Day 2
Inumpisahan namin ang Lunes sa isang morning devotion sa dining area ng Balay Valencia. Sa harap ng aming aalmusaling itlog at tapa. Nag-umpisa ang umaga sa isang pisikal at ispiritwal na pagpapalakas. Amen!
Hindi pa kami natatapos mag-almusal ay dumating na ang mga social workers para sunduin kami papuntang city hall. Magcocourtesy call kami kay Mayor. O di ba?!
Intel mula kay Kuya Bry: Minsan yung LGU ang nakikipagpartner sa amin, tapos sila ang sumasagot ng board and lodging, food, local transpo, at iba pang expenses ng team within the jurisdiction of the official's power. LGU ang nagbabayad ng hotel accomodation at transpo namin habang nasa Masbate kami. Sinisiguro din nila na may magandang alaala ang mga bumibisita sa Masbate.
Pagdating namin sa city hall, wala pala si Mayor kaya ang City admin ang kausap namin. Nila Dok Carmi pala. Nagkape-kape at ngumiti-ngiti lang ang role ko 'ron. Volunteer eater talaga ako at hindi writer.
Matapos ng coutesy call at planning nila with the city admin ay nagpunta na kami ng Masbate Baptist Church kung saan nagbuo kami ng mga wheel chairs. At dahil non-verbal skills ang usapan dito ay pa-support support lemeng ako. Mga metal laps at bars tapod susuotan ng bolts at nuts. Step by step. Open wrench at close wrench. At 'yun na nga, natapos ang 50 wheelchairs ng mga bandang 7 ng gabi. Pagod na pagod at sabik na sabik sa showet.
Kumain kami ng dinner at ' yon natapos ang Day 2 sa pagkatalo ng Gilas Filipinas laban sa Argentina sa FIBA World Cup.
Setyembre 2, 2014
Masbate City
No comments:
Post a Comment