Mahalumigmig
at nagpapawis
Na
bintanang nagtatampok ng malalawak
Na
bukirin ng Pampanga't Bulacan
Pati na
ng mga kaisipang malayo
Sa
trabaho o para sa bayan
Namnamin
ang malausok na samyo
Ng tupig
sa Tarlac
Katulugan
ang kalsada ng diktador
Dumilat
na binabanas na
Sa loob
ng bus kaysa sa labas
Maghanap
ng solong kuwarto
Ngunit
maluwag sa isa
Patalbugin
ang lawas
Naghahanap
ng lambing
At
kalinga ng distansya't pag-iisa
Katulugan
muli
Ang isang
antolohiya
Ng mga
tula ng di kilalang makata
Nang wala
pang alas-nuwebe
Piliing
hindi na muna
Umiral
kahit otso oras lang
Minsan sa
isang taon
Humikap
ng panarili
Sa
wagwagan, koreanong kainan,
Sa museo
ng sikat na al agad ng sining,
Sa
aklatan sa mga ulap,
Sa
nakakatusing na kapihan,
Ako lang.
Ako
naman.
Kaya
lang:
Itinaas
ang signal; inulat ang magnitude
Mukhang
kailangang palitan ang balabal
Kanina'y
naghahanap na ng direksyon
Ngayo'y
nag-aabang na ng direktiba
Isakbit
ang pulang chaleco
sa mga
bumagsak
na balikat
Tapikin
ang sarili
May mga
pagkakataon pa
Baka
bukas, makalawa,
Sa isang
taon; basta!
Mga
minsan.
No comments:
Post a Comment