Medyo ginabi na ko ng uwi mula sa bago kong trabaho: ang pananaliksik. Mga 9: 45 pm na ako nakasakay ng dyip pa-Tiaong. Buti na lang at may dyip pa at may iba pa ring sakay. Malamig pa naman ang simoy ng hangin.
Malamig talaga, parang ganito dapat ang simoy nung nagdaang Pasko; pero Pebrero na. Hindi ko naisip magdala ng jacket. Yung mga sakay ng dyip, mukhang kakaawas lang din sa trabaho pero yung dalawa sa may puwetan ng dyip, mukhang mga estudyante. Mukhang di rin sila nilalamig. Nakakuyampit kasi yung babae dun sa lalaki. Akala mo naman malamig, weh di kaya malameg!
Parang pagod din yung babae kasi hindi sila nag-uusap. Basta naka abrisiete lang yung babae sa braso nung lalaki tapos nakasandig siya sa balikat nito. Walang ni ho ni ha na narinig sa kanila maliban na lang nung bumaba na yung babae sa kanto ng Cabatang. Hinatid pa siya ng tingin nung lalaki.
Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko: "hindi naman malameg, hindi naman malameg".
Neks taym, magdadala na ko ng jacket.
No comments:
Post a Comment