Monday, January 11, 2016

Nabasa ko 'yung 'God's Favorite Color'

   Sinulat ito ni Lola Grace Chong at pinablish ng OMF Lit - Hiyas. Ang simple nung aklat e, sa pinaka obyus na pagtingin: nagtuturo ito sa mga batang 2-4 na taong gulang tungkol sa iba't ibang kulay sa paligid at kung paano ba kumilala ng kulay.

Ang simple lang nung drowing sa loob, parang krayola lang na kinulayan ang mga guhit na nakapatong sa karton. Meron kasing nababakas na magaspang na texture sa pagkukulay. Mahusay si Ate Ggie Bernabe na gumuhit at nagkulay sa aklat.

Ang tanong na kailanman ay hindi ko natanong sa sarili ko kahit noong bata pa ako; anong paboritong kulay ng Diyos. Ano nga kaya? Luntian ba dahil binabalot nito ang kalawakan at kagandahan ng gubat? O baka bughaw dahil sa ginawa Niyang ubod ng lawak na langit at dagat? Natawa nga ako sa pink na kasama sa choices. Bakit hindi?, wala namang sinabing "and blue was made for men and pink for women," sa Bibliya. Naalala kong wala namang gender ang Diyos. Sa tingin mo ano nga kaya ang paborito N'yang kulay? Ang alam ko lang kasi lahat ng nilikha Niya ay mabuti't maganda sa Kanyang paningin.

Marami ngang bagay na maganda na mula sa Diyos na wala naman talagang kulay. Ano-anong kulay ba sa color wheel ang meron sa makulay na buhay?


Kasama sa serye ng God's Favorite ang God' Favorite Faces at God's Favorite Shapes. Magandang ibigay para sa early education ng mga bata. Kasama ang serye ng God's Favorite mula sa OMFLit sa ipapamahagi ng Project PAG-bASA.

No comments: