Naranasan mo na siguro ito, yung pagod na pagod ka na dahil sa maghapong trabaho o lakwatsa. Talagang kalos na kalos na parang gusto mo nang magteleport pauwi. Tapos maglalakad ka pa dahil nasa looban pa ang bahay mo. Yung sandali na mas gusto mong mamahinga kesa sa kahit na anung bagay sa mundo.
Tapos, pagdating mo ng bahay nyo ay parte-rak-en-rol. Yung speakers parang gustong lumuwa sa lakas ng tugtog, ingay pala, sa lakas ng ingay. E wala kang boses sa pamilya, akala nila lahat ng gagawin nila e oks lang sayo at dahil minsan lang din naman daw sila mamahinga. Nagkataong yung paraan nila ng pamamahinga ay mas nakaka-ubos ng enerhiya mo.
Anung gagawin mo?
a.maglaslas ng pulso
b.magmaka-awa with matching luha
c.ipinalangin ang kanilang kaluluwa
Ganito ang sitwasyon ko ngayon. Gusto kong magwala at sirain ang kasangkapang pinatutugtog. Gusto kong magwala. Pero hindi pwede. Hindi tama.
Ang problema pa ay maaga ka pa kinabukasan. Masusukat talaga ang pagpapatawad at ang maiksi mong pasensya.
No comments:
Post a Comment