Saturday, August 31, 2013

Filipino o Tagalog? Whatevs!

       Let’s face it. ‘Pag buwan ng Wika lang naman mainit ang diskurso tungkol sa’ting wikang pambansa.  Napanood ko ang ¾ ng dokyumentaryo ni Tiya CheChe- Ang Wika Kos a Sunday’s Best. Grabe, ‘nagkakasala’ pala ako laban sa aking wika.

     Puro lang ito pananaw ko sa paggamit ng wika sa pagsusulat o kahit sa pang-araw-araw na pakikipagugnayan. Maaring maging subjective ako, siyempre blog at opinion koi to. Ako ang writer pati rin ang editor.

      Maaring mabababaw lang ang pananaw at kat’wiran ko, bata pa nama ako; at sino ba ako? Hindi naman ako pambansang alagad ng sining sa panitikan o propesor ng Filipino sa prestihiyosong unibersidad. Simpleng batang mahilig magkwento, gumuri-guri, at iwasiwas ang panulat. May kwenta man o wala. Madalas, wala talaga.

     Grammar na nga sa English, may gramatika pa sa Filipino? Kinikritik ka na nga sa eskwelahan, pati sa pang-araw-araw na paggamit? Gravity na, ambigat na masyado. Hindi ba ang wika ay dynamikosabi sa FIL01? O bakit may mga taong ayaw yumakap ng pagbabago.

     Sabi dati sa nadaluhan kong pagsasanay sa pagsulat, ang panitikan daw ay hindi gramatika. Pero bakit may mga nag-tse-tsek ng wastong gamit? Bakit may sumasakal ng malaya’t malikhaing pagsulat? Ewan.

     Naalala ko pa yung diagram sa Sining ng Pakikipagtalastasan, 10pts. kaya yun sa quiz; ang pinaka-goal ng sender ay maiparating ang mensahe sa receiver at magkaunawaan sila. Sa gayon makapagbigay siya ng feedback. O e kung nagkaintindihan naman pala, ano pang problema?

     Hindi (raw o daw) uunlad ang wikang Filipino sa pag-gamit ng mga gay lingo. Sa bagay, sa part nato ay may hindi nakakaintindi o kung nakakaunawa man ay hindi lahat o may kabagalan sa pagpoproseso ng mga mensahe. Pero yun na rin mismo yung punto ko, uunlad ang kaisipan natin sa pag-de-decode ng mga salita na may ibang kahulugan mula sa orihinal nitong ibig sabihin. Tumatalino tayo in the process. Mas nagiging malikhain ang masang Pilipino. Hindi ba ‘yon ang gusto natin ang umunlad ang sining sa bansa at hindi ito makahon sa iilang eksperto? Kalerkey!

     Marami kasi sa mga kritiko, mga Janet Napoles. Mahirap kayang gumamit ng purong sariling wika sa pang-araw-araw.Maka-wika- makabayan kuno, nag-tetext din naman ng ”Hu U?”.

     Hindi ko sinasabing ‘wag nating pagyamanin ang wika natin. Para sakin mayaman na siya. Para siyang OS na ambilis-bilis mag-update. Dati  huwad, naging peke, naging charing, naging charot, naging echos, at ngayon naging Janet Napoles.


     Ang ganang akin, ay wag nating pahirapin at ikahon ang sining ng pakikipagtalastasan. Di ver?

Monday, August 26, 2013

Stiffed-Necked

“Mr. Gadingan, Why?”

     Salubong sakin ng instructor ko sa Elem.Stats., wala kasi ako sa klase nung umaga. Nagka-stiif neck ako at parang may malalagot na lastiko sa leeg ko. At sinambit ko nga ang aking kadahilanan. Masakit pa nga rin kaya.

“Dahan-dahan, first time ko kaya.”

     Lahat ng kilos ko parang nasa buwan. Bawat paglingos ko kasama kong ipinapaling ang katawan ko. Minsan napapabgla ako, nakakalimutan ko kasi na masakit nga pala. Unang beses ko pa lang magka-garne kaya bagito pa ko sa pag-ha-handle ng ganitong kalagayn. Aray much talaga.

‘Kailangan mo ng panyo?”

    Tanong sakin ni Kuya Joey. Kung iniisip mo kung bakit pumasok ito sa eksena at anong kaugnayan nito sa leeg ko, sinasabi ko sayo agad na walang rektang ugnayan. Hintayin mo kasi yung buid-up ng anekdota. Alalahanin mo na patience is a virtue. Balakan natin yung tanong sakin. Ay teka, sino nga bas i Kuya Joey? Isang volunteer mula sa Maynila, naglilingkod siya ngayon sa Kubo. Balik ulit tayo sa tanong niya, pinulot ko kasi yung nakakalat na panyo. Kulay ng bughaw na langit at mukhang babae ang may-ari. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang talentong kumilatis kung malinis ba, anong kasarian ng may-ari,  at kung mapapakinabangan ko ba ang panyo mula sa 5 metrong distansya. May koneksiyon talaga e.

“Hindi naman kuya.”

     Simpleng sagot k okay Kuya Joey. Kasi hindi ko naman talaga kailangan. Meron akong dala nung araw na ‘yon. Hello?! Andami ko kayang panyo (70% ng mga panyo ko napulot ko lang din.) Ayon! Anchakeet pa rin pagkayuko ko para sa panyo.

“Ate, libre pong babasahin”

     Sabi ko sa isang estudyanteng nag-iisa at may hawak na hand-outs. Alangan pakong abutan siya nung una kasi akala ko nagrerebyu. Gasino ba naman ang 3 segundong abala para tumanggap ng pulyeto? Tinanggap naman niya. Nakita ko si Kuya Joey na may kapanayam na 2 lalaki, lumapit ako at naki-upo. Matapos ang kanilang panayam at magiliw na pagtugon, pinasya nan i Kuya na umuwi kami ng Kubo mga 20 metro mula sa kinatatayuan naming noon. Habang naglalakad kami pa-uwi sinabi k okay Kuya na umiiyak si Ate at hindi ako ang may gawa.

“Pano po yung panyo nyo?”

     Tanong ni Ate habang pinupunsan ang pumapatak na luha. Habang kausap siya ni Kuya Joey kasabay ng luha niya ang lurok ng ulan. Ganito ba nakakasenti ang ulan para sayo Ate? Tanon ko sa sarili. Hindi man niya sinabi ang kaniyang problema siguro masyadong personal, e nakatagpo naman siya ng totoong Kapayapaan. Oks na din.

“Sayo na yung panyo. Ok lang.”


     Hindi naman kasi talaga ako ang may kailangan ng panyo. Marami sa’tin may stiff-neck. Nakapaling lang tayo sa sari-sarili nating problemang marahil hindi pa sapat para maki-iyak satin ang langit. Lingon-lingon din pag may time nang makita natin na may mas masakit pa ang dinadala kesa satin. 

Tuesday, August 20, 2013

Na-Miss USA


     Kamakailan lamang, mga Lunes ng umaga . Halatang kakatapos lang ng malakas na ulan no’ng kinagabihan ’pagkat mababanaag ang kaputikan sa paligid. Maaamoy ang sig ang kahoy. Maririnig ang tama ng siyansi sa kawali, kaalinsabay ng mga huni ng ibong bumabati ng “Hooray for today!”
   Pinasya kong lumabas suot ang lumang gomang panyapak at mga 10 metro pa lang akong nalalayo sa aking tahanan, nangyari ang inasam.


     Habang islomong nangyayari ang inaasam…


     Naalala ko ang isang kaibigan, isang BEEd freshman; minsan naikwento niya na nadulas daw siya sa loob ng unibersidad at madaming nakasaksi at ang malupit pa niyan; tinawanan siya ng isa pa naming kaibigan. ‘Yan ang pagkakaibigan. Kat’wiran niya: “College ka na, nadudulas ka pa?!” Habang naririnig ko ang kanyang salaysay ngumiti lang ako. “Di ba’t for all ages naman ang pagkadupilas”, sabi ko sa aking mumunting kaisipan. Ilang beses ba tayo natisod bago tayo natutong maglakad? At halos kahit Ph.D na tayo sa larangan ng paglakad ay nadadapa pa rin tayo.
     Ang mga suprermodel, kahit maging mega o gigamodel pa sila ay maari pa rin silang sumemplang. Pero di ba hindi naman tayo natatapos sa pagkakadapa, bagkos ay buong poise na babangon, papag-pagan ang sarili at babalik sa paglalakad. ‘Wag ka lang paulit-ulit na matisod sa parehong bato. “Na-miss ko tuloy yung feeling na madulas.” Sabi ko sa kanila at sila naman ang napangiti ko.


     Biglang bumilis ang kaninang islomong paghigit sakin ng gravity. “Bagsak na! Dami pang drama!” aniya siguro.

    Blag!

   Kinayod ng maitim kong tuhod ang basing lupa at pinower-hug ko ang lupang rampa. Kumpirmado nadulas nga ako.

“For a just man falleth seven times and riseth up again…”
     

Monday, August 19, 2013

Share-share naman ng Buk Rebyu d'yan oh!

     Ang inyong lingkod ay nananawagan sa mga bookworms na 'wag lang kayong magbasa, magsulat-sulat din kayo pag may time. Kaya kung me' paboritong aklat, ingles man o filipino; ambag na ng mga dagliang book reviews para sa aking dagliang antolohiya ng mga buk rebyu. Bukas po ang ambagan sa mga nobela, antolohiya,e-books, at iba pang akdang pampanitikan na nalimbag sa pael o cyberspace.

     Sikaping ang rebyu ay umabot sa 7-10 pangungusap. gawing personal ang espasyong ipagkakatiwala sa inyo. Bukas kami sa parehong Ingles at Filipino. At ang rebyu ng mga Pilipinong manunulat ay buong giliw na ini-encourage.

Gaya ng sinasabi ng maraming kandidato sa SC, Wala po akong maipapangako sa inyong kapalit. Kaya 'wag na kayong mag-expect ng kung anumang honorarium. O pwede rin hatiin natin yung singkwenta sa lahat ng mag-susumite. Ang tanging sigurado lang ay ang ginituang "byline".

Friday, August 16, 2013

Mag-Asin: Ang Maalat na Karansan

 Sa experience na’to hindi ako naging bitter. Pero hindi rin ito sweet. Lalong hindi bittersweet gaya ang mga pagpapalam ng mga low-rating shows.  Chinarge ko na lang to kay best teacher.

  “The lot is cast into the lap but the disposing thereof is of the Lord.”

Basahing Suwestiyon: Jeremiah 36

“…this word came unto Jeremiah from the Lord, saying, take thee a roll of a book, and write therein all the words that I have spoken unto thee against Israel, and against, Judah, and against all the antions, from the day I spake unto thee, from the days of Josiah, even unto this day.”

    Ang haba-haba kaya nun. As in talaga. Sa dami na lang ng mga kasalanan ng mga Israelita at idagdag pa yung mga kasalanan ng iba. Hindi joke ang pinapagawa kay propetang Jeremias. Pero nakakhiya naman dahil wala siyang reklamo. Hindi natin alam kung dictation yun. Basta sandamukal na tiyaga ang kailangan niya dun. Pero at least may kasiguraduhan ‘to ng publishing.

     Noong unang panahon sa isang mainit na talakyan sa seryosohang bulwagan, ipinagbaka ko na makapag-gawa kami ng Mag. (magazine) kasama ng aming mga staffers. Oo, miyembro ako ng isang pahayagan. Meron akong ilang dahilan kung bakit anlakas-lakas ng loob kong isusog ang panukalang ito. Una, nananiniwala ako sa kakayahan ng aming mga staffers. Pangalawa, kaya rin naming gawin ang ginagawa ng ibang campus-based publications. After all, pare-parehas lang kaming kumakain ng bigas; organic pa nga dito samin. Sa madali’t sabi naipasa ko ang nasabing panukala. Naghintay din ako ng 2 buwan para makapag-function as Feature Editor noong 2012-2013.

“Then Jeremiah called Baruch the son of Neriah: and Baruch wrote from the mouth of Jeremiah all the words, which had spoken unto him, upon a roll of a book.”

     ‘Wag naman nating maisip na utos sa pusa, utos sa daga itong si Jeremias. Siyempre binigyan siya ng assistant editor. Si Baruch din kasi ang babasa nito sa gitna ng templo. Siya rin ang may pagkakataong makuyog kapag na-offend ang mga makikinig. Hindi kasi pwede si Jeremias. He was shut up ng mga panahong ‘yon. At least di ba, two-man-publication sila.

     Super positibo akong nag-umpisa ng pagpapalano habang ako’y nasa OJT at nagpapakain at naglilinis lang ng kural ng baboy. Mula sa cover, tema, content, lay-out, at kung pano ito maisasakatuparan. Naglalagablab talaga ang malikhaing spirito ko g mga panahong yun. Halos naging one-man-publication ako. Mistula mang immortal ang positibo at maambisyong ispirito ay umabot rin sa katahimikan. Tila nga multo na sakin ang ala-ala ng Crossing (pangalan ng Mag.) na pinagbuhusan ko ng literal na pawis, luha, at dugo.


     Hindi ito natuloy. Hindi ahil kapos sa pondo o dahil kapos sa ideya. Kinapos ako sa pasensya. Cover page na lang kasi. Cover page at imprenta na. Pero alam ko na hindi talaga kalooban ng Omni-Publisher na malathala ang proyektong lumamon sa ¾ ng utak ko at lumulon ng 70% ng oras ko ng isang taon. Gayunpaman, tinuring ko ‘tong tungtungang bato para masungkit ang mga ginintuang mansanas.  Oo na nga, aminado ako naging diyos-diyosan ko’to. Ang hirap kayang i-give up at bitawan. Hindi pala birong isuko ang rebulto. Lalo na tong diyos-diyosang hinubog mismo ng sarili mong konsepto. Dinilete ko ang rebultong .InD file. Toot..file has been deleted.

“Nevertheless Elathan and Deliah and Gemariah had made intercession to the king that he would not burn the roll: but he would not hear them.”

     Kung yun ngang sinulat nina Jeremias ay walang pakundangang sinunog mas magaan pa rin yung experience ko kung tutuusin. Rektang pagtanggi mula sa sa Publisher. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga pagtanggi sa mismong Omni-Publsiher. Kaya wala akong dapat ipag-inarte. J


“Then took Jeremiah another roll, and gave it to Baruch the scribe, the son of Neriah; who wrote therin from the mouth of Jeremiah  all the words of the book which Jehoiakim king of Judah had burned in the fire: and there were added besides unto them many like words.”

Tuesday, August 13, 2013

Ako at si Alunzinas

Username:
Password:

buffering…

     “Si Alunzinas ay isang mandirigmang tangan ay dalawang abanico na nagsisilbi niyang sandata laban sa mga minotaurs, dragons, trolls at iba pang cyber-halimaw. Tunay na hindi matatawaran ang kanyang kariktan at karunungan sa pag-gamit ng magic skills.”

     Ito ay isa lang sa marami kong katauhan sa mga online games na nalaro ko. Ika nga, maraming katauhan ang bumuo sa ating karakter . Maimpluwensya, makapangyarihan, at katauhang ninanais, at ang mga RPG (Role Playing Games) ang nagbibigay daan upang ma-i-customize natin ang ating piniling karakter na hindi maaari sa realidad ng malupit na mundo. Mundo na hindi rin nalalayo sa’ting ginagalawan; binubuo ng mga mabubuting NPC’s, mga halimaw ng lipunan at mga bayaning nagsasalba sa mundo mula sa mga halimaw na muli tulad sa game na pauli-ulit na nagsusulputan. Respawn lang ng respawn. Ang pinagkaiba lang, ang mga mundo ng RPG ay umiikot sa cyberspace.

   “Sa Ruins doon niya nakilala si PxNam, isa ring babaeng mandirigmang bihasa sa pana at palaso. Inin-vite niya ito sa party. Accepted.”

     Kahit ano pang kasarian, edad, o laman ng inventory mo, Wapakelz! Dahil sa RPG; mas mahalaga ang kung anuman ang kaya mong gawin at itulong sa bawat isa. Walang hassle sa pakikipag-kapwa dahil sa isang add-as-friend lang; agad ay mag-a-accept. Paminsan-minsan may mga maaangas. PVP na lang o at sinong unang madapa -Nov!( Novice ha at hindi November) Normal na pangyayari na nakahahanap tayo ng katapat, minsan ng mas malakas pa at nakakatikim ng mga pagkatalo. Ngunit sa bawat pagkakadapa, pwede namang mag-resu at sa bawat bangon kaakibat nito ang mag-pa-lvl pa tungo sa pagka-imba. Konting exp. pa at makakakaresbak ka din.

     “Nagluluksuhan ang isang tropa ng mga goblins. Kairita! Nais niya sana itong i-lure at i-mob, kaso baka mauna siyang ma-deadz kesa sa mga ito. Nangailangan siya ng buffs.”

     Sinasabi ng maraming naghuhusay-husayang mga sosyolohiko, na ang paglaro ng kompyuter ay nagdudulot ng anti-social tendencies. Tingnan at halughugin muna ang settings.  Ang buffs ay pagpapakita ng pagtulong sa mga nahihirapan, nag-uumpisa o mga nais pa  lang umangat, kumbaga sa Ethics, sense of altruism. Dahil isang katotohanang di natin maipagkakailang darating ang panahon na mangagailangan tayo ng tulong.

     Napakaraming kabataan mula gradeschool, hayskul, at maging sa kolehiyo ang nahuhumaling sa paglalaro ng RPG. Pa-lvl hanggang  pag-pawisan ang pwet. Hunt lang kahit naninigas na ang mga daliri. Dungeon lang hanggang maluha-luha na ang mata. Wapakelz, Bakit? Malamang mas exciting pa ang RPG kesa sa mga teachers nila na madalas pa ang exp. event kesa sa pagsulpot ng mga ito sa klase. Hindi ko talaga sigurado. Pero siguro dahil binibigyan sila ng pagkakataong maging malakas kahit sa mundo na malayo sa Math at English.

     Hindi ko alam sa kanila, kasi ako simple lang, gusto ko lang takasan ang nkakangarag na realidad ng mundo at ang mga totoong mga monsters na lumalamon hindi ng mga elves, kundi ng mga pangarap. Pero kahit anunmang gawin nating pagtakas, babalik at babalik tayo sa realidad oras na marinig natin ang “ PC 5 time ka na! Extend ka pa?”

Para sa mga online…
Pati  na rin sa mga nag-offline na…
Anong quest niyo ngayon?                                                                                                       

Si LEA at ang mga Multo ng Kahapon

Basahing Suwestyon: Ecclesiastes 3:1-8
Pwedeng ito ang sikwel ng ‘Si LEA at ang mga Pangil ng Dragon

     Nagkaro’n ako ng alinlangang isulat at i-post ito, kakatakot dahil maaring hindi nito mapantayan ang naunang sanaysay.  Nakapanghihilakbot rin na maparalisa ako ng mga multo ng kahapon. Kaya lang nasabi ko nang ipapaliwanag ko kung bakit hindi ako kasabay ng mga kaklase ko na kumuha ng LEA; kaya itinuloy ko na rin at nababasa mo ito ngayon.
 
     Bumagsak ako. Blag! Hindi ako nakagradweyt ‘on time’. Double blag!

    Noong nabatid ko na naisalba ng mga barkada ko si LEA mula sa mga pangil ng mga Dragon ay nag-alinlangan akong ikwento ito sa nanay ko gay ang pagaalinlangan kong i-post ang blog entry nato. Dahil oo nga’t magaan sakin ang mga naganap saking buhay pero hindi sa kanya na nagpapabaon sakin. Marahil sabihin nya lang na: “O e ‘di sana nakapag-exam ka na din ngay-own.” At masira lang ang ginintuang aura ko ng umagang yon. Pero dahil nga ako’y galak sa tuwa ay nsambitla ko rin ito sa Inay at poof! Naganap nga ang aking propesiya. Plakadong plakado.


Tensyon. Violin Solo. Interior bahay. Bird’s eye view-zoom in.

Nanay: “O e ‘di sana nakapag-exam ka na din ngay-own.”
(Nakapasa ka n asana at makapagtatrabaho.)
Ako: “Ma, 10K+ ang pagkuha ng lisensya, rebyu pa lang; saang bunganga ng Dragon natin kukunin ‘yon?”
(Wala nga tayong pamabayad sa kuryente, pang-lisensya pa?)
Nanay: “O e yung binabaon mo ngayon sa araw-araw dapat ginastos na lang d’yan(sa lisensya).”
Ako: “Andami rin kayang hindi nakapasa. Yung mga nakapsa hindi rin naman agad yayaman ‘yun.”
(Wala tayong piho kung mapapasa ko nga iyon.)
Nanay: “ Aba ay langan namang sila ang idolin natin.”
(Hindi mo naman maibabagsak ‘yun. Sa pride mo na lang.”
Ako: “Ay anong gagawin ko?!”
(Ibabalik ko ang oras?)


Ext.bahay worm’s eye view -zoom out. Acoustic Guitar. Pana-panahon ang Pagkakataon.

     Ang aga-aga nagising ko ata ang dragon. Kahit yung scriptwriter tulog pa kaya ganyan ang salitaan namin hindi pang-teleserye at kailangan pang i-decipher ang bawat linya. ‘Yung nasa panaklong ang mga mensaheng na-decode.

     Noong mga sandaling ‘yon kulay ube na ang aura ko. Minumulto nako ng madidilim na nakaraan. Umalingawngaw ang mga katagang:

“Mr. Gadingan, bagsak ka sakin.”
“Dapat doon ka sa unahan nakaupo eh.”
“Hindi ka pala naka-gradweyt? Bakit?”
“Elem.Stats lang naibagsak mo pa?”
“Antalino mo sa lahat ng bagay eh”

     At nakikita kong umiikot sa paligid ko ang mga taong silhouette lang at umiilaw ng pula ang mga mata habang tumatawa.Hinawakan ko ang aking ulo at sinabunutan ang sarili na parang nasa isang commercial ng pain reliever ‘tas may migraine yung modelo. Pero drama lang ang huling sentence bago ‘to.

     Naimbyerna lang naman ako sa nanay ko nung umagang ‘yon. At pangit kayang mag-almusal ng pritong badtrip. Yung alingawngaw portion? Lahat kaya ‘yun sinalubong ko ng ngiti. Yes truly, may kapurat na kirot pero alam ko na hindi pagtatapos ang laman ng aking kasi puso, isip, at balun-balunan. Mahirap lang aksing ipaliwanag na: “Ma, yung pagtatapos ng batsilyer sa loob ng apat na taon, kumuha ng lisensya, at magtrabaho ay masyadong normal at hindi normal ang anak nyo.” Baka bumuga na  siya ng apoy nyan kaya pinili ko na lang na manahimik.


     Sa katanuyan, pinanood ko pa ang graduation ceremony nila. Kinamayan ang mga kaklase at kaibigan pati ang kani-kanilang magulang. Maraming nagpaabot ng panghihinayang at meron ding nagpaabot ng pagsaludo. Buong giting kong hinarap ‘yon dahil alam ko na ang Dailang Kwentista ay may ibang hinahabing istorya para sakin. Siguro naman hindi ito horror story. Maaaring dalhin niya ko sa ibang kaharian, ibang misyon bukod sa pagsalba kay LEA, hindi ko pa talaga lubusang batid.  Ang batid ko lang ay isa ako sa tauhan at ang panulat ay pareho naming tangan. Siya ang Headwriter at co-writer lang ako.

Friday, August 9, 2013

Deceased da Moment!

Yung moment na unti-unti lumilipas ang samyo ng akademya,
Na wari'y na-a-adjust pababa ang transparency nito,
Yung moment na matatapos na ang apat na taong kalbaryo.

Yung moment na nagsusukatan na ng toga,
Nagbibilihan na ng gagamiting pulbos, sapatos, at relos,
Yung moment na sa buhok anlake ng ginagastos.

Yung moment na nagdadatingan na ang mga magulang at anak,
Na edukasyo'y iginapang sa lusak, dumating na din ang presidente ng unibersidad,
Yung moment na di mo alam sang industriya ka mapapad-pad.

Yung moment na madadagdagan ang mga propesyunal,
Masasagutan ang pangangailangan ng lipunan- ng ibang bansa
Nagkukulang sa sariling bayan at sa ibang bansa'y makaka-ani ng ginhawa.

Yung moment na tawagin na ang pangalan,
Dugs, dugs, ang pagtatambol ng puso ng tawagin' cumlaude mong kaklase,
Sarap humiyaw: "Nanulad sakin yan!"

Yung moment ng pagtatapos kay sarap balikan,
Mga palakpakan at iyakan,
Yung momnet na sana naranasan
kung hindi may isang subject  pang babalikan.


Wednesday, August 7, 2013

NewSeryoso

Parang ito ang Sikwel ng 'Ati, Yung Letter?'

     Di gat na-aprubahan nga ang letter kaya nakapag-Baguio na nga kami. Habang nasa byahe kami meron talagang bumabagabag sa'kin. Hindi naman ito yung kakapusan ko ng baon. Hindi rin dahil baka mahulog kami sa Kenon Road. Hindi naman ako nasha-shaina. Ewan.

    Inabot kami ng halos 8 oras sa biyahe at mga tatlong hinga agad kaming nagtungo sa benyu. Luminga-linga sa paligid. Bumati sa mga organizers at nagtimpla ng kapeng free flowing! Maganda naman yung benyu pati yung temang gawa sa styro na binudburan ng gillters. Bahagyang di ko lang nagustuhan yung kurtina sa may stage. Sky Blue at Pink. Lakas maka-Metro Gwapo.

    Nag-umpisa na nga ang nasabing seminar. Hindi ko talaga bet ang broadcast journalism pero andun nako at yun lan ang tangi kong paraan para makapag-bakasyon at makapag-BenCab. Maganda naman yung content nung presentation nung premiadong field reporter ng isang news network. May mga hawig din sa journalistic writing. Matapos ang lectures pinagawa niya kami ng isang newscasting script. Pinilit naming maging seryoso kahit hirap kaming itago ang pagkabalahura namin. Binigyan kami ng 1 oras na preparasyon at ito ang naluto namin:


Executive Producer :    Ron Kennell Alfaro (malaki ang naitulong.pramis)

Writers:                       Cyrelle Bello
                                   Jord Earving Gadingan
                                   Nyssa Mae Banquiles (kahit ako lang ang nagsulat sa patnubay ni Bb. Pabellano)

Floor Director:            Princess Catherine Pabellano 
Set Designer:              Shalfa Ikkao (kahit wala namang nababago sa set)
Anchors:

a. Weather:                Maizel Pabellano 
b. Field Reporter:      Angelica Bautista (kahit 1 metro lang ang layo niya sa anchors)

Interior.Newsroom.Music scoring (tan-tan-tanan)

Mga Cordillerahing kaganapan
Ibinalita sa Timog Katagalugan,

Kung saan 'di natutulog ang Mantika! (Chuk!PAk!)

(proposed intro.)

totoong naganap starts here:

Magandang Umaga!
Ito po si Cyrelle Bello at ako naman po si Nyssa Mae Banquiles at ito po ang “ NEWSERYOSO ”. Tunghayan natin ang mga balitang mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nyssa: Sa ulo ng mga balita.. Gobernador ng Quezon may bagong kampanya para sa probinsya

Cyrelle: Isang bagong kampanya para sa turismo ng probinsya ang sinimulan ni Gobernador Jay-Jay Suarez. “Pilipinas, Quezon naman ulit” ito ang panibagong tagline ng Quezon tourism office na naglalayong palakasin ang turismo ng probinsya. Inilunsad kahapon sa Quezon convention center ang pagkakaroon ng bagong tagline. Dinaluhan ng mga kilalang personalidad ang nasabing paglulunsad. Base sa naging reaksyon ng mamayan ng Quezon, naging matagumpay ang bagong programa ng tourism office.

Nyssa: Ngayon umpisahan natin sa Ulat Panahon mula kay Maizel.

Maizel: Salamat Ka Nyssas!

            Magiging maulan ang gabi natin dito sa Rehiyong Administrasyon Ng Kordilyera. Tinatayang nasa 60% ang tsansang ulanin ang ating gabi. Pumapalo sa 80-95% ang RH Level at 17 degree celcius ang temperature kaya ang bawat isa ay pinapayuhang magdala ng payo ng at magjacket. Ikaw na ulit Ka Cyrelle.

Nyssa: Kasalakuyang nasa Hotel Supreme ang ating kasamahang si Gec.Kamusta na?

Gec: Ayos naman ako dito kasamahang Ka Cyrelle. Kasalakuyang nagaganap ang isang simposiyum sa Hotel Supreme ukol sa mas mainam na Broadcasting Journalism . Kanina nga lamang ay nagbigay ng kanyang payo ang isang batikang mamahayag na si J.Manabat. Kasama ko nga dito ang isang participant ng nasabing seminar?

            Anong feedback mo sa ginanap na seminar kanina?

Partisipant: (sasagot)


Gec: Yun lamang Ka Nyssa. Yan ang mga nagyeyelong balita mula dito sa Kordilyera. Back to you .







Mukhang hindi akma ang ito sa news show. Mas babanga ata ito sa sitcom. Sa kabila ng pagkasunog ng aming niluto naging masaya naman kami sa aktibiti...ngunit ang sayang yon ay napalitan ng kaba ng malamang di pala matatapos sa pagluluto, kailangan ng plating. May presentation daw sa unahan.

Seryoso ang mga partisipant. Seryoso din ang premiadong repoter.Kami lang ang hindi. Isa-isa ng tinawag ang mga News Cast Names. Naiisip ko lang baka nababoy ko ang boardcasting journalism nahihiya naman ako dun sa mga sineseryoso yung event. At biglang.."Next one is NewSeryoso. Tinganan nga natin kung seryoso talaga si.." (at binaggit ang credits)

Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng hotel. Takbo hanggat may lupa. Mga 10 mins. ako sa lobby. Yakong marinig ang kritik.

Bumalik ako at tinanaong ang aking mga kasamang katatapos lang ng taste test. Tionanong ko sila anong pakilasa ninyo ngayon. Maka-tanggal kaluluwa. Maigsing igkas ng salitang mula sa puso.

Ito ang una kong output ng scriptwriting at una ko ring beses mahiya sa aking akda. Seryoso. Pero bakit ang Wazzup-Wazzup parang di naman nila sineseryoso ang balita. Kailangan ba tingnan lang ang balita as it is? Siguro dahil iba lang talaga ang timpla ng panulat ko. May sarili siyang taste ika nga at hindi ito bumanga sa newscast scriptwriting.



     

Friday, August 2, 2013

Si LEA at ang mga Pangil ng Dragon

Basahing Suwestiyon: Proverbs 3

Kahit pa man nang hayskul pa lang ako, hindi ako magaling sa tayutay pero ganumpaman, le’me try anyways.

     Parang isang princess a mahuhulog na sa mas malalim na portion ng bangin ang pagkuha ng LEA (Licensure Examination for Agriculturists) at ang misyon mo bilang isang magiting na Knight ay abutin ang kamy ng princess at isampa ito mula sa pagkakahulog. Tipong unti-unti ng  nagpapatakan ang mga soil debris. Lumalabas na ang ugat sa kamay sa struggle. At halos abot kamay mo na si LEA. Dahil ‘pag dumulas ito sa kamay mo at of course, naibagsak mo siya dun papasok ang roles ng mga dragons -expectations ng mga kaklase, professors, tsismositang kapitbahay at pinaka-fiercest of them all: Ang NANAY mo.

     Ang Inay na gumastos ng over 10K. Yes, beybi 10K+ ang golden license na ibe-breakdown natinsa review(5.5K), LEA itself(900), at the rest ay sa real stuffs habng nagre-rebyu: bahay, kuryente, pagkain, transpo, at miscellaneous na pang-gala lang naman talaga.

     Higit kumulang 3 buwan silang (mga kaklase ko) naghanda mentally, physically, emotionally para sa nasabing pagsusulit. Intense daw ang review. Intense rin ang pangmamata sa kanila dahil hindi sila galling sa prestihiyosong unibersidad. Pero higit sa lahat ang pinaka-most intense talaga ang exam nitong last week lang.

“I will sing of the mercies of the Lord forever: with my mouth will I make known thy faithfulness to all generations.”

     Maraming nag-pa-pray saking mga kaklase. Mga 2. Si Tetin at Rodora. Sabi ko bakit hindi kayo ang mag-pray, nasan ang mga diyos niyo?!! Pero hindi yun pasigaw, malumanay. Parang Jackylyn Jose lang. “Eh ikaw ang malakas eh” sabi nila. So, pray na lang din ako to prove to them that I have a good and favour-generous Boss. At least, they got confidence to whom my confidence is. (deretsong Ingles successfully done!)

     At ang araw ng pagsusulit ay dumatal at lumipas. Ang inakala nilang pinaka-most intense na ang exam, ay kinabog ng paghihintay sa results. Maisasampaba nila si LEA? O maibabagsak?  Ang bawat minute ay mistulang sang oras. Ang bawat oras ay mistulang isang araw. Ang bawat araw ay mistulang isang lingo. In short, ang haba ng oras ay naging eksponensiyal. Lahat humamaba habang umiiksi ang pasensiya nilang mag-intay.

    Minulto sila ng mga What-Ifs?. Binulahaw ng mga False Alarms. Niliglig ng mga Text Scares. Lahat pranella sa ilang araw na lumipas. Ako naman: “Igtingan ninyo ang inyong pananampalataya. Tiwala lang at maisasalba natin to. Malalgpasan natin to!”. Propetang-propeta ang peg ko sa nakalipas na mga araw.
Hanggang dumating ang pinakahihintay ng lahat. As of aug2. 12 midnight: Tan-ta-na-nannn…Tada! The Results Night! Pero umaga ko na nabasang may results na daw pala.

Sabin ng text ni Tetin: “Jord pasado daw kami! Haha salamat kay Lord! Napakabuti nya tlga!Grbe! blah.blah

O ayan at least na-prove na niya na deserve niya talaga ang Cum Laude. Di rin kasi ako masyadong kumbinsido. Pero sinong kami ang tinutukoy niya? Agad kong binasa ang sunod na text…si Rodora

Sabin g text ni Rodora: “jord wala pa akong pera and2 pti ako xmen (mutant na xa?tanong ko sa sarili) d aq makaalis na nanganak si baibi .. (oo,siningil ko nga pala siya nung gabi sa utang niya) anyways bt tau pinagre2port ne director? (oo, pinapadulog nga pla kami sa himpilan ng campus director pero that’s another story) bt k punta baguio?nga pla dugz.. pmsa aq sa exam xlamt x bugna.

Bugna o tadhana na pinoropesiya ko sa kanya na sabi ko unang exam nya babagsak siya pero agad ko ding binawi dahil yung binitawang kong biro na yun ay minumulto daw siya nung rebyuhan na.

Ansabi ko na lang na whatever happened, that’s Boss’s will for you. Oo, I could pray for you. Oo you could review. But the final say will be of the Boss’.

     SoliDeoGloria! Para ko na rin siyang achievement. Achievement na kahit its their achievements natutunan nilang ibalik ang glory ang honor dun sa tumulong sa Knight na isampa si LEA kahit hindi naman siya nakita sa story.

                                                          

Study Question:
1. Bakit hindi pako nag-exam?
That’s another part of the story!
Si LEA at ang Yesterdays’ Ghosts