Friday, February 7, 2020

Where did my Kayamanan Go? (2019)



Nag-excel sheet ako ng mga naging resibo ko nitong 2019. Ngayon ko lang na-tabulate. Siyempre, hindi ito super accurate kasi may mga natapon akong resibo pero siguro mga nasa 7-9% lang yung error ng database ko. Gusto ko lang makita.

Para minimal lang ang trabaho may tatlo lang akong categories:

1. Housing proj. - mga grocery, gamit sa bahay, gatas/pambaon ng pamangkids, basta purchases na nasa receipts.

2. Maintaining Myself/ Worldliness Fund - ito naman yung mga nagastos ko sa  toiletries, libro, sine, ballpen, gupit, masahe at iba pang kamunduhan ko. May ilang big purchases ako rito.

3. Kape - hiwalay sa kalayawan ang coffee shop expenses kasi may naglalaro yan sa gray area nang may tinatapos na trabaho or scholarship applications at paglalaro ng Pokemon. 

Ito na ang nakakahindik na resulta:

1. Housing projects - Php 7,903
2. Maintaining Myself -Php 47,001
3. Kape -Php 4,965

So 'yung iba san napunta? Cost of living at saka insurance; tapos yung iba wala nang resibo. Hindi ko na alam nasan. Kaya mahalaga napupunta agad yung pera ko somewhere tapos kung ano na lang matira yun yung pagkakasyahin.

Pero nakakatuwa this year, may growth, yung cost ng Maintaining Myself malalagpasan ko na agad Feb pa lang. Parang may mali.

Pero yung nakuha kong scholarships, nabawi ko na yata ang 1 year salary ko sa non-profit pero siyempre gagastusin naman 'yun sa pag-aaral. Di ba? Kesa ako pa yung gumastos. Bawing-bawi na tayo, Feb pa lang pero liliit ang investment capacity ko ngayong taon kasi nagdalawang investment platform na ko kahit wala namang salary increase. haha. 

Parang magugutom yata ako this year. haha


No comments: