mag-isa lang sa hotel. halos walang ibang bisita ang apat na palapag na hotel. ang mura lang. kailangan ko lang ng matutulugan para hindi ko na kailangang gumising ng madaling araw. sabi ko kanina, yayakapin ko ang pag-iisa pero parang hindi na ako sanay na matulog na hindi katabi ang kapatid ko o kasama sina Mama. sinanay na ako ng pandemya na nasa bahay o naglalakad lang sa maliit na bayan namin sa Tiaong. pakiramdam ko mag-isa ako sa malaking siyudad na nagsisimula na uling maging abala kahit paunti-unti. iniisip ko kung papatulan ko bang magtrabaho sa siyudad na dalawang dyip lang ang layo sa'min. kaya ko na ba uling kumain, matulog, at tumambay mag-isa?
No comments:
Post a Comment