Tinipon ko ang mga lingguhang magasin na tumatanggap ng tula, sanaysay, maikling kuwento, para mas pag-igihin ang pagpapasa ng akda ngayong taon. Napipilitan rin akong i-revisit at i-revise ang mga nasulat ko na dati. Kaya maglakas-loob ka na ring magpasa sa mga sumusunod:
Liwayway:
-maglakip ng bionote at picture
-tumatanggap ng dagli (300 words), tula (1 short bond paper), sanaysay/artikulo (5-7 pages short bond paper) at tandaang palaging naka-double-spaced
Bannawag Magazine:
-maaring ipadala sa bannawagmagazine.mb@gmail.com ang tula, artikulo, at maikling kuwento sa Iloko. Siguraduhing nakalagay sa subject line kung anong akda ang ipinasa.
Bannawag Magazine:
-maaring ipadala sa bannawagmagazine.mb@gmail.com ang tula, artikulo, at maikling kuwento sa Iloko. Siguraduhing nakalagay sa subject line kung anong akda ang ipinasa.
Panorama:
-tumatanggap ng poetry at short stories (pero minsan may nakita rin akong nasa Filipino na tula)
Literary Life – Manila Times:
-tumatanggap ng poetry (1 page at double-spaced) at short fiction
Philippines Graphic:
-tumatanggap ng poetry at short stories
Hindi ko lang alam kung nagbabayad ang mga magasin na nasa listahan kayo na lang ang magtanong sa kanila. Kung meron ka pang alam na tumatanggap ng mga tula at iba pang akda, ipagbigay alam mo lang sa idyordnal@gmail.com para ma-update ko ang listahan at may makapagpasa rin ako.
Sulat lang nang sulat (edit, edit, edit) at pasa nang pasa!
(May na-publish na kong isa - Wired)
No comments:
Post a Comment