Medyo busy ‘yung mga prof ko na hiningian
ng recommendations. Sabi ko, okay hindi
na ko magma-Masters muna. Bumili ako tuloy ng Switch. Maglalaro lang ako ng
weekends ng buong taon. Tapos, next year na lang ako magseseryoso in life at
kasama na ron ang pag-aaral. Nag-advo-advocacy work naman ako nitong nakaraang
taon baka puwedeng sabbatical muna ako sa pagseseryoso sa buhay.
Pagsabayin ang studies at gaming. Maling-mali
para sa’kin. Di kaya ng utak ko. Malaking mental space kaya kinakain ng gaming.
T’saka oras at enerhiya. Bumabalik-balik pa rin naman ako ng elbi para manghuli
ng Pokemons. Nagpapaalala lagi sa’kin ang oblation na hubo ito magpakadalubhasa at ialay ang pangarap,
pagsisikap sa bayan. Tapos, 3 days bago mag-deadline ng admissions, nag-message
sa’kin si Mam Mabel, okay na raw ang recommendations. Di ko na tinuloy. Muna.
Nag-message sa’kin si Donj, admitted na
raw s’ya! “ I’m so happy for you” sabi ko. “Mataas expectation ko sa’yo. Magpakadalubhasa
ka. Coz I know magagamit ko ‘yung knowledge mo sa future.”
Aba’t hiningian pa ako ng ambag sa pang-enrol
n’ya.
#
No comments:
Post a Comment