What
to do if Puwing?
Tagtuyot tayo ngayon; hindi summer. Magabok ang kalsada dahil sa
roadwidening. Nagse-cellphone din ako habang nasa sidewalk na parang obstacle
curse – may mga poste ng kuryente along the sidewalk. (Yes, along instead of
beside.) Pagdaan ng sasakyan, humaging ang hanging magabok sa mata ko. Napuwing
ako. May nakaligtas sa malalantik kong pilik at talagang tumago pa sa talukap
ng mata ko.
Ngayon na lang ulit ako napuwing. Baka mga kalahating dekada na ‘yung
huli kong puwing. Nag-search ako kung ano ba ang dapat gawin sa puwing? Ito ang
ilan sa top answers: huwag kusutin (eh naiirita nga), magmulat ng mata sa tubig,
ipaihip sa katabi, at lumuha ka beybeh.
Paano
nga ba lumuha? Suggestions lang:
1. Alalahanin ang masasayang memories mo sa
pinaka mahal mong ex. Tapos, i-wish na sana ikaw na lang ulit.
2. Mag-beautiful eyes nang mag-beautiful
eyes. Ang nakakapaluha hindi nakaka kyut.
3. Isiping tumatanda ka na, ‘yung batchmates
mo mej successful na in life na tapos malapit na ang high school reunion n'yo.
4. Bayaran na ng insurance. Umemployed ka pa
rin.
5. Wala nang point system para sa free
movies ang e-plus. Dahil ba walang taxes na nako-collect sa free movies?
6. Magbasa ng press releases ng Pcoo.
7. Manood ng news anchors na nag-oopinionate
sa news programs at natatawa lang sa fake news.
8. Wala nang pork tofu sa Chowking.
Kapag hindi pa rin sumama sa luha ‘yung puwing. Hayaan mo lang at
mawawala rin ‘yan. Tiisin mo lang ‘yung konting sakit. Sana’y naman tayong nasasaktan.
Malakas tayo tegurl!
Buwan pa naman ng panitikan, pero nagsusulat na naman ako maka-entry
lang. Mag-ingat sa mga roadwidening at nakakapuwing talaga.
No comments:
Post a Comment