isa sa mga natanggap kong regalo ngayong taon ay ang color pencil sketch ni Rald Reb. isang matagal nang kaibigan mula sa Bulacan na kinulong ng pandemya sa bahay at bigla na lang humusay gumuhit. 'tawilis' ay isang color pencil sketch ng isang tawilis na endemikong uri ng sardinas sa lawa ng Taal. ang pakurba nitong tiyan ay marahil nasa hustong gulang para mangitlog. may dugo-dugo rin sa hasang at sa pagitan ng mata at nguso na nangyayari kaagad sa pag-aalis pa lang ng tawilis sa lambat. abuhan ang kintab na may anino ng malalim na asul ang tawilis na nakalutang sa gitna ng puting papel.
'parang ang plain ng drawing ko' sabi ni Rald parang gusto nyang dagdagan ng detalye. okay na ko. tawilis. isda. taal. 'yan na nga, kung anuman 'yan.
nilagay ko yung tawilis sa asul na frame na pinaglagyan ng certificate ko galing sa paggabay sa isang environment law class para sa pagsusumite ng pahinga sa pananawilis [tawilis seasonal closure] sa isang munisipal na ordinansa.
nilagay ko sa lamesa ko 'yung tawilis - paalala na magpahinga.
No comments:
Post a Comment