Nagka-flu ako ng ilang araw din. May konti na lang ubo. Kasagsagan pa ng nCoV [Jejemon din talaga ang nagsulat neto at alternating small and capital letters]. May mga iniimbestigahan na sa’min sa Quezon. Sabi ko gusto ko nang magbagong-diet dahil ang hirap magkasakit. Makabawas din sa konsumo ng karne, mababang footprint. Tamang-tama na may salad bar na sa Tiaong, may humiwalay din sa trend ng milkteahan at chickenan. Ang mura lang din, all salad at 50 pesos. Lettuce, carrots, kamatis, tapos may grilled chicken at fries pa.
Galing pa sa farm n’ya sa Paiisa ang mga gulay at walang spray. Farm to table for P50? Di kaya malugi si nanay? Nang iaabot n’ya samin ang grilled chicken salad natigilan ako sa dami. Mga alas-siete na kami bumili ni Song kaya marami raw ang servings. “Di ko naman puwedeng gamitin ang gulay bukas” sabi ni nanay.
Sana mabisita namin ang farm n’ya sa Paiisa. Maliit lang ang organic (natural) farming community Tiaong kaya feeling ko kakilala n’ya sina Sister Isyang pero ayoko nang sabihin at baka dagdagan pa ang serving sa’kin. Sana magtagal ang bar.
Kaninang umaga dumaan na rin ako, ito na rin ang baon ko sa opisina for lunch.
No comments:
Post a Comment