Mic test.
Sound check. Sound...
G-R-R-abe!!!
G-R-R-abe!!!
Isang taon na'kong nagba-blog. Hindi ko inakalang
tatagal siya hanggang ngayon dahil ikatlong subok ko na'to na gumawa ng blog.
Yung una, nakalimutan ko ang username at password. Yung pangalawa, nakalimutan
kong sipagin. Ito lang ang binhing sumibol at natagalan ang pesteng katamaran.
Sa loob ng isang taon, hindi ko pa rin tukoy kung
bakit ako nagsusulat. Masyadong malawak at malalim ang mga bakit ng pagsusulat
at pagkatha. Hindi ko pwedeng sabihing "gaya ng puno ng mangga na
kailangang mamunga ng mangga" o "kailangang puksain ang dragon sa
aking kaibuturan"; masyadong pang-matandang writer.
Isa pa may mga nagsabi
na n'yan. So far, ang alam ko ay hindi irasyunal ang proseso ng pagsulat o
pagkatha, palaging may nagtutulak sa panulat. Pero may mga dahilan kung paano sumibol ang blog
ko, narinig ko sa isang writer na nakapagpapahusay daw sumulat ang blogging.
Siguro dahil sa pagsasanay ng di mo nararamdaman. Kapag nag-blog ka raw
araw-araw, huhusay ka kahit papaano. E kung sampung taon ka nag-blog?!
Mas magaling ka na di hamak! Kaya may siyam na taon pa'kong bubunuin.
Isa talaga sa matitinding dahilan ay ang pag-alis
ko sa university, gra-gradweyt na'ko! Mawawala na sa akademya, mawawala na ang
pahayagang naglalaman ng mga saloobin ko. Ang tanging espasyo kung saan
nakakarating sa batayang masa ang mga sinusulat ko. Malaki din ang readership
ng Traviesa. Tapos, nakita ko ang blog ni Bebang Siy! Naisip ko
na magandang platform ng mga sulatin ang blogging. Kung wala ng papel na
maglululan ng tinta ng panulat mo, e malawak ang cyberspace para kanlungin ka.
Kaya kahit sa bandang huli pa ang pasasalamat, e pasasalamatan ko na si 'Nay
Bebs para sa inspirasyon. More power ; more projects po!
Nakuhanan ko rin ng lakas ng loob ang binitiwang
mga salita ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Rio Alma, na
hindi mo naman kailangang magkalibro para maging manunulat. Rio is Hart! Hart!
<3 Narinig ko din sa isa pang Pambansang Alagad ng
Sining para sa Panitikan na si F.Sionil Jose, na hindi mo kailangan ng
Palanca para magsulat. Dapat hindi kasikatan o pagkilala ang nagtutulak para
magsulat ka.
Kaya nagblog ako.
Hindi ako magpapaka-ipokrito, gusto ko ring
sumulat ng libro sa darating pang mga panahon. Masaya rin sigurong tumanggap ng
Palanca Award. (Kapag wala na masyadong rekusitos, ang mahal kasi magpa-notaryo at
magpa-scan; sasali na'ko.) Sa ngayon, Palaka Award lang muna.
Kapag tinitingnan ko yung mga Powerhouse ng
Panitikan (PNP) at mga akda nila, nakakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa at
pag-asa itself. Pag-asa, dahil ang hirap ng pinagdaanan nila bilang manunulat
at nalagpasan nila ng malualhati. Kawalan ng pag-asa, dahil sa ganda ng mga
akda nila ay parang hindi mo kailanman maaabot ang ganoong kakayahang sumulat.
Habang buhay kang magiging fanboy!Hindi naman magastos ang pagfafanboy sa manunulat.
Mas mura ang libro kumpara sa albums. Mas mura ang mga book fairs kesa
concerts. Wala ka ring gastos sa plakards at mga led lights.
Tinitingnan
ko ang panulat ko ngayon bilang bagong poso. Sa umpisa talagang maputik ang
lalabas na tubig. Sa tagal ng pagtungga-tungga, palinaw ng palinaw ang
bumubukal. Konting pawis pa sa pagbomba at lilinaw din ang bumubukal sa poso.
Minsan madaling bumukal ang tubig. Minsan tagtuyot talaga.
Nakakadisappoint lang na parang walang pag-usad
ang pagsulat ko. Parang stagnant. Sintonado pa rin ang boses. Madalas tagtuyot at kailangan pang tumungga nang
tumungga (ng kape) bago makasulat. Wala rin akong natatanggap na komento o
kritik sa blogging. Paano ako maglelevel-up?
Pero look on the bright side, ika-nga. Marami-rami
na ring nangyari sa aking munting blog. Nakapaghost ng mga guest post mula sa
mga kaibigang may sining to share. Nakapagreview rin ng ilang libro at nakasali
sa blog tours. Nakapanayam ang ilang manunulat. Nakahanap ng mga kaibigan na
may kaparehong interes at pangarap. Marahil nakatulong din ako sa kanila sa mga
isinusulong nila. Para sa pagpukaw ng kamalayan. Para sa pambansang pagbabago.
May mga
pagbabago akong iprinopose sa aking blog:
1. Mula idyordnal.blogspot.com ay papalitan ko na
ito ng mas simple, mas madaling basahin, tandaan, at intindihin na pangalan ng
blog; kaya ito ay magiging tsa-tsub.blogspot.com na!
2. Mababawasan na ang mga posts ko dahil sa mga
tinatapos kong mga bagay-bagay. Naisip ko kasi na madami akong dapat pagtuonan
ng pansin gaya na lang ng pagsusulat.
3. Susubok na'ko ngayong pasukin ang mundo ng
fiction. Weee...Lahat ng mga pagbabagong ito ay wala naman
masyadong bearing dahil kakaunti pa lang naman ang mambabasa ko. Medyo
eksklusibo pa sa mga ka-bradees at mga fren-frens online ang blog ko. Ngayon,
ike-claim ko na, na may blog nga ako.
Dahil ang
una kong post ay pagpapasalamat, dapat ang aking anibersari ispitch ay may
pasasalamat din. Magandang ugaliin ang pagpapasalamat, pramis!
Pasasalamat:
Kay Nikabrik, E-boy, at Ate Shin, na mga
occasional readers ko na minsan lang bumisita pero tinuturbo ang pagbabasa. Si
Jeuel, minsan yung mga entry lang na kasama siya ang binabasa. Gayunpaman,
tenkyu pa rin sa pagsuporta! More power to your Wifi!
Kay Alquin at Roy, na once-in-a-blue-moon readers
ko, na parang si E-boy din na mga post lang na kasama sila ang binabasa,
salamuch! Kahit papano hindi n'yo pinapahalata sa'kin na napipilitan kayong
magbasa. haha.
Kay Margee, Greys, at Tunganga, sa pagpapahiram
n'yo ng mga likhang sining n'yo sa blog ko. Tenks!
Kay Xi Zuq, Rald Reb, Ergoe, Sir Egay ng Areneyow,
Mam Badet ng UP, Sush at iba pang sayberkadas, salamat sa inyo! Dagdag views
din sa page ang mga blog tours at interviews. Haha! Kapag may mga blog tours,
isang e-mail at el-bi-si lang ako! Para sa panitikarns!
Kay BOSS!
hayy...salamat dahil ipinakilala
mo sa'kin ang pagsusulat!
Hanggang sa mga susunod pang mga taon! (Nawa!)
No comments:
Post a Comment