Wednesday, October 30, 2013

Hell Weak

Kung naka 2.5 ka nong Prelims at 3 naman nong Midterms, binabati kitang muli fella dahil kahit isingko mo na ang Finals pasok ka na sa banga. Dahil 10.5 lang ang maximum total para makakuha ka ng final grade na 3. Pero kung namuhunan ka na nong mga nagdaang terms, aba wag mo nang sayangin at sikapin mo ng makakuha ng medyo unat-unat na marka, malay mo magamit mo yan bilang attachment file para sa petition mo ng baon increase for 2nd sem.

Tambak ang exams. Gabundok ang quizzes. Sanlaksa ang requirements. Mula research works, term papers, baby thesis, lab.exercises, lahat yan may nagaambang na deadlines. Uneven talaga ang distribution ng mga paper works sa loob ng isang sem dahil kung i-fre-frequency polygon mo, makikitang mas mataas ang curve sa bandang finals. Tradisyon na ata ito kada magsasara ang semestre: ang pagpapkasakit sa mga estudyante – Hell week!

“Deadlines like promises, were made to be broken.” motto naming yan ng mga barkada ko dati(Tabs, Rod., perlitz). Minsan lagpas ng ilang oras, minsan ilang araw pa nga kaming late mag-submit. Bakit? Maniana Habs, kung kalian malapit na saka gagawa. Ewan, don lang kasi bumubukal ang creative juices sa pagsusulat ng mga teknikal na bagay. Kung tutuusin madaling mag copy editing sa internet at sa loob ng 1 oras, Viola! May term paper ka na.

May mga instructors na nagbibigay ng konsiderasyon o kumukunsinti sa ugali/sakit naming ‘yon. Naalala ko non may instructor kami na nagbigay na ng 1 kahit wala pa kaming output. Presyur na presyur talaga kami. Meron pa dati na nagprepresent na ng business proposal, text na ng text yung mga kagrupo ko na nasan na daw ako at hinahanap na yung manuscript. Hindi ako nagrereply dahil nagrurush pa rin ako ng business plan sa computer shop nun. Kada haharap kami sa isa naming malupit na instructor nagiisip na kami ng matinding dialogue kung sakaling hindi nya tanggapin ang aming pinagpaguran:

A.      Magpaawa. Humingi ng habag.
ü  Ma’am baon ko po ng isang linggo ang ginastos ko rito. 
ü  Pinangutang pa ng Inay ang pinang-project ko rito.
ü  Ako lang po ang inaasahan ng pamilya kong mag-aahon sa kanila sa kahirapan, pag bumagsak ako, sisirain nyo ang pangarap nila.

B.      Mag-iwan ng Nakaklokang Eksena sa Faculty. (Mas Cinonsider talaga naming ‘to)
ü Sa oras na tumanggi na siyang tanggapin, iwanan sya ng kalawanging lata at hagisan ng barya. Siguraduhing tataginting yung barya.
ü Iwanan siya ng red post note na may nakadrawing na bungo.
ü Tingnan siya sa mata habang pinupunit-punit ang term paper sa isandaang piraso.
ü Ilabas ang baong lighter at sunugin ang terma paper sa harap niya habang tumatawa.

Siguraduhin mo na may soft copy ka para di naman saying pinagpaguran mo dahil nabadtrip ka, siguarduhin mo na rin na pasok ka sa banga (10.5) kung sakaling isingko ka niya sa eksenang gagawin mo.


Pero sa naaalala ko wala namang tumanggi sa mga late naming papers siguro dahil sa paglipas ng panahon alam na nila kung paano kami tumrabaho. Kaya payo ko sayo wag kang gumaya samin na ginagawang rush id ang mga paperworks. Sipag-sipag din pag may time, dahil sabi nga ng instructor naming dati: “Class, college na kayo. Grow up!”

No comments: