Thursday, February 11, 2016

Linga at Ligalig

Luminga sa Lumingon

Kapag dadaan ako sa Brgy. Lumingon, d’yan sa may Lapid’s Ville, may karatula o maliit na billboard na palaging nakikita. Malamang nababasa ng 3 sa 5 bumabiyahe. Parang wala lang s’ya sa unang basa, wala lang din sa ikalawang basa, pero baka sa paulit-ulit na pagbasa e baka wala ka pa ring napupuna.

 Pero talastasin nating mabuti ang patalastas: isa itong patalastas na may nakasulat na “No to Drugs” na mensahe sa mga kabataan. Maganda naman di ba? Talaga naming dapat Malaya sa droga ang komunidad para sa kapayapaan nito. Ang hindi ko malunok, at kalian ma’y di ko lulunukin ay ang isponsor ng patalastas na ‘to; isang kilalang brand ng beer. Parang oks manoks lang ang serbesa dahil lesser evil ‘to kumpara sa droga. Wala pa ring kapayapaan sa komunidad na maraming lasenggo. Isa pa, ano ba ang kabilinbilinan ng lola?

Meron pang nakakalasing na bahagi ang advertisement-advocacy na patalastas. Nakaplastar din sa patalastas ang pangalan ng konsehal.



Ligalig sa Lalig

Kapag nag-aabang ako ng dyip sa may bagong Palengke, tumatambad sa harapan ko ang isa pang karatula o baka billboard na nga ito dahil mga dalawang blackboard ang laki nito. Iba naman ang adbokasiya nito: “Let’s keep Lalig Clean and Green,” parang ganan yung mensahe. Isponsor nito ay ang parehong brand ng alak sa may Lumingon.

Anak ng environmentalist naman oh! Meron na bang naglasingan at pagkatapos naghanap ng clean-up drive event? Meron na bang mga naglasingan tapos nagdiskurso ng climate change? Meron na bang naglasingan tapos naglinis ng ikinalat nilang mga balat ng sitseryang Bangus, Boy bawang, at Tips na pinulutan nila dahil aware sila sa ‘Tapat Ko, Linis Ko’ program?
Ang patalastas ay hatid sa inyo ng SK Chairman at Brgy. Captain, sabi ng karatula.



Bakit gay’on ang mga patalastas sa bayan natin? Luminga-linga naman tayo at magligalig minsan.


No comments: