“Kapag pinalad po akong mahalal sa pwesto,
ay ipahuhukay ko pa s’ya mula sa Libingan ng mga Bayani”.
#roadtotrapo #stopthehate #neveragain
Kahapon ang
deadline namin ng lahat ng Project Proposals para sa mga komunidad sa mga bayan
ng Batangas. Simula Hunyo, pagbaba ko sa aking istasyon, sa Padre Garcia; sa tulong
teknikal ni Tsang Lorie, sanlibo’t isang tasang kape ni
Tita Nel,
panalangin ng mga kaibigan, at sanlaksang biyaya ay nakakatha ako ng
labing-isang (11) mungkahing proyekto na pangkabuhayan. Ito ang
Shortlist ng Mungkahing Proyekto (SMP):
i-click para i-zoom
Ang ilan sa mga proyekto ay
naipasa na at nakapila na para sa implementasyon. Ang ilan ay nasa pagtatasa at
pagrerebyu pa ng ‘taas’. Ang salaping
gugulin ay magmumula sa regular fund ng DSWD na alinsunod sa General
Appropriation Act of 2015.
Napakaliit kung ikukumpara sa kabuuang budgetary allotment, ibig sabihin
nag-underspending ako; pero sa’king pagtingin at panukat, batay sa mga Ugnayang Panlipunang dinaluhan,
ay matutugunan nito ang ilan sa mga totoong
pangangailangan ng komunidad. Not really bad naman.
Para sa transparensi, bago
matapos ang taon ay ia-upload ko sa Google Drive ang mga malambot na kopya (soft
copies) ng bawat mungkahing papel nang masilip mo hanggang
sa particulars
ng bawat proyekto. Diskusyonin, auditin, usisain mo ‘ko tungkol sa mga
proyekto basta holiday at sa ilalim ng higanteng payong ng isang mamahaling
kapihan. At sagot mo, siyempre. Puwede ka rin namang maging pro-active at
magbigay ng mga suhestiyon at panukala. Puwede ka ring mag-donate. Puwedeng-puwede ka ring
mag-volunteer sa opisina ko, asar na asar kasi ako sa clerical jobs. Pero dapat
sa mga gawain ng gobyerno, ang attitude mo ‘pakialamero’, kaya salamat sa
pagbabasa nitong munting ulat.
Ang
ulat na ito ay para sa mga kaibigan kong nagtatanong ng “Anong ginagawa mo sa
DSWD ... bukod sa mag-Facebook?” Ang ulat na ito ay para sa mga empleyadong
nagtatanong ng “Where do my taxes go?” Ang ulat na ito ay para sa sarili kong
nagtatanong ng “Bata, Bata, Bakit ka ginawa?” at “Ano bang ipinaglalaban ko?”
Ang
ulat na ito ay para sa’yo,”Bes, you deserve an explanation.”
No comments:
Post a Comment