Ilang araw
na lang deadline na ng Palanca. Meron na kong entry. Nakatapos in 2 months na
papilit-pilit sa sarili. Hindi naman daw dapat nagsusulat ng tula para sa
contest pero minsan yung contest lang yung dahilan para mapilitan kang
magsulat. May 14 akong nasulat pero 11 lang ang ipapasa ko na tula. Ang
tagal-tagal na naming balak ni Rald sumali, ang consequence na namin ngayon sa
di makakapagpasa ay mild lang naman: walang pagsalang mamamatay.
Kada
magkukumustahan kami lagi kong sinasabing malapit na kong mamatay kasi ayokong
magsulat. Walang makatas, mapiga. Pero sa pasuhol-suhol sa sarili at
pagmamakaawa sa lawa, aba't nabigyan din ng ilang tula.
Iniisip
ko kung anong title ng suit:
Taalarawan
Mga
Tula mula Tubig-tabang
Bukas
ipapadala ko na pagkatapos magpanotaryo. Tuloy ang buhay.
1 comment:
Congrats! Hindi tayo namatay! :D
Post a Comment