Thursday, July 31, 2014

Pers Anibersari Ispitch




Mic test. Sound check. Sound... 
    G-R-R-abe!!!


   Isang taon na'kong nagba-blog. Hindi ko inakalang tatagal siya hanggang ngayon dahil ikatlong subok ko na'to na gumawa ng blog. Yung una, nakalimutan ko ang username at password. Yung pangalawa, nakalimutan kong sipagin. Ito lang ang binhing sumibol at natagalan ang pesteng katamaran.

   Sa loob ng isang taon, hindi ko pa rin tukoy kung bakit ako nagsusulat. Masyadong malawak at malalim ang mga bakit ng pagsusulat at pagkatha. Hindi ko pwedeng sabihing "gaya ng puno ng mangga na kailangang mamunga ng mangga" o "kailangang puksain ang dragon sa aking kaibuturan"; masyadong pang-matandang writer.

    Isa pa may mga nagsabi na n'yan. So far, ang alam ko ay hindi irasyunal ang proseso ng pagsulat o pagkatha, palaging may nagtutulak sa panulat. Pero may mga dahilan kung paano sumibol ang blog ko, narinig ko sa isang writer na nakapagpapahusay daw sumulat ang blogging. Siguro dahil sa pagsasanay ng di mo nararamdaman. Kapag nag-blog ka raw araw-araw, huhusay ka kahit papaano. E kung sampung taon ka nag-blog?! Mas magaling ka na di hamak! Kaya may siyam na taon pa'kong bubunuin.

   Isa talaga sa matitinding dahilan ay ang pag-alis ko sa university, gra-gradweyt na'ko! Mawawala na sa akademya, mawawala na ang pahayagang naglalaman ng mga saloobin ko. Ang tanging espasyo kung saan nakakarating sa batayang masa ang mga sinusulat ko. Malaki din ang readership ng Traviesa. Tapos, nakita ko ang blog ni Bebang Siy! Naisip ko na magandang platform ng mga sulatin ang blogging. Kung wala ng papel na maglululan ng tinta ng panulat mo, e malawak ang cyberspace para kanlungin ka. Kaya kahit sa bandang huli pa ang pasasalamat, e pasasalamatan ko na si 'Nay Bebs para sa inspirasyon. More power ; more projects po! 


   Nakuhanan ko rin ng lakas ng loob ang binitiwang mga salita ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Rio Alma, na hindi mo naman kailangang magkalibro para maging manunulat. Rio is Hart! Hart! <3 Narinig ko din sa isa pang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si F.Sionil Jose, na hindi mo kailangan ng Palanca para magsulat. Dapat hindi kasikatan o pagkilala ang nagtutulak para magsulat ka.



   Kaya nagblog ako. 



  Hindi ako magpapaka-ipokrito, gusto ko ring sumulat ng libro sa darating pang mga panahon. Masaya rin sigurong tumanggap ng Palanca Award. (Kapag wala na masyadong rekusitos, ang mahal kasi magpa-notaryo at magpa-scan; sasali na'ko.) Sa ngayon, Palaka Award lang muna.



  Kapag tinitingnan ko yung mga Powerhouse ng Panitikan (PNP) at mga akda nila, nakakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa at pag-asa itself. Pag-asa, dahil ang hirap ng pinagdaanan nila bilang manunulat at nalagpasan nila ng malualhati. Kawalan ng pag-asa, dahil sa ganda ng mga akda nila ay parang hindi mo kailanman maaabot ang ganoong kakayahang sumulat. Habang buhay kang magiging fanboy!Hindi naman magastos ang pagfafanboy sa manunulat. Mas mura ang libro kumpara sa albums. Mas mura ang mga book fairs kesa concerts. Wala ka ring gastos sa plakards at mga led lights.

   Tinitingnan ko ang panulat ko ngayon bilang bagong poso. Sa umpisa talagang maputik ang lalabas na tubig. Sa tagal ng pagtungga-tungga, palinaw ng palinaw ang bumubukalKonting pawis pa sa pagbomba at lilinaw din ang bumubukal sa poso. Minsan madaling bumukal ang tubig. Minsan tagtuyot talaga. 


   Nakakadisappoint lang na parang walang pag-usad ang pagsulat ko. Parang stagnant. Sintonado pa rin ang boses. Madalas tagtuyot at kailangan pang tumungga nang tumungga (ng kape) bago makasulat. Wala rin akong natatanggap na komento o kritik sa blogging. Paano ako maglelevel-up? 





   Pero look on the bright side, ika-nga. Marami-rami na ring nangyari sa aking munting blog. Nakapaghost ng mga guest post mula sa mga kaibigang may sining to share. Nakapagreview rin ng ilang libro at nakasali sa blog tours. Nakapanayam ang ilang manunulat. Nakahanap ng mga kaibigan na may kaparehong interes at pangarap. Marahil nakatulong din ako sa kanila sa mga isinusulong nila. Para sa pagpukaw ng kamalayan. Para sa pambansang pagbabago.




May mga pagbabago akong iprinopose sa aking blog: 



1. Mula idyordnal.blogspot.com ay papalitan ko na ito ng mas simple, mas madaling basahin, tandaan, at intindihin na pangalan ng blog; kaya ito ay magiging tsa-tsub.blogspot.com na!



2. Mababawasan na ang mga posts ko dahil sa mga tinatapos kong mga bagay-bagay. Naisip ko kasi na madami akong dapat pagtuonan ng pansin gaya na lang ng pagsusulat.


 
3. Susubok na'ko ngayong pasukin ang mundo ng fiction. Weee...Lahat ng mga pagbabagong ito ay wala naman masyadong bearing dahil kakaunti pa lang naman ang mambabasa ko. Medyo eksklusibo pa sa mga ka-bradees at mga fren-frens online ang blog ko. Ngayon, ike-claim ko na, na may blog nga ako.



Dahil ang una kong post ay pagpapasalamat, dapat ang aking anibersari ispitch ay may pasasalamat din. Magandang ugaliin ang pagpapasalamat, pramis! 




Pasasalamat: 


Kay Nikabrik, E-boy, at Ate Shin, na mga occasional readers ko na minsan lang bumisita pero tinuturbo ang pagbabasa. Si Jeuel, minsan yung mga entry lang na kasama siya ang binabasa. Gayunpaman, tenkyu pa rin sa pagsuporta! More power to your Wifi! 



Kay Alquin at Roy, na once-in-a-blue-moon readers ko, na parang si E-boy din na mga post lang na kasama sila ang binabasa, salamuch! Kahit papano hindi n'yo pinapahalata sa'kin na napipilitan kayong magbasa. haha. 



Kay Margee, Greys, at Tunganga, sa pagpapahiram n'yo ng mga likhang sining n'yo sa blog ko. Tenks!



Kay Xi Zuq, Rald Reb, Ergoe, Sir Egay ng Areneyow, Mam Badet ng UP, Sush at iba pang sayberkadas, salamat sa inyo! Dagdag views din sa page ang mga blog tours at interviews. Haha! Kapag may mga blog tours, isang e-mail at el-bi-si lang ako! Para sa panitikarns! 



Kay BOSS!


    hayy...salamat dahil ipinakilala mo sa'kin ang pagsusulat!






Hanggang sa mga susunod pang mga taon! (Nawa!)

Hulaan ang Halalan 2016 (Part 2)



Naku! Nakuu! Nakuuu!!! 

Nagpapahiwatig na ang maraming nagluluto para sa 2016. At kapag sinabing 2016, hindi end of the world ang nasa isip natin, kundi ang eleksyon. Ito ang pagpapatuloy ng Hulaan ang Halalan 2016 List na una ko nang ibinigay sa 'Ito pa ga rin sa 2016?!'.


Celebrity Edition nga lang ito.


1. Pacman! Sa dami ng mga suntok na binitawan ni Saranggani Representative Manny Pacquiao, marahil isunod na niyang patumbahin ang kahirapan sa bansa. Kahit tila suntok sa buwan ang layuning ito. Malaking posibilidad na maghangad siya ng mas mataas na pwesto. 


2. Vilma Santos-Recto. Isa ito sa mga napipisil na maging ka-tiket ni VP Jejomar Binay pero wala pang pahiwatig ang dating child star sa isyu. Baka maging disadvantage niya lang ang mga Noranians.

 
3. Tito Boy- May chance! Ito ang pahiwatig ng mga panayam kay Boy Abunda ukol sa pagtakbo sa 2016. Malaking balwarte niya ang growing LGBT community. "Gora de embang!" cheer ng mga supporters. [tantantanan *wedding bells] 


4. Kris Aquino - Kaya ba ito nagpalink kay QC Mayor Herbert para sa 2016? Well, hindi na niya kailangan ng publicity. You look everywhere makikita mo endorsements niya. Kung tatakbo siyang President, alam n'yo nang magiging VP niya - si Darla. [insert tawa ni Tito Boy here]



 
5. Ai-Ai Delas Alas- the comedy concert Queen might run in 2016, ito ay ayon sa isang panayam niya kay Ricky Lo. "Pinag-iisipan ko pa, siempre alam nyo naman bread and butter ko ang showbiz" ayon kay Ai-Ai. So dapat pala iniiwan ang showbiz kapag nagpupulitika? Tunog showbiz chikka sa tabloid itong #5. 

6. Vic Sotto- "Bossing! Bossing! Bossing!".Kumalat sa Internet na namaalam na raw ito pero bago pa man ang death hoax na ito ay napipisil na ring tumakbo si Bossing sa darating na 2016. Lagi siyang top grosser kapag MMFF, malaking hugutan ng lakas ng loob na yun. 

"Bosssing!!!! hapibertdeyy!!! muah muah tsup tsup!!!"

7. Lani Cayetano- parang naligaw lang siya sa list. Pero nagka-ads kasi kasama ni Sen. Alan Peter Cayetano, I don't know their relations. Kakaunti pa lang naman ang Cayetanos sa government e, pwede pa ulit ang isa pa. 


Maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang taon. Pwedeng makita nga natin sa balota ang mga pangalan nila at pwedeng hindi. Pero at least, hindi ka na magugulat. Baka madisappoint na lang.

Saturday, July 26, 2014

Hulaan ang Halalan 2016 (Part 1)

Pahinga muna tayo sa mga pang-araw-araw na mga sanaysay at dyornal. Hindi muna ang mga slice of life ang titikman kundi ang mga slice of sheet. Sheet talaga. Dahil bawat ballot sheet na magkakahiwa-hiwa sa pagrerehistro ng ating mga boto ang siyang magbubuo ng kinabukasan natin bilang isang bansa. 

Hindi magpapahuli sa environment, soil, at boxing ang politics kung bilang ng mga analysts ang pag-uusapan. Isa na nga rito si Mareng Winnie na bukod sa pagiging ekonomista ay kilala rin sa nasabing larangan. Pero kilala mo ba si Mareng Perlita, Pareng Isyong, at marami pang kumare't kumpare sa palengke, terminal ng dyip, bingguhan, majungan, at sa marami pang lugar? Kilala mo lahat sila? Halos lahat satin may kanya-kanyang pananaw, opinyon, at kuro-kuro ukol sa usaping politika. Kung susundan ang diskurso, maaring sabihin na "there is a lil' political analyst in everyone of us". 'Yun ay kung may malasakit nga lahat sa pagsulong ng bayan. 

Kaya nga dapat nakikialam tayo. May pakialam ka 'te!


Kung may Republika ng Pilipinas pa (,kung hindi pa tayo tuluyang nasasakop ng mga Intsik), ay unang beses kong boboto sa Presidential Elections sa 2016. Marami na ngayong naka-project sa taong ito lalo na sa mga naghahangad sa mga upuan. At gaya ng nakasaad sa Law of Variety, mas masayang bumoto kung maraming pamimilian. Higit sa lahat mas demokratiko. Mas demokratiko kung marami, bago, at maraming bagong pamimilian sa 2016. Para mas maunawaan natin kung bakit ito ang isang malabo yatang ilustrasyon: 

Kapag bumibisita ako ng bookstores, ayokong nakikita ang parehong display na nakita o nabili ko na nang huli akong bumisita. Hindi ako bibili ng paulit-ulit na libro na nabasa ko na. Parang desperadong maibenta ng bookstore ang mga libro, parang wala silang kinikita, parang walang pag-unlad. 

Ang ilustrasyong nabanggit ay isang Philippine Electoral Selfie. Pare-pareho lang ang pinamimilian. Lahat alam mo na ang ending. Mga nabenta lang dahil sa popularidad. Therefore, walang pag-unlad.


Ang problema kasi kahit na may mga bagong pagpipilian, marami sa atin ang paulit-ulit tumatangkilik ng mga alam na natin ang ending. Capital W with a big exclamation point! Baliktad nga ba tayong magbasa ng libro? 

Hindi ko tinatanggap ito. Boboto ako sa 2016 sa mga taong sasalamin sa mga prinsipyong tinatayuan ko, pangarap na pinananangnan ko, at may mga matalinong plano sa pag-unlad ng bayan. Hinding-hindi base sa popularidad, branding, o nakaka-awang gray-scale na pol.ads. 


Sino-sino nga ga ang maaring tumakbo sa 2016? Sino ang maaaring bumenta? Gumawa ako ng listahan ng mga maaring maging susunod na presidente. 

1. SXY. Hindi ko alam kung bakit 'sexy' ang inilabel kay Sen. Jinggoy. Sa kinahaharap niyang ilang ulit ng counts of Plunder at Graft case, usap-usapang naghahangad ito sa 2016. At nang minsang ma-corner sa interbyu ukol dito, winika niyang "I still have the machineries". 


Exciting di ga?! Paano na lang kung meron pala siyang batalyon ng titanium-mechas tapos kubkubin niya ang Pilipinas by 2016? Kung anumang machineries ang hawak niya, e siguraduhin niyang gagana para sa pagkuha muli ng tiwala ng taumbayan. 

2. PTK. Presyo. Trabaho. Kita. Ito ang branding ni Sen. Peter Allan Cayetano na nakikitaan rin ng paghangad bagama't itinanggi niya ito. Sa tingin ko mahina ang branding na ito para sa presidential spot, dahil blue-collared workers lang ang balwarte niya rito. Paano yung ibang miyembro ng manggagawang sektor? E yung ibang sektor pa? Kailangan siguro niya ng bagong packaging. 

3. BNY. Isang dangkal na lang siya sa Presidency ngayon. Bilang punong abala sa DFA, madalas ay expose ang Bise na busy sa foreign affairs, ang malaki niyang balwarte ay ang lumalagong milyong absentee voters. Pati pamilya ng mga ito. Sana lang ma-address din ang maraming problema ng mga OFWs pagdating sa pagmamalupit, pag-aasikaso ng papel, pagsugpo ng human traficking at maging sa retirement plans.


4. "Wha?!" Minsan itong naibulalas ni Sen. Miriam Santiago sa impeachment hearing ni dating SCJ Corona. Ang Senadorang popular di lang sa pagsugpo ng kurapsyon kundi pati sa mga pick-up lines. Isa na rin siyang Internet Sensation, madaming followers, fb likes, at parating laman ng memes. May mga online campaigns/petition na nga para kay Sen. Miriam para sa 2016. 

Minsan nang naghangad ng pagkapangulo ang Iron Lady of Asia, sa 2016 ay magiging unang Pilipinong judge sa UN International Tribunal of Law. Kung ipagpapalit niya ang pwestong ito para muling maghangad ng pagkpangulo, 'yun ang hintayin natin. 

5. XXX. Minsang nakitang dumalaw si Ex-President FDV sa naka-hospital arrest na Ex-Pres. GMA. Minsan na rin siyang dinalaw ni Cong. Imelda Marcos, asawa ng Ex-Pres/Dictator na si Ferd. Marcos. 

Rumors has it na nagluluto ng partido ang tatlong Xs. Ang pagbabalik ng mas pinalakas dahil sa pagsasanib-pwersa, kung magkakataon nga. Sinong ipopronta nila? Ewan. Sinong boboto? Marami.


Hindi ko sinasabing hindi ako boboto ng datihan nang politiko. Ang sinasabi ko naghahangad ako ng bagong pwedeng iboto. Masyado bang maaga para sa 2016? Sa tingin ko nga tama lang ang ganitong pagtanaw, bumubuo na ng bagong partido si Vice Pres. Jejomar Binay, aminado siya rito at pumipisil na ng matinding tandem. Sabihin na lang nating hypotheses ang ginawa kong paunang listahan. Malay mo may mga personalidad sa showbiz ang maghangad ng pagkapangulo. 

Hindi natin masasabi pero sinasabi ko na na pwede. 

"Possibilities are endless."

Tuesday, July 15, 2014

Pagoda

Naranasan mo na siguro ito, yung pagod na pagod ka na dahil sa maghapong trabaho o lakwatsa. Talagang kalos na kalos na parang gusto mo nang magteleport pauwi. Tapos maglalakad ka pa dahil nasa looban pa ang bahay mo. Yung sandali na mas gusto mong mamahinga kesa sa kahit na anung bagay sa mundo. 

Tapos, pagdating mo ng bahay nyo ay parte-rak-en-rol. Yung speakers parang gustong lumuwa sa lakas ng tugtog, ingay pala, sa lakas ng ingay. E wala kang boses sa pamilya, akala nila lahat ng gagawin nila e oks lang sayo at dahil minsan lang din naman daw sila mamahinga. Nagkataong yung paraan nila ng pamamahinga ay mas nakaka-ubos ng enerhiya mo. 

Anung gagawin mo? 

a.maglaslas ng pulso 
b.magmaka-awa with matching luha 
c.ipinalangin ang kanilang kaluluwa 

Ganito ang sitwasyon ko ngayon. Gusto kong magwala at sirain ang kasangkapang pinatutugtog. Gusto kong magwala. Pero hindi pwede. Hindi tama. 

Ang problema pa ay maaga ka pa kinabukasan. Masusukat talaga ang pagpapatawad at ang maiksi mong pasensya. 

Thursday, July 10, 2014

Umaapaw na Ka-badtripan!




Gravity! 

Halos lamunin ako ng bigat-hila ng ka-badtripan ng Sabado ng gabi. Madaling araw nako nakatulog nung Biyernes, tapos nag-ukay kinabukasan, nag-assist sa pagtuturo ng mga bata, nagpraktis ng choir, ta's nakauwi ng bandang alas-otso na ng gabi. 

Of course, antok na antok na'ko dahil kalos na. Hinintay ko pang patayin ang tv bago ako makatulog. Ang kaso humilata ang tatay ko sa higaan ko tapos nagpatugtog na naman ng kanyang umaapaw sa ka-baduyang playlist na binubuo ng teleserye theme songs at 80's-90's pop hits. Umupo ako sa sala. Nag-uumpisa na ang 'evilness' sa hart hart ko. Grrr. 

Patay nga ang tv, buhay naman ang pagkalakas-lakas na tugs-tugs. Nasa sala nga ako, pero rinig ko pa rin ang tugs-tugs dahil plywood lang ang ding-ding na pagitan ng sala at kwarto-kusina namin. So, kailangan kong i-endure ang torture. 

Naisip kong i-rereformat ko ang memory nyan kapag nahawakan ko. Pero masama 'yon. Worse pa, naisip kong lasunin ang mga manok n'ya for the nth time. Wala man lang siyang konsiderasyon sa gustong mamahinga. Ako kaya nagpapatuka tuwing hapon! Palagi ko na lang naiisip i-poison ivy ang mga manok niya kada nababadtrip ako sa kanya. Si Mama, walang magawa sa asawa niya, basta naglalaba siya at bahala na kayo. Naglalaba pa kahit Linggo na bukas? 

Naki-usap akong baka pwedeng mag-earphones, kasi meron naman. Pero walang balak. Halos maluha-luha na'ko sa ka-badtripan with oozing ka-baduyan. Magsusundo pa ako ng mga bata bukas, tapos kakanta sa choir at tatayo para mag-exhort sa giving.
Naglaban ang prayer at pamumuo ng wrath, evil thinking, grudge, at discontentment sa puso ko. Kung mawala na lang sana ang existence ko ng isang gabi? Or mabingi ako just this night? Hayy... 

Nakakatulog-tulog nako sa upuan, nang umalis sa higaan ko ang kinamumuhian kong tatay that time. Tapos na ring maglaba ang nanay ko. Pasado alas-onse na ng makalipat ako sa higaan ko, hindi pa rin pinapatay ang tugs-tugs. Buti na lang at nag-force shutdown na ang bugbog kong brainlet.

Pagkagising ko, oks na ko ulit. Parang na-reformat. Alas-sais:siete, tamang-tama lang. Naghanda na'ko ng sarili, bihis na at magpaplantsa na lang. Asan ang extension?! Hindi umaabot ang plantsahan sa sasakan. Gusot pa ang damit ko. Ito lang ang ugat ng ka-badtripan ko. 

Wala si Mudra, wala akong mapagtanungan. Lumilipas ang oras, kumakalat na ang liwanag. Umiinit na ang sikat ng araw. Umiinit na rin ang ulo ko. Of all the days of the week naman kasi, hindi siya pumupunta sa palengke ng madaling araw, ngayon pang Linggo?! Anu yan? diyos-diyosan? May susunduin pa'kong mga bata, tanghali na. 

Dumating ang nanay ko pasado alas-siete, umalis nako kahit nag-aalok siya ng puto para sa almusal. May halimaw na ng barungi sa dibdib ko. Pagdating ko sa pick-up point ng mga bata, wala na sila 'ron. Baka umuwi na dahil akala nila hindi na sila susunduin dahil tanghali na. Brr talaga as in! 

Hindi ako makakakanta. Hindi ako makakatayo. Ang hirap mag-explain kung bakit. Hindi ako magpapakita sa simbahan. Mali 'yun.

Sa Lusacan ako magsisimba. Sumakay ako ng dyip, at nakasakay ko pa ang ka-churchmate ko. Nakapagsinungaling pa 'ko. Mali ulit 'yun. 

Pagdating ko 'ron. Malamang nagulat si Jeuel at Alquin. Napaka-unusual kasi. Akala pa ata ng nanay ni Jeuel naglayas ako. Sabi ko sumabog ako at halata nga raw. Pagkatapos na ng tanghalian ko dinitalye sa kanila. 

Matapos ang tanghalian. Uminom kami ng gatas. Tapos natulog. Sinamantala ang katahimikan. Sinamantala ang kapayapaan. 

Kailangan ko pang harapin ang mga mapait na kapalit ng pagkawala ko. 


Study Questions:
1. Bakit di ko na lang prankahin nanay ko? 
Mahirap. 

2. Bakit hindi na lang ako magpaliwanag sa simbahan? 
Mas mahirap. 

3. Bakit kailangan maghirap? 
Ewan. 

4. Bakit malupit (in horrendous sense) ang teleserye theme songs at mga kanta ni Vina?
 Mas ewan.


Links: 

https://www.facebook.com/christwinfelix

Malandificent

    Na-mimiss ko yung mga araw na nakikipagpa-kyutan ako sa text at maging sa chat. Puro "maen na pu" o "nu gawa *^_^*" ang mga tineteks ko. Aktibong lablyf sabi ng kabataan. Kalandian sabi ko ngayon. Fourth year hayskul pa yung huli na may kasama pang pagpapakyut sa tawag. Nitong fourth year college kasi pa-very light lang. Spark-spark lang kumbaga. Sana lang hindi ito binabasa ng mga taong na-link sa'kin. Artista?! 

Gayunpaman, at least medyo normal pa ko. Dinadaanan talaga 'yang ganang stage. Akala ko kasi dati wala akong puso at dynamo lang yung tumatakbo sa dibdib ko. Napansin ko, mga ilang panahong pag-o-obserba, napapabilis uli ang tibok ng puso ko. Kapag nakikita ko sa booksale ang mga matagal ko nang hinahunting na mga libro. Dugs. dugs. dugs. Lalo na kapag hardbound at may jacket pa, tapos below Php 200 lang. Sukdulang mangutang. 

Yung chatbox ko. Medyo nakaka-alarma rin dahil kundi writer, ay publisyer, o di kaya'y buk istor ang mga ka-chat ko. Meron ding mga strangers na sa peysbuk ko lang nakilala.
Mga instant tropa dahil bookworm siya. Hindi ko pa kasi kino-consider na bookworm ang tulad kong mabagal at tamad magbasa pero pasasaan ba't sisipagin rin. 

Mga taong kapareho mong mahilig mangalkal sa buk istors. Mga parehong "iniidolong" manunulat. Parehong gustong magsulat. At parehong kalagayang salat sa pambili ng aklat. Haist! Maiisip mo na baka may kakambal ka na nawawala. 

Ang mga paglalandi ko'y nagbunga naman ng ilang aklat ngayong Hulyo. Hayy ang saya lang ng may libreng libro. At umaasa pa ako sa maraming pa-contest, pa-rebyu, at pamigay na aklat. 

Pasasalamat:
Chapter IX Bookstore: Salamat sa tatlong issues ng Crime-Fighting Call Center Agents na napanalunan ko noong anibersari nyo. Kahit na hindi ako mauna-una sa pagtatype ng "mine" nanalo pa rin. Hanggang sa susunod na anibersari. haha. Sana makabisita at makabili rin ako sa tindahan n'yo sa hinaharap. O magtinda kayo ng libro ko sa hinaharap, maganda rin yun. Pagpalain pa ang inyong sales!

#GetPaged: Salamat sa paghirang ninyo sa'kin para makatanggap ng limang libreng libro. Panalo! Salamat rin sa mga manunulat at indibidwal na nag-donate. Hindi man sa'kin mapupunta ang mga librong pambata ay magiging bahagi ako ng kasiyaha't paghubog ng pagkatao ng mga bata. 


Ida-drop ko, along with other volunteers in Manila, Visayas, at Mindanao, sa mga lugar kung saan maaaring may makapulot nito. Ang makapulot ng libro ay kanya na! Yey!
In the coming days, alam ko marami pang libro ang mahahawakan ng kamay ko.


Si Ateng Robot at ang aking Pasensya

    Nagpunta ako sa isang delivery service-courier dito sa bayan ng Tiaong. Meron akong ipi-pick up na delivery galing sa isang bookstore. Nanalo ko ng libro, good vibes di ba? 

Medyo naghintay rin ako ng shipping ng dalawang araw pero 24 na oras lang pala dapat. Ganun kabilis. Palagi naman akong may transac dito sa padalahan na ito, dito nagpapadala yung mga publishers ng mga aklat na pinaparebyu nila pero palaging door-to-door. Ngayon lang ako nagka-pick up. 

Naghintay din ako ng trenta minutos para makapag-claim, pagdating ko doon sa counter:
"ID" sabi ni Ateng walang ka-emo-emosyon. 

"Naku! Wala pa po ulit akong valid id dahil kaka-graduate ko lang" paliwanag ko kay Ate with matching nangungusap na mga mata. 

"Co. no. meron ka?" sabi ni Ate na flat na flat ang intonation. Di ba dapat aangat ang tono sa bandang dulo kapag nagtatanong? Siya flat lang na pantay-pantay. 

Oo naman yes! Meron ako, akala ko kasi talaga oks lang walang ID. Idinikta ko tapos tinype niya. Pak! Enter. Nakita niyang meron nga.

"ID mo?" hingi pa rin siya. 

Iniabot ko ang reg.form ko, with teary eyes, na public doc din naman at ito lang ang sabi niya: 
 
"Hindi ID yan, police clearance pwede." 

Asar na'ko. Kapag nagdedeliver sila wala naman silang kinukuhang ID sakin para sa security protocol nila. Basta na nga lang nila iniiwan, hindi sa bahay namin doon pa sa may tindahan ni Ka Denya. Ni wala nga silang pag-uusisa kung natanggap ko talaga yung padala. Kaya akala ko pwedeng tiwala lang. 

Hindi talaga umubra ang charm ko kay Ate, parang tomboy ata ito e. Ano? Suntukan na lang? Pag tumumba ka ire-release mo libro ko. Imbyerna kasi talaga. Kala ko you like to move it? E mukhang you like to hold it naman? You hold it against me! 

Mukhang wala akong magagawa kundi bumalik doon at ipakita ang school ID ko na invalid na naman talaga. 

Nalaman ko na nakaharap din pala ito ni Roy dati. Nagmaka-awa siya dahil naghintay siya ng matagal tapos mag-a-alas singko na, sarado na raw. Gasino na mag-pack ng docu? Hayun, pinabalik pa rin siya. 

Lalo lang tumibay ang deductions ko na robot si Ate. Walang emosyon. Walang konsiderasyon. At higit sa lahat, nakaprogram. Kung magkakataon pa lang pumasok ang robot age, hindi na malilinang ang ating pakikipagkapwa. 

Dapat kasi babasahin na namin 'yon. 
Nakakaines talaga! Raaah!!! <*punit damit>

Napa-ibig,,,

     Tuwing dumadaan kami nina Roy sa may Sr. Pedro, isang litsunan ng manok, sa may 9M-DPWH Overpass sa Lusacan ay parati akong nagbibiro na bibili ako para sa tanghalian o hapunan namin kena Jeuel. Malimit kasi talagang makikain kami roon. O di kaya'y nanghihinayang kunwari na sarado na ang litsunan kung napadaan kami ng malalim na ang gabi. Malimit nagbobonete lang talaga kami sa katabi nitong panaderya. Pero itinanim ko sa puso ko na isang araw na makakabili rin kami niyan at kakaing sama-sama, itaga mo pa sa pitso. 

Matagal na rin na hindi ako nakapanlilibre, nakakamiss rin nomon. Until isang araw na nabalita kong may makukubra pa raw ako sa iskul na ilang libo. Nalaman ko na na-aprubahan pala ang iskolarsyip ko mula sa kapitolyo kahit na iisa lang ang subject kong tineyk - 3 units lang. Umubra ang charm ko sa bading na nag-i-screening, keme lang!

Agad akong nagsadya sa aming mahal na paaralan. Aba! Iba na ang accounting mas masigla kumpara sa dati na mukhang laging puyat na inahin. Nakuha ko ang ilang libo.

Salamat! Salamat! Lalala, awit ng gutom kong bulsa. Makakapag-litsong manok na kami.
Kinalunesan, Hunyo 30, nagpasya kaming mag-dinner date nina Roy, Alquin, at Jeuel. Sagot ni Jeuel ang bigas, sagot ko ang manok, sagot ni Alquin ang maiinom, at sagot ni Roy ang kwento. Hindi no, malaki kaya ang sinagot ni Roy, tunghayan. 

Sinamahan ko muna si Roy na umuwi para magbihis at magpaalam. Me bonding daw kami. Tapos dumeretso na kami sa may 9M-worth DPWH Overpass para bumili ng litsong manok.
Wala nang umiikot-ikot sa ihawan pero may usok-usok pa. Baka naman hindi lang naka-display, tinanong namin yung nagbabantay, umiling lang ito. 

Tumawa ako ng malakas. Pero may panghihinayang. Para kasing joketime, sa tinagal-tagal na paikot-ikot yung mga manok dun na tila ba nangmamata samin dahil hindi namin mabili tapos kung kailan may kapasidad nako saka pa naubos. Anu yan joke?! Dahil malapit na doon ang bahay ni Jeuel, dumeretso na kami sa kanila.

Sinundo lang namin si Jeuel para samahan kaming bumili na lang ng pritong manok. Pero gusto ko pa rin yung litson e. Pumunta kami sa palengke ng Lusacan, dito ko nakikita yung mga kulto at nakakapagtanong kung bakit sila may pang-kwek-kwek tapos ako anak ng Diyos nga-nga? Nagtanung lang ako hindi nagrereklamo. At ito na nga bibili kami ng prayd sheken! Wooh! Pagdating namin sa bilihan, sarado na. 

Huwag mawalan ng liwanag may isang bilihan pa, lagi yung nagtitinda kahit gabi na dun sa may kanto papuntang blue bar. Pero wala rin kaming nabilhan, sa lahat naman ng araw na magde-day-off siya ngayon niya pa naisip. Parang isang malaking JOKE ang lahat. 

Habang daan para akong naglilihi sa litsong manok. Napa-ibeg na ika nga ng mga matatandang Tiaongin. Nagsusog si Roy ng panukala, sa Tiaong daw bumili kami. Una, pagod nako kako. Pangalawa, magastos sa pasahe. 

At dahil siya ang nakaisip, siya ang pinush naming bumili sa bayan. May Sr. Pedro din sa may Bantayan. Pinilit-pilit pa namin si Roy bago 'to pumayag.
Nang maisakay namin si Roy, nakita naman namin si Alquin na umuwi muna rin sa kanila para magpaalam. 

Sabi sayo malaki ang papel ni Roy. Dumating si Roy nang halos wala pang isang oras. Sabi niya tatlo na lang daw yung manok at tatlo silang bumibili. Sakto!
Nagsalo-salo kami sa hapunan. Naglaro ng "mahika negra" hanggang sa sumuko si Roy para ma-decode ang mahika. Naglaro ng Advance Wars, kasali nako. Tapos natulog ng maaga, mga alas-dos. 

Pasasalamat:
Sa Pamilya Pampolina: Sa pagkupkop samin kahit wala kaming pasabi. Sa mga pagsasakripisyo sa nakokonsumo naming bigas, kuryente, at tubig. At sa pagtitiis sa aming kaingayan.
Kay Roy sa pagbili niya ng manok sa bayan.
Kay Alquin, sa pagtitimpla niya ng juice at di pagsugod sa base ni Roy.
Kay Jeuel na pers time kaming pinagsaing t pinaghain. 

Kay BOSS! Sa mumunting salaping ipinagkatiwala mo sa akin. Medyo paubos na baka meron pa diyan. Alam mo naman po kung saan ko nilagak yung iba. :)) Solomot with flying hugs! 

June 30, 2014
Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon