Thursday, July 10, 2014

Malandificent

    Na-mimiss ko yung mga araw na nakikipagpa-kyutan ako sa text at maging sa chat. Puro "maen na pu" o "nu gawa *^_^*" ang mga tineteks ko. Aktibong lablyf sabi ng kabataan. Kalandian sabi ko ngayon. Fourth year hayskul pa yung huli na may kasama pang pagpapakyut sa tawag. Nitong fourth year college kasi pa-very light lang. Spark-spark lang kumbaga. Sana lang hindi ito binabasa ng mga taong na-link sa'kin. Artista?! 

Gayunpaman, at least medyo normal pa ko. Dinadaanan talaga 'yang ganang stage. Akala ko kasi dati wala akong puso at dynamo lang yung tumatakbo sa dibdib ko. Napansin ko, mga ilang panahong pag-o-obserba, napapabilis uli ang tibok ng puso ko. Kapag nakikita ko sa booksale ang mga matagal ko nang hinahunting na mga libro. Dugs. dugs. dugs. Lalo na kapag hardbound at may jacket pa, tapos below Php 200 lang. Sukdulang mangutang. 

Yung chatbox ko. Medyo nakaka-alarma rin dahil kundi writer, ay publisyer, o di kaya'y buk istor ang mga ka-chat ko. Meron ding mga strangers na sa peysbuk ko lang nakilala.
Mga instant tropa dahil bookworm siya. Hindi ko pa kasi kino-consider na bookworm ang tulad kong mabagal at tamad magbasa pero pasasaan ba't sisipagin rin. 

Mga taong kapareho mong mahilig mangalkal sa buk istors. Mga parehong "iniidolong" manunulat. Parehong gustong magsulat. At parehong kalagayang salat sa pambili ng aklat. Haist! Maiisip mo na baka may kakambal ka na nawawala. 

Ang mga paglalandi ko'y nagbunga naman ng ilang aklat ngayong Hulyo. Hayy ang saya lang ng may libreng libro. At umaasa pa ako sa maraming pa-contest, pa-rebyu, at pamigay na aklat. 

Pasasalamat:
Chapter IX Bookstore: Salamat sa tatlong issues ng Crime-Fighting Call Center Agents na napanalunan ko noong anibersari nyo. Kahit na hindi ako mauna-una sa pagtatype ng "mine" nanalo pa rin. Hanggang sa susunod na anibersari. haha. Sana makabisita at makabili rin ako sa tindahan n'yo sa hinaharap. O magtinda kayo ng libro ko sa hinaharap, maganda rin yun. Pagpalain pa ang inyong sales!

#GetPaged: Salamat sa paghirang ninyo sa'kin para makatanggap ng limang libreng libro. Panalo! Salamat rin sa mga manunulat at indibidwal na nag-donate. Hindi man sa'kin mapupunta ang mga librong pambata ay magiging bahagi ako ng kasiyaha't paghubog ng pagkatao ng mga bata. 


Ida-drop ko, along with other volunteers in Manila, Visayas, at Mindanao, sa mga lugar kung saan maaaring may makapulot nito. Ang makapulot ng libro ay kanya na! Yey!
In the coming days, alam ko marami pang libro ang mahahawakan ng kamay ko.


No comments: