Kakatapos ko lang sa isang sanaysay tungkol sa mga takot na walang nangyayari sa buhay ko, parang nanadya na pagkatpos kong i-post, nakatanggap ako ng isa pang acceptance sa fellowship. Tailor-fitted din ito sa mga amateurs na nagtatrabaho tungkol sa samu't saring buhay (biodiversity). Natuwa naman ako, pero mas natakot. Sh*t, can I deliver? Siyempre, matrabaho rin ang ASEAN-level na ganap. Sabi ko lalabas lang ako ng international community kapag may best practice na ako, kapag may win na sa lawa ng Taal. Eh, wala pa nga. Oh e bakit aapply-apply ako, di pala ako ready. Pag walang ganap sa buhay, takot kapag nagkaron ng ganap, takot pa rin. haha. Matatakot lang pero gagawin pa rin.
Ang dami na nating readings! Baka puwedeng magkaron na ulit ako ng interns tapos bigyan ko ulit ng tig-iisang chapters for reading tapos magre-report sa'kin. Kaso wala akong interns ngayon. haha. Sariling sikap, sariling basa ng mga manuals and reports.
#
Dyord
Pebrero 08, 2020
Taza Mia, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon
No comments:
Post a Comment