Day 5
Mumukat-mukat pa'ko nang mag-morning devotion. Sobrang antok pa talaga pero siyempre kailangan naming mag-maaga dahil malayo raw ang pupuntahan naming lugar ngayon. Maaga ngang dumating si Mam Abby dahil hindi pa ako nakakaligo.
Pumunta kami ng Cauayan Interior at Exterior, Bolo, at iba pang barangay na parte pa rin daw ng Masbate City. Sobrang layo na sa city proper, mga isang oras at mahigit na byahe; at hindi maunlad ang pamumuhay nila roon. Yung ibang barangay wala pang farm to market roads at kuryente. Bundok talaga ang set up. Maputik at matarik.
Astig nga e. Naglakad pa kami ng matarik na bundok para maabot ang isang beneficiary. Tapos nagkandadulas pa si Kuya Bry, para na talagang Howie Severino ang level.
Pagdating namin sa taas, sa bahay ni Mang Alex, napag-alaman naming 13 years na raw na may sugat ang paa niya at matagal nang patay amg paa nito. Hindi niya alam na diabetic siya kundi pa siya nabisita mg doktor. E ano pa nga bang ipapampadoktor niya?
Kung paano siya nabubuhay? Yung mga anak niya ay nangangamuhan para me makain sila. Sani niya nga kahit daw hindi na wheel chair ang ibigay sa kanila bagkos ay pagkain na lang.
Masyadong kalunos-lunos ang mga kalagayan ng mga kababayan natin sa Masbatenyo, lalo na yung may mga dinadalang pisikal na kabigatan. Kung may magic wand nga lang sana ako. E di sana may pangkamot ako ng likod. Pero hindi e, hindi lahat ng gusto mong baguhin o tulungan ay magagawa mo ng kara-karaka. Paulit-ulit kong nakikitang limitado ako.
Pero pwera biro, maraming mga Differently Abled Persons (DAP) ang walang boses sa lipunan. Walang pumapansin sa kanilang mga hinaing.
Umuwi kami ng mas maaga ngayon. Nagmerienda at nag-groseri. Tapos, kinuha na namin ang pinalabhan namin sa Wash Your Problem. Ayos naman sa halagang 24 pesos ay nalabhan na anh apat kong damit. Mabango, nakatiklop, at plantsado na. Saan ka pa? Wash your problem na!
Sana dumating din yung panahon na malabhan ang mga problema nila sa buhay.
Setyembre 04, 2014
Masbate City
No comments:
Post a Comment