Millennial
Goals
Gumawa
ako ng maagang TODO List for 2017:
1.
Makapag-implement
ng livelihood projects na minungkahi ko ngayong taon.
2.
Makapag-enroll
sa Open University ng Master Program sa Environmental Science.
3.
Makakuha
na ng akmang life insurance.
4.
Makapagbayad
ng maraming utang ni Inay (at least 40%)
5.
Makapagsalin
ng isang research thesis tungkol sa Kapihan sa Quezon.
6.
Makapagpasa
na ng totoong book proposal sa isang publisher.
7.
Makapag-serve
ng 99 kids sa Project PAGbASA.
8.
Makapag-volunteer
pa rin.
9.
Makakuha
na License for Agriculturist.
10. Makapag-build pa
rin ng stocks sa mutual funds.
11. Magtagal sa
trabaho. Yes!
TODO
List kasi kailangan ko nang ibigay lahat ng meron ako para lang matapusan ko
ang 9 major #lifegoals ko para sa 2017. Kailangang itodo na ang disiplina sa
katawan at igapos ang demonyo ng katamaran. Mga layunin ko pa lang ‘yan para sa
sarili ko. Naniniwala kasi ako sa plano. Ang pangangarap kasi ay pagpapaplano
at ang pagpaplano ay pangangarap. Bilang isang Project Development Officer,
napaka halaga ng planning stage para sa sustainability ng proyekto at
realization ng mga goals.
Kasama
raw kasi ako sa Millenials. ‘yung henerasyong babad sa social media at share
nang share ng mga viral hoax? ‘yung henerasyong outspoken-political-analyst
pero absent sa social sciences kasi minor subject lang naman? ‘yung henerasyong
shirtless na nagsasasayaw ng iba’t ibang #challenges? ‘yung henerasyong
multi-tasker at walang matapos-tapos? ‘yung henerasyong palipat-lipat ng
trabaho dahil pinupursige ang passions? ‘yung henerasyong maraming
ka-hashtagans sa buhay: #makiuson #stopejk #macoyparin #todonatroll! Parang
lahat naman kasi tayo millennials.
Nasa disaster response ako sa isang NGO nitong
nagdaang linggo. Iniwan ko muna ang
Kagawaran, na isang paper government na mas marami pa akong nakakasalamuhang
papel kaysa tao. Tinawag muli ako ng panulat. Habang namimigay kami ng solar
lamps sa Isabela, sumilong kami ni Cervin sa sasakyan. “Anong purpose mo sa
buhay?” tanong n’ya na parang kidlat na basta na lang tumama. Nilagay ko yung
notbuk at bolpen ko sa may dibdib ko at kumunot. “Problema ng taong ‘to?”
parang ganan ang sabi ng pagkamangot ko. Nagtaka at natawa ako; nainis rin.
Kung alam n’ya lang kung gaano ko rin dati kadalas itanong sa sarili ko ‘yun.
Ngayon lang kami nagkasama ni Cervin sa isang disaster
response mission. Mga tatlong araw pa lang kami magkakilala. Kapwa masugid na
mambabasa, batang manunulat at millennial. Tatlong taon na s’ya sa NGO na
pinagtatrabahuhan, achievement na ‘yun para sa mga millennial na gaya namin.
May pinapaaral pa s’ya sa Bicol na mga kapatid at breadwinner din ng pamilya.
Hindi ko alam kung nasa parehong wavelength lang kami o bukas lang talaga ang
buhay n’ya kaya ako madaling nakasilip. Sa tingin n’ya ang layunin n’ya ay
magbigay lualhati sa Diyos sa pamamagitan ng pagdodokyu ng buhay ng iba’t ibang
tao. Sa hinaharap, mapapanood ko ang film n’ya.
Mahaba-haba rin ang listahan ko ng gusto kong
mapangyari. Pero kabyos ako sa pagsagot kung bakit. “Hindi ko rin alam” sagot
ko sa tanong n’ya. “Hindi ko rin nga alam bakit ako nag-volunteer ulit,” dagdag
ko pa. Nakakalungkot na kahit na matapos ko pa ang sulatin na ‘to ay hindi ko
pa rin malalaman ang dahilan sa mga pinagagagawa ko. Nakakatakot na baka ‘yung
ginawa ko kasing pagtulong ay ginawa ko rin para sa sarili ko. Hindi kasi ako
naniniwala na ginagawa ko ‘yung isang bagay na para lang sa Diyos. Hindi ako
naniniwala na ginagawa ko ‘yung isang bagay para lang sa bayan o sa ibang tao.
Mapagduda ako sa’king motibo at malayo sa
pagkadalisay. Hindi ko pa nababasa ang Purpose Driven Life. Nakakapagod ‘yung
mabuhay dahil sa iisang layunin. Marami akong ginagawa dahil gusto ko lang.
Marami akong ginagawa dahil naniniwala akong ‘yun ang dapat kung gawin. Marami
akong ipinaglalaban dahil alam kong ako ang nasa tama. Sandamakmak ang mga
pinaggagagawa ko dahil matindi ang pangangailangan. ‘yung mga gusto kong
mapangyari, hindi ko rin sigurado kung gusto rin ni Lord. Wala rin akong
masyadong alam sa taste N’ya. Sa Christian cliché na “Masaya naman po ako sa
pinapagawa sa’kin ni Lord,” eto ang remarks ni Cervin: “Eh ang Lord ba masaya
sa ginagawa mo?”
Hindi ko sinasabing maging atheist ka at ‘wag ka nang
umattend ng bible studies. Ang sinasabi ko, ‘wag ka nang masyadong malungkot
kung di mo pa sure kung ano ang specific purpose (with job description) mo
talaga sa buhay. Hindi ka nag-iisa. Dalawa na tayo. Ang mahalaga may ginagawa
ka at hindi ka nagda-drugs lalo na sa panahon ngayon. Baka kasi kaiisip mo nang
kaiisip at kahahanap ng layunin sa buhay, wala ka na tuloy nagawa. Hindi pa
naman natin alam kung kelan ang ating deadline.
Sabi
natin #YOLO. Kaya sana kung 14 years
lang ang isang henerasyon, gawin na nating makabuluhan ang henerasyon natin.
Mag-set tayo ng goals. Magtakda tayo ng layunin kasama ng mga ka-Squad goals mo
t’wing Biyernes. Mag-ipon tayo para sa hinaharap kasama ng ka-Relationship
goals mo. Umpisahan mo nang i-convert ang mga Me-time mo sa pagbubulay-bulay
kung nasaan ka na nga baga sa mga mithiin mo sa buhay. Isiping maige kung ‘yung
ginagawa ko ba ngayon ay may maidudulot na maganda sa’yong kapwa, pamilya,
pamayanan, bansa, solar system, at sa’yong sarili. #Preachy na.
Bes,
‘wag puro kilay goals.
Nang
pauwi kami mula sa relief operation, nagbigay ako ng parang note to God. Ayoko
pang mamatay na hindi ko pa alam kung anung purpose ko sa buhay. Or nagawa ko
na ga hindi ko lang alam? Kahit anong oras kasi pwedeng gumuho ‘yung bahagi ng
bundok at matabunan kami. Matulak kami ng dumadausdos na tubig mula sa bundok
na para nang ilog. Ilang beses ngang nadulas ang gulong namin dahil sa putik.
Salamat na lang at hindi kami nahulog sa bangin. Salamat sa Kalinga.
Dapat
nga gang isama ko na sa goal ko na alamin ang purpose ko sa buhay? Hinahanap
nga ba ang purpose sa mga bagay na nagagawa natin? Mas oks ba ang purposeful na
buhay kaysa productive? Ang layunin ba ay itinatakdao nakatakda na? Ewan ko,
marami pa kong papel na aayusin. Mas mapaghabol talaga ako sa deadline kaysa sa
purpose in life.
Sana
sa susunod masagot ko na si Cervin.
Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 2016
No comments:
Post a Comment