Day 6
Ito na ang bigayan ng mga wheelchair. Lahat ng binisita namin simula pa nung Day 1 ay makikita naming tatanggap ng wheelchair.
Pagdating namin sa benyu, nauna pa samin ang ilang mga beneficiaries, e kami itong kumpleto ang mga paa't nakakalakad e. Nakakatuwang pagmasdan ang mga taong kahit saglit mo lang nakapanay ay nakita mo kung paano sila nabubuhay sa kani-kanilang mga mundo nang may magkakahalintulad na kalagayan.
Gumala-gala ako na parang politiko at bumati kena Nanay Susan, Clyde, Lexder, John Rey, at mga kapamilya na kasama ng mga ito. At dumating na rin si Mayora at nangamay sa mga beneficiaries at OB Staffs.
Medyo naka-chokaran ko rin si Mayora at pareho kaming nabibigatan sa dami ng mga beneficiaries na mga bata. At sa mataas na bilang ng kaso ng polio. Nagpapasalamat din siya sa org na nagbigay ng mga wheelchairs dahil hindi rin kaya ng pondo ng bayan nila na mabigyam lahat ng wheelchair. At nagkwento pa siya ng mga programa nila para sa mga DAP. Maya-maya pa'y tumayo na siya para magsalita.
Ako naman ay tumayo para kamustahin ang mga kabataan sa bleachers. Napag-alaman ko na mga bible school students sila at sila ang nakatoka para sa counseling. Amen mga brad!
Bumalik ako sa upuan ko dahil magsasalita na si Ate Meryl Anna a.k.a The Baker Queen. Mapapansing abalang abala ako sa pag-uuli. Si Ate Meryl ay may polio rin, siya rin ang presidente ng mga may kapansanan sa barangay nila. Napakasarap din niyang magbake, siya ang nagpabaon sa amin ng chiffon, banana cake, at choco marble. Gumagawa rin siya ng mga doormat at basahan. Talo niya pa ang marami sa atin sa diskarte.
Nasabi niya sa unahan na galing daw siya ng prayer meeting para magpasalamat para sa wheelchair na tatanggapin, kagabi lang. "Magtuod lang tayo sa Ginoo, at gihatag niya ang imong dasal", parang ganan yung sinabi niya na ibig sabihin ay magtiwala ka lang da Dios at ibibigay niya ang iyong panalangin. Sabi niya kahit ganun daw ang kalagayan niya ay nagpapasalamat siya dahil hindi naman daw yun poreber. Pagpunta niya sa langit hindi na niya kailangan ng wheelchair. Ito lang ang nakayanan kong itranslate dahil nagmasbatenyo siya pero alam ko maganda yung ispitch nya kitang-kita ang liwanag ng kanyang pag-asa. Atsaka, nasorpresa sya magsasalita pala siya sa programa.
Natapos ang bigayan. Lahat masaya. Lahat nagstroll sa covered court. Natapos rin ang walang humpay na piktyuran. Inapiran ko sina John Ray at Lexder bago kami kumain.
Nag-iwan pala ng pang-lunch together si Mayora para sa staffs at municipal officers ma tumulong sa event.
Bandang alas-dos na kami nakasakay ng barko. Nagpaalam sa mga nakatrabaho, sa lugar, sa hangin, at sa mga pagkain sa Masbate. Kalakip ng paalam ang panalanging makabalik muli.
No comments:
Post a Comment