hindi ko pala talaga kayang magkabahay sa subdivision.
yung nasa palatastas nila ay click bait lang, 'yung hulog from 12k sa ads ay 22k sa actual na hulugan para sa dalawang dekadang terms. olats. Parang sumpa yung utang kapag di ka kikita ng 3 milyon sa loob ng 3 taon to fully pay the house. Naisip ko yung panahon na kailangang ikayod sa pagtatrabaho 'yun. Wala ka na talagang buhay kundi magtrabaho pambayad ng bahay. Kakalat paa ko nun talaga kung mawalan bigla ng trabaho. So, negats. Cancel muna.
Naalala ko offer ni mareng Ashley na pwede raw akong magsulat sa bagong bahay nila. May townhouse sila sa gilid ng malawak na maisan. Dito lang sa'min sa Tiaong. Di raw nila ako papakielaman. Binalikan ko sya sa offer nya dahil tatapusin ko yung isasalang ko sa Palanca. Kung kailan ka kasi may deadline saka may nagpupokpok sa bahay. Dalawang araw at isang gabi akong nagsulat sa kanila, doon ko lang binuo yung 10-page na sanaysay. jusq panget, panget na panget rin ako sa natrabaho ko. Ipinagluto nila ko tapos pinaghugas ko naman sila. Nag-yoga kami ni Mareng Ashley, nanood pa ng Kdrama. Inumaga na sa sala. Nilatag ko lang yung yoga mat ko sa sala nila tapos nahiga na ko. Pagkagising, kape lang deretso edit na uli. Wala akong iisiping gawaing bahay. Hindi ko iisipin ang uulamin ko. Kumain kami ng marinated fried chicken, ginisang kalabasa, tocino, kape at crepe. May kasabay akong kumain. Pribilehiyo na makapagsulat lang. Salamuch!
Gumising ako kena Rabin, Berinayan, Laurel, Batangas. Katabi ng lawa yung bahay nila. Naka-plano rin akong mag-overstay naman dito para magsulat. Iniisip ko magsulat at mag-asikaso ng mga rekusitos para sa Masteral. Gusto kong kumuha ng kurso sa ecoliterature sa England noon pang 2017 kaya rin siguro kumuha ako ng trabaho sa conservation dati. Sa ngayon, iniisa-isa ko lahat ng dapat isulat habang nandito kena Rabin. Hindi ko rin iniisip ang pagkain ko rito o gawaing bahay. Pasasalamat sa pribilehiyong makasulat nang malapit sa lawa. Hindi ko to nagawa dati noong nagtatrabaho ako sa conservation center. Nagpahinga lang ako. At mukhang magpapahinga lang uli ako rito ngayon. Inaantok na naman ako. Ilang araw na kong natutulog ng tanghali. Wala yata lalo akong matatapos dito.
No comments:
Post a Comment