Nang umuwi ako sa’min
noong isang linggo, nahabag naman ako dahil wala masyadong pagbabago sa bahay.
Makalat pa rin. Madilim pa rin. Delikado pa rin ang mga saksakan. Nahabag din
ako sa kalagayan nina Tsaw-Tsaw at Dash-Dash dahil pareho nang giba ang mga
bahay nila. May kaunting pagbabago pala, giba na ang aming katre dahil lugso na
naman talaga na ito at binutas na ‘yung ding-ding namin para gawin na naming
kwarto ‘yung dating tinutuluyan nina Tito Yuyon na barung-barong. Wala pa raw
pambayad sa alwage at wala pa ring pambili ng materyales.
Lahat ng ito ay
sinisingil sa’kin ni Mama. Bumili raw ako nito at niyan. Sabi ko ay utay-uaty
lang at pagde-de latahin n’yo na naman ako ng dalawang linggo n’yan e. Halos
dalawang linggo na nga akong walang almusal na kanin. Cupcake at coffee lang
talaga sa umaga. Bumabawi na lang ako sa tanghali, minsan nga’y brunch pa. May
babayaran pa naman akong laptop ngayong akinse.
Sinilip-silip ko ang
tampipi ko. Hindi na aabot para sa lakad ko sa Sabado, pagdalaw kena Charm.
Hindi na nga rin aabot na pangkain. Bibili pa ng A4 at isama mo pa ang printing
at photocopy cost dahil pinagdadamutan na naman ako ng mga kaopisina ko sa
baba. Tapos, nabalitaan ko na: Delayed ang sweldo namin.
Wala raw kasi ‘yung
mga pipirma dahil may event at kakarating lang daw ng Cash sa Payroll. Hindi ko
masyadong maabot-unawa ang validity ng dahilan na ‘yan. Kasi alam naman siguro
ng Regional Office na may mga empleyado silang hindi robot at kailang kumain,
mamasahe, magbayad ng bahay, tubig, at kuryente pati na ng insurance. Malinaw
naman na ika-akinse at katapusan ang swelduhan.
Mga pag-aalala sa
opisina kanina:
Kawani 1: Naku!
Nakapangako pa naman ako sa tindahan na magbabayad ako sa Biyernes.
Kawani 2: Bertdey pa
naman ni ano sa weekends, peram munang 1K.
Kawani 3: ‘Soli mo na
lang sa’kin bukas. <*inabot ang ATM card> 5256 ang PIN, 10K laman n’yan
ha. (Kahit 4K+ lang talaga)
Kawani 4:
<*nakatingin lang sa tampipi>
Kawani 5: Hindi kami
makakapag-date ni Baby Boy. <*sniff,*sob>
White House,
Dyord, Okt. 13,2016
No comments:
Post a Comment