Mayo 03, 2017
Nasa
Post Disaster Needs Assessment kami ng Kagawaran kasama ng iba pang ahensya.
Direktiba ito ng Office of the Civil Defense. May ganun palang opisina.
Siyempre, tama ang hula mo ahensya ito sa ilalim ng National Defense. Nahigit
ako rito ni Sir Charlz at babalik na naman pala ako ng Mabini para sa pagtatasa
ng mga pangangailangan ng munisipyo para sa rehabilitasyon.
Sabi
ng taga-NDRRMC; binubuo ang assessment team ng mga technical experts mula sa
iba’t-ibang ahensya gaya ng DTI, DPWH, DSWD, DOT, DOH, DepEd, NHA, BATELEC,
DOE, at iba pang akronims na isinasagot natin noon sa Araling Panlipunan. Iba’t
iba kasi ang pagtingin ng kada ahensya sa epekto ng lindol. Pero sa lahat ng
sektor ay kasama ang Kagawaran para makasulat ng Social Impact Assessment. Na
hindi ko pa alam kung paano.
So,
lumapit na ako sa DENR kung saan ako sasama. Mam Precy, pers taym ko pong
sasama sa ganito ha. Kagabi ko lang kako binasa yung makapal na guidance notes tapos
operation na tayo today. Si Mam Precy rin pala ay pers taym. So, sino ulit ang
technical experts? ‘yung isang taga provincial office nagsabi nang hindi s’ya
social worker talaga. Hindi ka nag-iisa kako.
Sa
isang pagmemerienda namin nina Mam Precy sa Brgy. Gasang, sinabi ko sa kanyang
hindi nakumpirma ‘yung Sekretarya nila. Napa-naku s’ya. Sabi ko, ‘yung sekretarya
rin namin hindi pa nakumpirma. Nabastos pa nga. Pero halos parehas kami ng
pangamba sa susunod na kabanata kung magpapalit ng kalihim: maaantala na naman ang pag-usad ng aming mga Kagawaran.
No comments:
Post a Comment