Thursday, February 11, 2016

Flag Sermony

Dumaan ako ng Munisipyo kanina; sakay ng dyip. Martes pero may flag ceremony dahil walang pasok kahapon. Hindi ko nakitang nagsasalita ang Mayor o baka hindi ko lang talaga nakita sa pagdaan ng sasakyan. Ang hepe ng pulis ang nagsasalita, nasabi kong hepe dahil sa kanyang tindig at kakaibang sombrero. Ang mga kawani, kalat-kalat. Kanya-kanyang hanap ng lilom. ‘Yung iba nagkukuwentuhan. Mas maayos pa ang flag ceremony sa hayskul. Higit na mas maayos pa ang flag ceremony sa elementarya.

Naisip ko ano kayang pinagkukuwentuhan nila? Kung tama bang alisin ang income tax sa mga sumasahod ng 30K pababa? Kung tama bang magluklok muli ng Marcos sa pamahalaan? Kung paano sila maglilingkod sa mamayan ng mainit at may buhay mamaya? Baka naman kung anong kilig moments meron sa OTWOL kagabi?


O baka pinag-uusapan nila yung viral video ng estudyanteng inilalalampaso ang watawat ng Filipinas…

No comments: