Medyo ginabi na ko ng uwi mula sa bago kong trabaho: ang pananaliksik. Mga 9: 45 pm na ako nakasakay ng dyip pa-Tiaong. Buti na lang at may dyip pa at may iba pa ring sakay. Malamig pa naman ang simoy ng hangin.
Malamig talaga, parang ganito dapat ang simoy nung nagdaang Pasko; pero Pebrero na. Hindi ko naisip magdala ng jacket. Yung mga sakay ng dyip, mukhang kakaawas lang din sa trabaho pero yung dalawa sa may puwetan ng dyip, mukhang mga estudyante. Mukhang di rin sila nilalamig. Nakakuyampit kasi yung babae dun sa lalaki. Akala mo naman malamig, weh di kaya malameg!
Parang pagod din yung babae kasi hindi sila nag-uusap. Basta naka abrisiete lang yung babae sa braso nung lalaki tapos nakasandig siya sa balikat nito. Walang ni ho ni ha na narinig sa kanila maliban na lang nung bumaba na yung babae sa kanto ng Cabatang. Hinatid pa siya ng tingin nung lalaki.
Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko: "hindi naman malameg, hindi naman malameg".
Neks taym, magdadala na ko ng jacket.
Monday, February 22, 2016
Trip to Tiaong: Ang Mag-jowang Jacket
Thursday, February 11, 2016
Linga at Ligalig
Luminga sa Lumingon
Kapag dadaan
ako sa Brgy. Lumingon, d’yan sa may Lapid’s Ville, may karatula o maliit na
billboard na palaging nakikita. Malamang nababasa ng 3 sa 5 bumabiyahe. Parang
wala lang s’ya sa unang basa, wala lang din sa ikalawang basa, pero baka sa
paulit-ulit na pagbasa e baka wala ka pa ring napupuna.
Pero talastasin nating mabuti ang patalastas:
isa itong patalastas na may nakasulat na “No to Drugs” na mensahe sa mga
kabataan. Maganda naman di ba? Talaga naming dapat Malaya sa droga ang komunidad
para sa kapayapaan nito. Ang hindi ko malunok, at kalian ma’y di ko lulunukin
ay ang isponsor ng patalastas na ‘to; isang kilalang brand ng beer. Parang oks
manoks lang ang serbesa dahil lesser evil ‘to kumpara sa droga. Wala pa ring
kapayapaan sa komunidad na maraming lasenggo. Isa pa, ano ba ang kabilinbilinan
ng lola?
Meron pang
nakakalasing na bahagi ang advertisement-advocacy na patalastas. Nakaplastar
din sa patalastas ang pangalan ng konsehal.
Ligalig sa
Lalig
Kapag
nag-aabang ako ng dyip sa may bagong Palengke, tumatambad sa harapan ko ang isa
pang karatula o baka billboard na nga ito dahil mga dalawang blackboard ang
laki nito. Iba naman ang adbokasiya nito: “Let’s keep Lalig Clean and Green,”
parang ganan yung mensahe. Isponsor nito ay ang parehong brand ng alak sa may
Lumingon.
Anak ng
environmentalist naman oh! Meron na bang naglasingan at pagkatapos naghanap ng
clean-up drive event? Meron na bang mga naglasingan tapos nagdiskurso ng
climate change? Meron na bang naglasingan tapos naglinis ng ikinalat nilang mga
balat ng sitseryang Bangus, Boy bawang,
at Tips na pinulutan nila dahil aware
sila sa ‘Tapat Ko, Linis Ko’ program?
Ang
patalastas ay hatid sa inyo ng SK Chairman at Brgy. Captain, sabi ng karatula.
Bakit gay’on
ang mga patalastas sa bayan natin? Luminga-linga naman tayo at magligalig
minsan.
Flag Sermony
Dumaan ako ng Munisipyo kanina;
sakay ng dyip. Martes pero may flag ceremony dahil walang pasok kahapon. Hindi
ko nakitang nagsasalita ang Mayor o baka hindi ko lang talaga nakita sa pagdaan
ng sasakyan. Ang hepe ng pulis ang nagsasalita, nasabi kong hepe dahil sa
kanyang tindig at kakaibang sombrero. Ang mga kawani, kalat-kalat.
Kanya-kanyang hanap ng lilom. ‘Yung iba nagkukuwentuhan. Mas maayos pa ang flag
ceremony sa hayskul. Higit na mas maayos pa ang flag ceremony sa elementarya.
Naisip ko ano kayang pinagkukuwentuhan
nila? Kung tama bang alisin ang income tax sa mga sumasahod ng 30K pababa? Kung
tama bang magluklok muli ng Marcos sa pamahalaan? Kung paano sila maglilingkod
sa mamayan ng mainit at may buhay mamaya? Baka naman kung anong kilig moments meron
sa OTWOL kagabi?
O baka pinag-uusapan nila yung
viral video ng estudyanteng inilalalampaso ang watawat ng Filipinas…
Artista Disease
Napatambay ako sa t.v. habang nagpapalit ng damit kagabi.
Ang eksena: Merong dalawang artista na nag-aaway at isang P.A. (Maru ang karakter ni Barbie Forteza) na umaawat sa dalawang artistang lalake. Ayaw tumigil ng dalawa sa pag-aaway.
Maru: "Andaming batang naghihirap sa mundo. Walang makain. Merong nakapag-aral nga pero wala namang matinong trabaho. Tapos kayo, ang problema n'yo lablayf- lablalyf palagi." Parang ganan yung sinabi n'ya.
Maru: "Oo nga mga sikat kayo. Pero hindi sa inyo umiikot ang mundo!"
Marami naman talaga ngayong artistahin. Pormang artista. Mukhang artista. Amoy artista. Kaing artista. Artista disease - inaakalang ikaw ang sentro ng universe.
Ang eksena: Merong dalawang artista na nag-aaway at isang P.A. (Maru ang karakter ni Barbie Forteza) na umaawat sa dalawang artistang lalake. Ayaw tumigil ng dalawa sa pag-aaway.
Maru: "Andaming batang naghihirap sa mundo. Walang makain. Merong nakapag-aral nga pero wala namang matinong trabaho. Tapos kayo, ang problema n'yo lablayf- lablalyf palagi." Parang ganan yung sinabi n'ya.
Maru: "Oo nga mga sikat kayo. Pero hindi sa inyo umiikot ang mundo!"
Marami naman talaga ngayong artistahin. Pormang artista. Mukhang artista. Amoy artista. Kaing artista. Artista disease - inaakalang ikaw ang sentro ng universe.
Mga etiketa:
humanitarian crisis,
kabataan,
maka-enrty lang
Monday, February 8, 2016
2016 Goals
Habol pa!!!
Habol pa sa bagong taon. Chinese Lunar Calendar po ang sinusunod ko. Sobrang bisi-bisihan ang pagpasok ng 2016. Sunod-sunod ang mga paglalakbay at kakahanap ko ng tamang oras ng pag-upo para makapagtakda ng mga to-do-list/set of goals/list of x'd items ay inabot na'ko ng Pebrero. Mahalaga kasing maisulat ang mga layunin kesa nasa isip lang, e ang isip natin ang daling mabalabwitan ng kung anik-anik; kaya madalas nakakalimutan natin yung mga layunin natin. Sa pananalamin mo sa pagsasara ng taon, makikita mo na andami mong layuning di natupad dahil imbisibol silang tumatakbo sa isip mo.
Kanina lang sa SM San Pablo
-Makapag-volunteer sa iba't ibang humanitarian orgs
-Matapos ang research assistant work
-Ma-implement ang Project PAGbASA ng may kahusayan
-Makapagpasa ng tula at iba pang akda sa marami pang submission calls
-Makatanggap pa ng maraming rejection e-mails
-Matanggap ng mga busilak ang kaloobang mga editors
-Makapagtrabaho ng seryosohan at produktibo (sana sa gobyerno)
-Makaakda ng higit sa nakaraang taon (akdang mas may lasa)
-Mag-blog ng kasing dalas ng pagligo (mga 4x a week naman sana)
-Tumaba-taba pa ng kaunti
-'Wag magpuyat at uminom ng walon basong tubig
-Makapagbasa ng marami pang aklat (kasama na ang mga nabili, nahingi, at nahiram kong mga aklat)
-Bawasan na muna ang pagbili ng aklat hangga't maari (lalo na't walang pambili pa)
-Makabili ng laptop, notbuk, bolpen, at iba pang makamundong bagay pero kailangang-kailangan
-Maglakbay sa ibang bansa (o sa ibang mundo; pwede rin)
-Makapanood ng magagandang anime at pelikula
-Maging mas matiyaga sa pag-aaral at mag-umpisa nang maghanap ng iskolarsyip para sa Masteral
-Bumoto ng mas matalino kaysa dati
-Mas maging mabuting tao, Kristyano, kaibigan, mamamayan, at mambabasa
Wala pa naman sa goals ko ang maging milyonaryo at magkaroon ng love interest. Marami-rami akong gustong papangyarihin at limitado ang aking kapangyarihan. Medyo magulo pang tignan ang aking listahan, aayusin ko pa yan sa papel na ako lang ang makakakita. Pinaka draft pa lang 'to. Sana mas matagal akong naka-upo sa mga susunod na mga araw. Mga upong may pinapangyari.
Sa mga wala sa listahan, welcome naman po ang surprises. Hindi po ako naniniwala sa pulang unggoy o sa mga pung-soy, pung-soy; lalo na sa good luck. So help me good LORD!
Teachable Moment 3
Isa sa mga iginuhit ni Charmaine
Dumalaw
kami kay Charmaine ngayong araw. Nag-iisip nga ako kung akma pa bang gamitin
ang salitang dalaw, dahil ginagamit natin ito madalas sa mga preso at may
sakit. Pero parang wala namang sakit si Charmaine sa pagbaba nito ng hagdan.
May pagmamadali siya sa pagbaba matapos marinig sa lola n’yang dumalaw ang mga
ka-eskuwela n’ya.
Humingi
kami ng dispensa ni E-boy dahil natagalan bago ulit kami nakabalik. Noong
sinorpresa kasi siya nung bertdey n’ya ay di kami nakasama, kulang kasi sa koordinasyon
ang mga organisador; badtrip nga e. Tapos, inabot na naming ang walong pirasong
smidgets na binili namin sa may kanto nila. Tamang-tama, paborito n’ya raw ‘yon.
Alangan pa nga kaming bumili dahil alam kong maraming bawal muna sa kanya. Gaya
ng kape, gatas, sopdrinks, at maasukal na pagkain.
Inapuhap
kami ni Charmaine sa aming paghingi ng dispensa sa pagkakatagal naming pagbabalik.
Maayos naman daw siya. Malakas-lakas siya. Medyo inuubo lang daw s’ya ngayon at nananakit
ang umbok sa likod dahil sa lamig ng panahon. Mahalumigmig nga ngayong araw,
pagbaba namin ng erkon na bus ay akala namin nasa Baguio kami at wala sa
Sariaya. Sa pangungumusta ko sa kanya ay lumiit naman daw ang umbok sa kanang
balikat n’ya.
Tinanong
ko ang mga iniinom n’yang mga gamot ngayon. Wala na raw s’yang masyadong
iniinom na herbal medications kundi mga mismong pinakuluang mga halamang gamot na
ang iniinom n’ya. Ampait-pait daw, sabay ngiwi na pangiti ang mukha n’ya habang
nagkukwento. Ito ang ilan sa mga iniinom n’ya:
Talbos
ng kamote – para sa kaayusan ng dugo
Talbos
ng bayabas – para sa immune system
Mangosteen
– may iba pa ‘tong mga kahalong halamang gamot
Malunggay
– para sa calcium, iron, zinc, vitamin C, atbp.
“Ano
nang findings sa’yo ngayon?” tanong ko. Wala na pala s’yang check-up. Tinanong
ko kung ano ‘yung pinaka huling check-up, okey naman daw s’ya meron lang
pneumonia. Paubo-ubo s’ya habang kinakausap ko. Nasa ospital din ang tatay n’ya
noong Biyernes pa dahil sa pneumonia kaya wala rin ang nanay n’ya ngayong araw.
Hirap
akong humabi ng usapin. Ang kasama ko na si E-boy ay ayaw sumagwan, ang tipid
magkuwento; parang microblogging lang. Siguro sa buong pagkukwentuhan namin ni
Charmaine ay hindi pa lalagpas ng isang daan ang salita n’ya. Ano bang magandang
pag-usapan na medyo malayo naman sa kalagayan n’ya. Dapat bang ilayo ko ang
usapan sa sakit n’ya? E kung magkuwento naman ako ng pinaggagagawa ko sa buhay
ko ngayon, matutuwa ba siya o lalo lang n’yang makikitang kinulong s’ya ng
kanyang sakit.
WIP ni Charmaine
Sinusubukan
n’ya raw ngayong gumuhit-guhit. Kahit pakonti-konti lang para hindi s’ya
kalawangin. Ako naming si eng-eng, gustong makita ang iginuhit n’ya. Kaya
umakyat si Charmaine sa kuwarto nila para kuhanin ang mga iginuhit n’ya. Hindi
pa nga lang tapos. Mabilis daw kasi s’yang mangalay. Si Charmaine nga pala ay
isa sa mga artists naming sa Traviesa sa unibersidad.
Nagbabasa-basa
rin daw s’ya ngayon. Mga ilang essays sa isang fundamentals of writing na
textbook para matuto raw siya kahit hindi pa nakakapasok.. Ako naming si
eng-eng, gusting Makita ang mga binabasa n’ya, akyat na naman si Charmaine sa
taas kahit na pinipigilan ko dahil baka mapagod naman ng kapapauli-uli. Bitbit
n’ya ang isang textbook at isang devotional book. Sabi n’ya gusto n’ya rind aw ipabasa
sa’kin ‘yung mga notes na sinulat n’ya kapag naiisipan; nag-umpisa na rin pala
s’yang magsulat-sulat. Sa loob daw kasi ng 9 na buwan simula nang mabatid ang
sakit n’ya, ay naiinip at nagtatanong din s’ya minsan kung bakit. Siyempre,
wala s’yang makukuhang sagot sa ngayon. Yung mga bagay na nagagawa mo dati,
pero hindi na ngayon, pakiramdam n’ya nakaimbak lang s’ya sa isang bodega.
‘Yung
pagguhit na dati na n’yang ginagawa at pagsusulat na pagpapalaya pala ng sarili
mula sa mga iniimbak; ang kanyang pagkatha ngayon ay isang paraan na n’ya ng
paglaban.
Si
E-boy na ang hinilingan kong manalangin bago kami umuwi, para na rin makapahinga
si Charmaine sa pag-akyat-baba sa hagdan. Ito ang ilan sa mga nasambit n’yang
pangangailangan: Pinansyal, pagpapagamot ng tatay n’ya, gabay sa kanilang
pamilya sa mga krisis, at paggaling n’ya.
Arya! Alalahanin nating lahat tayo ay isang work in progress.
Sunday, February 7, 2016
*Sob
Matapos ang isang mahaba at mahigpit na linggo ng paglalakbay sa probinsya ng Quezon bilang mananaliksik, nakapaglaba rin ako sa wakas. Umaala bondoc peninsula na 'yung mga tubal ko. Kokonti pa naman ang matino kong damit.
Medyo may ulambon pero walang makakapigil sa paglalaba ko. Hindi na puwedeng ipagpabukas. Oks na maulanan, puwede namang maligo mamaya pagkatapos. Bugbog, bugbog. Kusot-kusot. Sabon-sabon. Maya-maya pa'y narinig ko na ang malutong na "pu*a&%na mo ka! hayop ka"! Sabay lagitik ng kung anong pamalo. Napapiga ako ng mas mariin. Napalingon sa pinagmumulan ng ungot ng aso. Si Chu-chu, asong puti ng kapit-bahay namin, hinataw ni Tatay; ang pinaka elder sa aming kapit-bahayan.
Habang pinagmumura si Chu-chu ay kinaladkad n'ya 'to ng tali nitong kadena. Kita kong putikan ang aso, dahil nga siguro nag-uuulan. 'Yon din ang ikinagalit ni Tatay, nagputik ang puting aso; kinakaladkad n'ya ito ng ubod lakas para ihagis sa ilog. Ito talaga ang paraan n'ya ng pagliligo sa aso simula't sapol. Umahon si Chu-chu sa unang hagis na pahila sa kadenang nakagapos sa leeg. Itinapon uli sa ilog ng pahila muli sa kadenang nakakasakal sa leeg. Ahon ulit si Chu-chu. Sabay ang mura at hagupit. Hinatak ulit si Chu-chu ng galaiting matanda.
Hayop naman talaga si Chu-chu. Bitch naman talaga ang nanay n'ya. Malamang magdudumi 'yon dahil di naman kalakihan ang bahay ni Chu-chu para di s'ya matilamsikan ng ulang tumatama sa lupa. Pagkatali sa bahay n'ya, narinig kong muli ang malutong na "pu*a&%na mo ka! hayop ka"! Napapariin ang kusot ko sa damit.
Ilang beses ng umaawat si Kuya Urle, kapitbahay namin. Hindi naman ito super concerned sa mga hayop. Pero hindi naman kailangan animal rights activist ka o nag-aral sa Coursera ng Animal Behavioral Science para malaman ano ang ibig sabihin ng tamang pag-aalaga. O kung ano ang pagmamalupit.
Mapagtimpi rin itong si Chu-chu. Tinatahulan ako nito kapag dumadating ako ng pagabi na. Kung tutuusin, kung naburyot s'ya puwede n'yang kagatin 'yung matanda, pero di n'ya ginawa. Di n'ya kakagatin ang nagpapakain sa kanya. Bukod sa kanyang mahal na bisikleta, si Chu-chu na lang din ang kasama ni Tatay sa buhay.
Maya-maya nagsampay na 'ko. Naririnig kong may nagwawalis kena Ate Lani. Maya-maya ay lumagitik na ang walis ting-ting at umungot na ang aso nila. Napapapiga tuloy ako ng husto.
Saturday, February 6, 2016
Kung Naniniwala, Punta na! (Kung Hindi, Punta pa rin!)
Naniniwala ka ba sa forever? Paano gagawing forever ang pag-ibig? Sino ba ang forever ko?
Alamin at sagutin ang mga katanungan at ma-inlove forever!
Join us for a talk by Ronald Molmisa and special perfomances from Brian Vee, Quest and a surprise guest!
Ang imbitasyon ay mula kay kapatid Mils at sa kanyang OMF Lit Fam'ley.
Happy Friends Day!!!
Kaalinsabay ng ika-labindalawang kaarawan
ng Facebook, naglunsad din sila ng customizable na video clip na naglalaman ng
mga pics ng mga kaibigan mo pati na rin ng mga alaala ng mga pinagsamahan n’yo
na nakatala sa Facebook. Una ko ‘tong nakita sa feed ko, may post kasi si Jeuel
ng Happy Friends Day video n’ya. Kung hindi ito customizable, parang ang
gaganda naman ng pics na nakuha sa clip ni E-boy at kilala talaga ng Facebook
yung malalapit n’yang kaibigan.
Kaya sumubok din ako. Pinanood ko yung clip
nung sa’kin at wala pang isang segundo ay natapos na ang video na isang pic ko
lang ang pinakita. Ah baka iko-customize ko nga muna. Inaayos ko ang content
tapos ibinahagi ko na sa wall ko. Pagsilip ko, ganun pa rin. Isang segundo lang
ang clip na nagpakita ng isa kong pic at ‘yun, tapos na. Nirefresh ko. Play
ulit. Ganun pa rin. Ako lang ang ipinakita ng Happy Friends Day video clip ko.
Ako lang. Mag-isa.
Medyo hiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko
ngayon. Si Roy, na magbebertdey na sa Peb. 06, ay tinext ko ng “Happy Friends
Day! Uwi ka sa Sabado”? Nasa Batangas kasi siya at nagtatrabaho bilang account
officer sa isang micro-finance. Si Alquin naman chinat ko sa Facebook at
inayang umuwi sa long week-end para makapag-bisikleta sa Sampaloc Lake. Nasa
Cavite naman siya at nagtatrabaho bilang encoder sa isang hatchery. Si Ebs
naman ay makikita ko rin mamaya sa bahay nila pag-uwi ko. Nasa Macalelon kasi
ako at kasalukuyang research assistant sa isang nag-mamaster’s thesis sa
probinsya ng Quezon. Kung nasaan man silang lahat at kung anong pinaggagawa ng
mga kaibigan ko. Sana ay masaya sila ngayong araw.
Pag-uwi ko, dumaan muna ako sa Lusacan.
Nag-kape kena Ebs. Kumain ng biskuwit. Nakipaghuntahan; kesyo magbibisikleta
kami sa Lunes para bawiin ang ipinagtrabahong mga araw. Tapos, bukas daw
pagkatapos ng mahabang linggo ng trabaho ay manonood kami ng pelikula. Yooown!
Sana ay maligaya ka rin sa mga kaibigan
mo. Magpasalamat ka sa nagbigay n’yan sa’yo.
Subscribe to:
Posts (Atom)