Day 4
Tampok ngayon ang mga pasilip sa buhay ng ilan sa mga recipients!
Nakuuu! Maaga na naman ang gising dahil magdadalawang team na kami sa dami ng dapat mabisita. Nangailangan na nga kami ng tulong mula sa City Info Office at Municipal Health Office. Kateam ko si Ate Bblor(local paetner), Sir Gino (nars), Pastor Duds, Ate Kat (social worker), isang doktor mula MHO at dalawang City Info Officers.
Matapos ng morning devotion at breakfast, ang first stop namin ay sa Brgy. Nursery.
Si Alvin Mendoza na tumawid pa kami ng ilog. Oha oha Kumakara David na, pero mababaw lang. Hanggang bukong-bukong ko lang. Natawa ako sa suot na sapatos ng MHO doctor na sumama samin, leather shoes. Black and shining. Matanda na si Lolo Alvin, parang arthristis daw ang sakit niya ayon sa apo. Wala kasi silang pampacheck up para madiagnose ang dahilan. Nagbebenta lang sila ng asawa niya ng manok at pananim ng niyog. Tapos yung nainterbyu ko na apo nya ay nadisgrasya pa kaya nahinto sa pag-aaral.
Sa Brgy. Bagumbayan naman naninirahan si Lola Kring-kring. Inaalagaan siya ng kanyang mga kamag-anak dahil mag-isa na lang ito sa kanyang bahay. Naduas daw kasi si Lola dati at aimula noon ay hindi na nakalakad. Sapantaha ng mga doktor na sumuri ay naapektuhan ng pagkaksdulas ang spinal cord ni Lola. Si Beauty Kakang ang nagbigay ng alyas kay Lola; bukod sa alyas ay dinadalhan ng pang- ulam ni Kakang sa araw-araw si Lola. Hindi kadugo ni Lola Kring-kring si Kakang, amiga lang sila. Makwento si Lola Kring, madaldal din si Kakang, kaya nag-jive sila. Saludo kami sa mga kagaya ni Beauty Kakang, kawani ng gobyerno, hindi social worker, pero may malasakit sa kapwa. Haba ng hair mo 'te!
Bago pa man saysayin ni Lola Kring-kring ang dekada sitenta dahil nag-uumpisa na siya sa panahon ng hapon, ay nag-paalam na kami dahil madami pa kaming bibisitahin.Long live Lola!
No comments:
Post a Comment