Friday, February 21, 2020

Badtripest

Badtrip ako. 

Nasan yung headset ko? Hinalwat ko na lahat ng gamit ko sa bahay. Pati kay Mama, pati kay Rr, pati laundry basket. Wala namang ibang kukuha nun ako lang ang may type C na earphones sa bahay. Asan yun? Ang sama-sama ng pakiramdam ko, gusto kong mainis sa lahat ng tao, kinalabog ko na lahat ng boxes at durabox ko, padabog na ko naghanap. Binukas-sara ko ilaw para mairita si Mama. Ako lang lalo ang naiirita. Nanonood lang ako kanina ng Mimiyuuuh x Moira collab, tas hindi ko rin maalala san ko pinatong yung earphones. Pinabangon ko si Rr, ako lang din lalo nairita. Hanggang cr naghanap na ko. Habang naghahanap ako lalo akong inaantok, pero lalo rin akong nabuburyot. Saan naman yun susuot? Parang kinain na lang ng wormhole? Ayoko nang maggroseri bukas, hindi na ko magpapabili ng maayos na almusal. Grabe, sobrang naiinis ako na nagagalit na naiirita, kapag talagang may nakielam nun, makakatikim ng masasamang mga words. Ang sakit na ng dibdib ko sa inis, hindi ako makatulog.

No comments: