Alabang Starmall. May alam akong comfort room, kaya lang nasa may dulo pa. E nasa may dulo na rin ang ihi ko kaya... aha! Jolibee! May comfort room ang malalaking Jolibee! Mas malapit!
Pagdating ko ron, hindi lang ako ang naka-isip na doon makiihi. Marami pang nakapila. Sinilip ko ang panlalaki, wala pala. Unisex ang nag-iisa nilang CR na pinipilahan ng maraming nanay, mga nasa 40s at may mga sukbit na shoulder bags na mga balat; yayamanin.
Pagtingin ko sa pinto ito ang nakalagay:
Comfort Room
Strictly for Persons with Disability
Ang tanong sa isip ko'y hindi kung bakit PWD pa rin ang ginamit nila gayong DAP (differently abled persons) na ang socially acceptable. Hindi yon. Bakit nakapila ang mga nanay na 'to rito?
Iniisip ko 'to habang papunta ko sa CR sa dulong bahagi ng mall. Anong disability nila? Mukha namang nakakalakad at nakakapag-isip ng maayos. Bulag ba sila o bingi? O baka disable silang bumasa? Mahirap na disability yon.
Ano ba ang disability? Ako, disable ako sa pagtuturo sa mga bata. Hindi ako nakakapagluto ng masarap. Hindi ako maalalahaning kaibigan. Puwede pa kong maglista ng mga di ko kayang gawin. Disable na ko? Pwede na ba kong umihi ron? P'reho ba ang disable at unable? Baka naman sexual dimorphism lang ang dahilan, mas maikli anh urethra ng babae sa lalaki, kaya di na sila nakapaghanap ng ibang maihian?
Shhhhhhhh.... Habang umiihi ako iniisip ko naman na hindi kumpleto ang karanasan ng pag-ihi kapag di ko naririnig ang kalabsaw ng tubig sa pagbuhos ng ihi ko.
Yung waterless urinal may disability rin. Pakiramdam ko tuloy, di ako nakaihi.
No comments:
Post a Comment