Mula bisperas hanggang bagong taon ay nag-movie marathon kami, dighay lang ang pahinga. Kena E-boy ako sumalubong sa 2016 kasama ng aming kapitbahayan sa Lusacan. Sina Mama, andun sa kamag-anak namin sa Lumingon.
Masarap na maanghang ang shabu ni Konsehal Gemson at manamis-namis naman ang carbonara ni Gyl. 'Yung ispageti ni Mrs. P ay unli-cheese at lasang tao yung sauce. Masagana ang salubong sa bagong taon. Ibig sabihin ba nito mag-mo-movie at kakain lang kami buong taon? Hayahay naman.
Napanood namin 'yung 'Paper Towns'
Isa sa napanood namin ay ang pinaka hinanap at hinintay namin na 'Paper Towns'. Ayun! Di masyadong nasapatan dahil sa sobrang naiba. Hindi lang naiba, kundi sobrang naiba. Excited pa naman kami sa karakter nina Ben at Radar. 'Yung magulang din ni Q, di masyadong nabigyan ng hustisya. Maraming lumayo sa kani-kanilang karakter sa aklat. Ganito ba dapat ang adaptasyon? Pero sakto lang yung acting ni Q para sa'kin. Very alipin lang. Si Margo, anlaki ng butas ng ilong. Sobrang natawa na rin naman kami sa pagkanta ni Ben ng Pokemon song at pagtilamsik ng ihi ni Ben kay Radar sa sasakyan. Pero kulang pa rin yung buong pelikula. So ibig sabihin mga pangit na pelikula lang ang mapapanood namin? Puro adaptation na lalaitin na lang buong taon?
Paputok. Sa tingin ko, hindi na nag-iisip ang mga tao ngayon. Bukod sa mga regalong hindi naman talaga natin kailangan, paputok dito at doon na pampaingay lang naman talaga e. Maganda naman yung fireworks ni Mayor na tanaw mula sa labas ng simbahan, kaya lang halatang, wala yata siyang pyrotechnique expert dahil walang sync ang mga ilaw sa ere. Nagpaputok din kami nina Gabby, isang plastik ang pa-pop niya at kahon-kahon na lusis. Kawad na pala ang hawakan ng lusis ngayon? At plastik straw na pala na maliliit ang pa-pops ngayon? Di ba dati ay papel ang balot nito? Anyare? San pupunta ang milyong pa-pop kinaumagahan ng Enero Uno?
Alas dos na kami nakatulog ni E-boy at nagising ng 8: 45 am para sabay-sabay na kumain ng almusal. Parang busog pa rin ako pero kain pa rin. Si E-boy maya-maya ay bumalik sa pagtulog sa kwarto nina Pastor, ako naman ay naisipang magpa-pawis. Kahit na alam ko na may taga-linis ng simbahan ay nagwalis at naglampaso ako ng sahig ng simbahan. Tapos, winalsan ko ang harapan na nagkalat ang mga maliliit na bahaging plastik ng pa-pop. Nakuha ko naman ang gusto ko, napagpawisan ako. Uuwi na kaya ako sa'min?
Hindi pa. Lumupage ako sa sahig. Nagpatuyo ng pawis. Maliligo na rin naman ako. Nanghingi lang ng shampoo. Pagkatapos ay nagtanghalian. Nood movie ulit. Sarap buhay. Bili ng rugby sa labas. Sabi ko nga kay E-boy, iwanan na niya ang pagra-rugby dahil bagong taon na.
Dumating na si Roy. Maya-maya ay si Alquin. Selfie ng konti. Tas labas sa palengke para mag-meryenda. Sagot nila dahil wala akong pera. Tawid sa overpass. Iwas sa mga basag na bubog. Bili ng kwek-kwek. Bili ng sitserya sa 7-11, Mr. Chips, Cracklings, at Clover. Tapos, overpass ulit para di na mangyari ang karumaldumal na pangyayari noong nakalipas na taon. Bili ng tigi-tigisang Coke float. Balik sa simbahan. Set up ng laptop. Nood ng movie ulit. (Tamad ko magsulat kahit bagong taon.) Purge. Kain sitserya at Coke float. Imis laptop. Kain dinner na ispageti na unli-cheese at yema cake. Sopdrinks pa more.
Balik sa church. Barilan ng pellet gun. Bale, si Ebs lang ang may baril. Nabaril ni Roy si Alquin sa pwet. Nagbugbugan. Gabi na pala. Kinuha na ni Ebs ang susi sa pinto. Tinraydor ko siya para makaganti si Alquin. Nakapalag at nakapagkasa ng baril. Wala na siyang pinagkakatiwalaan ngayon. Ang tagal sa may pinto. Sa labas nag-aagawan pa sa baril. Nagbabantaan pa ng buhay. Alas diyes na kami naka-uwi. Bale, sila lang pala ang umuwi dahil kena Ebs ako tutulog. So masasayang alaala lang buong taon?
Set up pa si E-boy ng sound system para sa praktis nila bukas. Nanghiram naman ako ng damit pamalit dahil maliligo ako't napawisan na naman. Pagod na pagod sa walang kapararakan. Sana lumipas ang taon ng may kapararakan.
Ebs tama na yan. Aayusin ko lang base ko. Saglit lang. Ala-una na o. Tama na uy! Saglit lang aatack lang ng isa. Mag-aalas dos na o.
May lakad pa tayo bukas. Tama na...slowly fade...zzzz..
No comments:
Post a Comment