Milky
Kanina may bisita si [Ka] Ipat. Student n’ya
dati sa La Salle at kasama na n’ya sa gobyerno ngayon sa legal division. Si Jun, lawyer din. Hindi ko na siningil ng
fee kasi nagamit agad ang pangalan ni Ipat. Ako muna ang nagpasyal sa kanila ‘til
dumating si Ipat. Akala mo pag-aari ko ‘yung kabila. Nang dumating si Ipat ayun
hinayaan ko na silang mag-usap.
Nang pauwi na sila, tinanong ni Jun if okay
mag-astrophotography sa tabing lawa. Hindi kaya ng lente ko kaya di ko pa
na-try kako. Tapos, tiningnan n’ya camera ko, kaya yan. Tapos, binigay n’ya
settings para makunan ko raw ang Milky Way. “Hanapin mo lang ‘yung brigth red
na star na buntot ni Scorpius” sabi n’ya.
“Totoo ba?” sabi ko, aba matagal na sa’kin ang camera ko. Sinubukan ko
na dati sa Supermoon pero mukha lang ding normal na buwan ‘yung kuha, sabi ko
baka di talaga kaya ng lente ko. Hindi ko na ulit sinubukang itapat sa langit ‘yung
lente ko. Suntok sa buwan ang pagkuha sa tala. Ngayon, sabi ni Jun kaya naman. “Mga
bandang 10pm,…southwest”.
Maganda raw sa tabing lawa. Wala masyadong
liwanag. Nakakasulo kasi ang mga ilaw sa lente. Hindi makuha ‘yung kayang
makita ng mata. Dito sa lawa ng Taal kitang-kita ‘yung kalawakan.
Babalik daw s’ya minsan. Kinuha ‘yung number
ko at full name. Tinanong kung lagi ba kong nasa tabing-lawa. Tapos, umalis na
sila nung girlfriend n’ya. Ako naman ngayon, nag-aabang ng gabi. Mukhang di ko
na mahihintay ang Milky Way dahil kailangan ko nang managinip.
Antok na ko.
#
No comments:
Post a Comment