Noon
noon ko pa ‘yan goal. Taon-taon ko na isinasama sa listahan. Hinding hindi ako
makasumpong ng scholarship. Noong undergrad kasi, baon ko lang ang gastos ko sa
school. ‘yung tuition fee ko ay halos 25% lang ng natatanggap kong
scholarships. With ‘S’ talaga kasi ginawa kong hanap-buhay. Ngayon tuloy, wala na.
Pahirapan
na nga akong matapos ang courses ko sa Coursera. Hirap kayang isingit sa
araw-araw. Isa pa, ambilis kong manawa at tamarin. Tapos, mag-aaral ulit ako sa
isang unibersidad?Mas nakakataas ng suweldo kapag may Masters. Mas may karapatang magturo
sa unibersidad ‘pag may Masters. Mas pinakikinggan sa’tin kapag may dagdag na
diploma.
Hindi ako nag-aral talaga nung undergrad masyado. Hindi ako tumungtong
ng entablado para sa graduation rites. Dapat grumadweyt ulit ako. Sa pangarap
ko nang unibersidad; sa UP.
Nakailang
balik na rin kami ng elbi, ang sarap kumain do’n at ang dami pang sightings ng
pokemon. Mabilis akong magle-level up. Seryoso, pokemon events ang ipinupunta namin
ng elbi.
Wala
na munang dala-dalawang isip. Handa na kong gumastos. Mag-invest pala.
Nanganganib na naman ang aking munting ipon. Pero di na ako makaantay ng maaawa
saking scholarship na ibabagsak ng langit, ako na muna ang magtatalang ng
sarili ko. Aral na aral na ko.
Saka na ako magdadalawang isip kapag hindi ako natanggap. Dahil iba ang
undergrad ko sa pinili kong graduate studies. Pero mag-aapply lang naman ako
ulit. Saka na ko magdadalawang-isip kapag wala na kong pambayad ng tuition.
“Ma,
mag-aaral ako ulit. Tataas suweldo ko sa
future, Ma.”
“Oh.”
Sabi ni Mama na parang alam na ang susunod na linya ko.
“Pengeng
pera?”
No comments:
Post a Comment