukas na lang
Pagod na kamay
ang idinahilan
Hanggang amagin
na’t pandirihan
Lalong di
mabanlaw
Sana
Matapos na lang
Magkadaop na ang
mga kalyuhing
Palad na sawi’t
sumisigaw ngunit pigil
Kahit
nangangatal na’t nanginginig sa gigil
Inaalkansya ang
kaba
Kalma
Kahit di pihong
mananalo
Wala na kasing
sisidlan sa talo
‘Yako ring
gagabing matang-kuwago
Parang awa ny’o
na; tapusin na ang kaba
Kahit bukas na.
Sana.
Namimingaw na
Sa mukha ko
Sa salamin
Nangangalay nang
Palagiang
tumungo
Kahit bukas na.
No comments:
Post a Comment