Nagpunta ako sa isang delivery service-courier dito sa bayan ng
Tiaong. Meron akong ipi-pick up na delivery galing sa isang bookstore.
Nanalo ko ng libro, good vibes di ba?
Medyo naghintay rin ako ng shipping ng dalawang araw pero 24 na
oras lang pala dapat. Ganun kabilis. Palagi naman akong may transac dito
sa padalahan na ito, dito nagpapadala yung mga publishers ng mga aklat
na pinaparebyu nila pero palaging door-to-door. Ngayon lang ako
nagka-pick up.
Naghintay din ako ng trenta minutos para makapag-claim, pagdating ko doon sa counter:
"ID" sabi ni Ateng walang ka-emo-emosyon.
"Naku! Wala pa po ulit akong valid id dahil kaka-graduate ko lang" paliwanag ko kay Ate with matching nangungusap na mga mata.
"Co. no. meron ka?" sabi ni Ate na flat na flat ang intonation.
Di ba dapat aangat ang tono sa bandang dulo kapag nagtatanong? Siya flat
lang na pantay-pantay.
Oo naman yes! Meron ako, akala ko kasi talaga oks lang walang ID.
Idinikta ko tapos tinype niya. Pak! Enter. Nakita niyang meron nga.
"ID mo?" hingi pa rin siya.
Iniabot ko ang reg.form ko, with teary eyes, na public doc din naman at ito lang ang sabi niya:
"Hindi ID yan, police clearance pwede."
Asar na'ko. Kapag nagdedeliver sila wala naman silang kinukuhang
ID sakin para sa security protocol nila. Basta na nga lang nila iniiwan,
hindi sa bahay namin doon pa sa may tindahan ni Ka Denya. Ni wala nga
silang pag-uusisa kung natanggap ko talaga yung padala. Kaya akala ko
pwedeng tiwala lang.
Hindi talaga umubra ang charm ko kay Ate, parang tomboy ata ito
e. Ano? Suntukan na lang? Pag tumumba ka ire-release mo libro ko.
Imbyerna kasi talaga. Kala ko you like to move it? E mukhang you like to
hold it naman? You hold it against me!
Mukhang wala akong magagawa kundi bumalik doon at ipakita ang school ID ko na invalid na naman talaga.
Nalaman ko na nakaharap din pala ito ni Roy dati. Nagmaka-awa
siya dahil naghintay siya ng matagal tapos mag-a-alas singko na, sarado
na raw. Gasino na mag-pack ng docu? Hayun, pinabalik pa rin siya.
Lalo lang tumibay ang deductions ko na robot si Ate. Walang emosyon. Walang konsiderasyon. At higit sa lahat, nakaprogram. Kung magkakataon pa lang pumasok ang robot age, hindi na malilinang ang ating pakikipagkapwa.
Dapat kasi babasahin na namin 'yon.
Nakakaines talaga! Raaah!!! <*punit damit>
No comments:
Post a Comment