Monday, February 8, 2016

2016 Goals


Habol pa!!!

Habol pa sa bagong taon. Chinese Lunar Calendar po ang sinusunod ko. Sobrang bisi-bisihan ang pagpasok ng 2016. Sunod-sunod ang mga paglalakbay at kakahanap ko ng tamang oras ng pag-upo para makapagtakda ng mga to-do-list/set of goals/list of x'd items ay inabot na'ko ng Pebrero. Mahalaga kasing maisulat ang mga layunin kesa nasa isip lang, e ang isip natin ang daling mabalabwitan ng kung anik-anik; kaya madalas nakakalimutan natin yung mga layunin natin. Sa pananalamin mo sa pagsasara ng taon, makikita mo na andami mong layuning di natupad dahil imbisibol silang tumatakbo sa isip mo.

Kanina lang sa SM San Pablo

-Makapag-volunteer sa iba't ibang humanitarian orgs
-Matapos ang research assistant work
-Ma-implement ang Project PAGbASA ng may kahusayan
-Makapagpasa ng tula at iba pang akda sa marami pang submission calls
-Makatanggap pa ng maraming rejection e-mails
-Matanggap ng mga busilak ang kaloobang mga editors
-Makapagtrabaho ng seryosohan at produktibo (sana sa gobyerno)
-Makaakda ng higit sa nakaraang taon (akdang mas may lasa)
-Mag-blog ng kasing dalas ng pagligo (mga 4x a week naman sana)
-Tumaba-taba pa ng kaunti
-'Wag magpuyat at uminom ng walon basong tubig
-Makapagbasa ng marami pang aklat (kasama na ang mga nabili, nahingi, at nahiram kong mga aklat)
-Bawasan na muna ang pagbili ng aklat hangga't maari (lalo na't walang pambili pa)
-Makabili ng laptop, notbuk, bolpen, at iba pang makamundong bagay pero kailangang-kailangan
-Maglakbay sa ibang bansa (o sa ibang mundo; pwede rin)
-Makapanood ng magagandang anime at pelikula
-Maging mas matiyaga sa pag-aaral at mag-umpisa nang maghanap ng iskolarsyip para sa Masteral
-Bumoto ng mas matalino kaysa dati
-Mas maging mabuting tao, Kristyano, kaibigan, mamamayan, at mambabasa

Wala pa naman sa goals ko ang maging milyonaryo at magkaroon ng love interest. Marami-rami akong gustong papangyarihin at limitado ang aking kapangyarihan. Medyo magulo pang tignan ang aking listahan, aayusin ko pa yan sa papel na ako lang ang makakakita. Pinaka draft pa lang 'to. Sana mas matagal akong naka-upo sa mga susunod na mga araw. Mga upong may pinapangyari.

Sa mga wala sa listahan, welcome naman po ang surprises. Hindi po ako naniniwala sa pulang unggoy o sa mga pung-soy, pung-soy; lalo na sa good luck. So help me good LORD!






No comments: