Tuwing dumadaan kami nina Roy sa may Sr. Pedro, isang litsunan ng
manok, sa may 9M-DPWH Overpass sa Lusacan ay parati akong nagbibiro na
bibili ako para sa tanghalian o hapunan namin kena Jeuel. Malimit kasi
talagang makikain kami roon. O di kaya'y nanghihinayang kunwari na
sarado na ang litsunan kung napadaan kami ng malalim na ang gabi.
Malimit nagbobonete lang talaga kami sa katabi nitong panaderya. Pero
itinanim ko sa puso ko na isang araw na makakabili rin kami niyan at
kakaing sama-sama, itaga mo pa sa pitso.
Matagal na rin na hindi ako nakapanlilibre, nakakamiss rin nomon.
Until isang araw na nabalita kong may makukubra pa raw ako sa iskul na
ilang libo. Nalaman ko na na-aprubahan pala ang iskolarsyip ko mula sa
kapitolyo kahit na iisa lang ang subject kong tineyk - 3 units lang.
Umubra ang charm ko sa bading na nag-i-screening, keme lang!
Agad akong nagsadya sa aming mahal na paaralan. Aba! Iba na ang
accounting mas masigla kumpara sa dati na mukhang laging puyat na
inahin. Nakuha ko ang ilang libo.
Salamat! Salamat! Lalala, awit ng gutom kong bulsa. Makakapag-litsong manok na kami.
Kinalunesan, Hunyo 30, nagpasya kaming mag-dinner date nina Roy,
Alquin, at Jeuel. Sagot ni Jeuel ang bigas, sagot ko ang manok, sagot ni
Alquin ang maiinom, at sagot ni Roy ang kwento. Hindi no, malaki kaya
ang sinagot ni Roy, tunghayan.
Sinamahan ko muna si Roy na umuwi para magbihis at magpaalam. Me
bonding daw kami. Tapos dumeretso na kami sa may 9M-worth DPWH Overpass
para bumili ng litsong manok.
Wala nang umiikot-ikot sa ihawan pero may usok-usok pa. Baka
naman hindi lang naka-display, tinanong namin yung nagbabantay, umiling
lang ito.
Tumawa ako ng malakas. Pero may panghihinayang. Para kasing
joketime, sa tinagal-tagal na paikot-ikot yung mga manok dun na tila ba
nangmamata samin dahil hindi namin mabili tapos kung kailan may
kapasidad nako saka pa naubos. Anu yan joke?! Dahil malapit na doon ang
bahay ni Jeuel, dumeretso na kami sa kanila.
Sinundo lang namin si Jeuel para samahan kaming bumili na lang ng
pritong manok. Pero gusto ko pa rin yung litson e. Pumunta kami sa
palengke ng Lusacan, dito ko nakikita yung mga kulto at nakakapagtanong
kung bakit sila may pang-kwek-kwek tapos ako anak ng Diyos nga-nga?
Nagtanung lang ako hindi nagrereklamo. At ito na nga bibili kami ng
prayd sheken! Wooh! Pagdating namin sa bilihan, sarado na.
Huwag mawalan ng liwanag may isang bilihan pa, lagi yung
nagtitinda kahit gabi na dun sa may kanto papuntang blue bar. Pero wala
rin kaming nabilhan, sa lahat naman ng araw na magde-day-off siya ngayon
niya pa naisip. Parang isang malaking JOKE ang lahat.
Habang daan para akong naglilihi sa litsong manok. Napa-ibeg na
ika nga ng mga matatandang Tiaongin. Nagsusog si Roy ng panukala, sa
Tiaong daw bumili kami. Una, pagod nako kako. Pangalawa, magastos sa
pasahe.
At dahil siya ang nakaisip, siya ang pinush naming bumili sa
bayan. May Sr. Pedro din sa may Bantayan. Pinilit-pilit pa namin si Roy
bago 'to pumayag.
Nang maisakay namin si Roy, nakita naman namin si Alquin na umuwi muna rin sa kanila para magpaalam.
Sabi sayo malaki ang papel ni Roy. Dumating si Roy nang halos
wala pang isang oras. Sabi niya tatlo na lang daw yung manok at tatlo
silang bumibili. Sakto!
Nagsalo-salo kami sa hapunan. Naglaro ng "mahika negra" hanggang
sa sumuko si Roy para ma-decode ang mahika. Naglaro ng Advance Wars,
kasali nako. Tapos natulog ng maaga, mga alas-dos.
Pasasalamat:
Sa Pamilya Pampolina: Sa pagkupkop samin kahit wala kaming
pasabi. Sa mga pagsasakripisyo sa nakokonsumo naming bigas, kuryente, at
tubig. At sa pagtitiis sa aming kaingayan.
Kay Roy sa pagbili niya ng manok sa bayan.
Kay Alquin, sa pagtitimpla niya ng juice at di pagsugod sa base ni Roy.
Kay Jeuel na pers time kaming pinagsaing t pinaghain.
Kay BOSS! Sa mumunting salaping ipinagkatiwala mo sa akin. Medyo
paubos na baka meron pa diyan. Alam mo naman po kung saan ko nilagak
yung iba. :)) Solomot with flying hugs!
June 30, 2014
Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon
No comments:
Post a Comment