Simula
na ng tag-ulan. Nakahanda na kami. Kakatanim lang namin ng kape, mais at
balatong. Namumulaklak na ‘yung mga amarilyo. Nagdahon ang kakawate. P’wera
pasok ng kambing. Kakap’rasong lupa pero hirap na hirap kami ni Warren sa
paghahanda. Bubuhayin pa namin ‘yung lupa. Malayo sa kulay itim at pagiging mayabo
ang lupa. Namumuo at napipikpik kung tuyo. Kaya mais at balatong muna. Ilang
buwan din kaming naghintay ng ulan. Iba sa lawa, may kasamang malakas na
hangin. Unang beses kong sasalubungin ang tag-ulan sa lawa ng Taal. Sana’y lahat
ng ulan ay biyaya.
#
No comments:
Post a Comment