Tuesday, September 23, 2014
Pasalubong x Tots x Konsiyensya
Galing kami ni Alquin sa isang kaibigan sa Maynila. Bumisita ng mga ilang araw lang naman. Pumunta sa Divi para mamili at sa Luneta para umupo at kumain ng mangga.
Naisipan naming pumasok ng isang tindahang tompyang. Lahat kasi ng presyo nila ay doble-numero; 66, 88, at 99, parang sa jueteng. Bumili kami ng traveling mug sa halagang 88 pesos. Tapos umiikot-ikot pa kami. Na dapat ay hindi na namin ginawa.
Dahil likas na totful kami, naisipan naming bilhan ng pasalubong sina Jeuel at si Roy. 'Yun may sticky notes! Sakto, dahil apat, pare-pareho kaming meron basta kay Jeuel yung pink. Kahit namahalan kami sa presyo nitong 66 pesos ay binili pa rin namin. "Minsan lang naman, yaan mu na", sabi ng mga barat sa sarili nila.
Maya-maya pa e nakuha naman ng makukulay na animal cut-outs ang atensyon ko. Naku! Otsentay-otso pesos. Mahalang! Pasalubong sana namin kay Nikabrik dahil makakatulong ito sa kanyang mga visual aids. Meron naman kaming nakita pa sa taas, siete pesos lang na mga pangdekorasyon sa scrap book, nahiya lang kami. Nakakahiya namang pumila sa counter ng department store tapos tag-siete pesos lang ang bibilhin mo. Kaya Nikabrik, next time na lang ang paslubong mo. At least, naalala ka namin. It's da tots dat kawnts!
Pag-uwi namin sa probinsya, ilang araw lang ay tumulak naman ako pa-Masbate. Kaya hindi ko na rin nakahuntahan si Nikabrik.
Makalipas ang dalawang linggo...tanananan...ting
Nakabalik na'ko sa Tiaong. Nagpunta sa Kaleyds, siempre sa Kubo. Sinalubong ako ni Nikabrik na may ngiting halatang maraming naipong kuwento.
At....may pasalubong siya sa akin! Isang notepad na kulay brown ang sulatan at may piktyur pa ng kwago sa bawat pahina. Kaya naman isang tula ng pasasalamat ang nagawa ko:
Danas na magkakahibla
Ang tagal mo ring nawala
Sa quaderno'y naalala
"So touched" lang ang nasambitla
Tompyang na saya at pagkakonsyensiya ang aking nadama.
Mga etiketa:
pasasalamat,
sanaysay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment