Gravity!
Halos lamunin ako ng bigat-hila ng ka-badtripan ng Sabado ng
gabi. Madaling araw nako nakatulog nung Biyernes, tapos nag-ukay
kinabukasan, nag-assist sa pagtuturo ng mga bata, nagpraktis ng choir,
ta's nakauwi ng bandang alas-otso na ng gabi.
Of course, antok na antok na'ko dahil kalos na. Hinintay ko pang
patayin ang tv bago ako makatulog. Ang kaso humilata ang tatay ko sa
higaan ko tapos nagpatugtog na naman ng kanyang umaapaw sa ka-baduyang
playlist na binubuo ng teleserye theme songs at 80's-90's pop hits.
Umupo ako sa sala. Nag-uumpisa na ang 'evilness' sa hart hart ko. Grrr.
Patay nga ang tv, buhay naman ang pagkalakas-lakas na tugs-tugs.
Nasa sala nga ako, pero rinig ko pa rin ang tugs-tugs dahil plywood lang
ang ding-ding na pagitan ng sala at kwarto-kusina namin. So, kailangan
kong i-endure ang torture.
Naisip kong i-rereformat ko ang memory nyan kapag nahawakan ko.
Pero masama 'yon. Worse pa, naisip kong lasunin ang mga manok n'ya for
the nth time. Wala man lang siyang konsiderasyon sa gustong mamahinga. Ako kaya nagpapatuka tuwing hapon!
Palagi ko na lang naiisip i-poison ivy ang mga manok niya kada
nababadtrip ako sa kanya. Si Mama, walang magawa sa asawa niya, basta
naglalaba siya at bahala na kayo. Naglalaba pa kahit Linggo na bukas?
Naki-usap akong baka pwedeng mag-earphones, kasi meron naman.
Pero walang balak. Halos maluha-luha na'ko sa ka-badtripan with oozing
ka-baduyan. Magsusundo pa ako ng mga bata bukas, tapos kakanta sa choir
at tatayo para mag-exhort sa giving.
Naglaban ang prayer at pamumuo ng wrath, evil thinking, grudge,
at discontentment sa puso ko. Kung mawala na lang sana ang existence ko
ng isang gabi? Or mabingi ako just this night? Hayy...
Nakakatulog-tulog nako sa upuan, nang umalis sa higaan ko ang
kinamumuhian kong tatay that time. Tapos na ring maglaba ang nanay ko.
Pasado alas-onse na ng makalipat ako sa higaan ko, hindi pa rin
pinapatay ang tugs-tugs. Buti na lang at nag-force shutdown na ang
bugbog kong brainlet.
Pagkagising ko, oks na ko ulit. Parang na-reformat. Alas-sais:siete,
tamang-tama lang. Naghanda na'ko ng sarili, bihis na at magpaplantsa na
lang. Asan ang extension?! Hindi umaabot ang plantsahan sa sasakan.
Gusot pa ang damit ko. Ito lang ang ugat ng ka-badtripan ko.
Wala si Mudra, wala akong mapagtanungan. Lumilipas ang oras,
kumakalat na ang liwanag. Umiinit na ang sikat ng araw. Umiinit na rin
ang ulo ko. Of all the days of the week naman kasi, hindi siya pumupunta
sa palengke ng madaling araw, ngayon pang Linggo?! Anu yan?
diyos-diyosan? May susunduin pa'kong mga bata, tanghali na.
Dumating ang nanay ko pasado alas-siete, umalis nako kahit
nag-aalok siya ng puto para sa almusal. May halimaw na ng barungi sa
dibdib ko. Pagdating ko sa pick-up point ng mga bata, wala na sila 'ron.
Baka umuwi na dahil akala nila hindi na sila susunduin dahil tanghali
na. Brr talaga as in!
Hindi ako makakakanta. Hindi ako makakatayo. Ang hirap mag-explain kung bakit. Hindi ako magpapakita sa simbahan. Mali 'yun.
Sa Lusacan ako magsisimba. Sumakay ako ng dyip, at nakasakay ko pa
ang ka-churchmate ko. Nakapagsinungaling pa 'ko. Mali ulit 'yun.
Pagdating ko 'ron. Malamang nagulat si Jeuel at Alquin.
Napaka-unusual kasi. Akala pa ata ng nanay ni Jeuel naglayas ako. Sabi
ko sumabog ako at halata nga raw. Pagkatapos na ng tanghalian ko
dinitalye sa kanila.
Matapos ang tanghalian. Uminom kami ng gatas. Tapos natulog. Sinamantala ang katahimikan. Sinamantala ang kapayapaan.
Kailangan ko pang harapin ang mga mapait na kapalit ng pagkawala ko.
Study Questions:
1. Bakit di ko na lang prankahin nanay ko?
Mahirap.
2. Bakit hindi na lang ako magpaliwanag sa simbahan?
Mas mahirap.
3. Bakit kailangan maghirap?
Ewan.
4. Bakit malupit (in horrendous sense) ang teleserye theme songs at mga kanta ni Vina?
Mas ewan.
Links:
https://www.facebook.com/christwinfelix
No comments:
Post a Comment