Tuesday, August 13, 2013

Ako at si Alunzinas

Username:
Password:

buffering…

     “Si Alunzinas ay isang mandirigmang tangan ay dalawang abanico na nagsisilbi niyang sandata laban sa mga minotaurs, dragons, trolls at iba pang cyber-halimaw. Tunay na hindi matatawaran ang kanyang kariktan at karunungan sa pag-gamit ng magic skills.”

     Ito ay isa lang sa marami kong katauhan sa mga online games na nalaro ko. Ika nga, maraming katauhan ang bumuo sa ating karakter . Maimpluwensya, makapangyarihan, at katauhang ninanais, at ang mga RPG (Role Playing Games) ang nagbibigay daan upang ma-i-customize natin ang ating piniling karakter na hindi maaari sa realidad ng malupit na mundo. Mundo na hindi rin nalalayo sa’ting ginagalawan; binubuo ng mga mabubuting NPC’s, mga halimaw ng lipunan at mga bayaning nagsasalba sa mundo mula sa mga halimaw na muli tulad sa game na pauli-ulit na nagsusulputan. Respawn lang ng respawn. Ang pinagkaiba lang, ang mga mundo ng RPG ay umiikot sa cyberspace.

   “Sa Ruins doon niya nakilala si PxNam, isa ring babaeng mandirigmang bihasa sa pana at palaso. Inin-vite niya ito sa party. Accepted.”

     Kahit ano pang kasarian, edad, o laman ng inventory mo, Wapakelz! Dahil sa RPG; mas mahalaga ang kung anuman ang kaya mong gawin at itulong sa bawat isa. Walang hassle sa pakikipag-kapwa dahil sa isang add-as-friend lang; agad ay mag-a-accept. Paminsan-minsan may mga maaangas. PVP na lang o at sinong unang madapa -Nov!( Novice ha at hindi November) Normal na pangyayari na nakahahanap tayo ng katapat, minsan ng mas malakas pa at nakakatikim ng mga pagkatalo. Ngunit sa bawat pagkakadapa, pwede namang mag-resu at sa bawat bangon kaakibat nito ang mag-pa-lvl pa tungo sa pagka-imba. Konting exp. pa at makakakaresbak ka din.

     “Nagluluksuhan ang isang tropa ng mga goblins. Kairita! Nais niya sana itong i-lure at i-mob, kaso baka mauna siyang ma-deadz kesa sa mga ito. Nangailangan siya ng buffs.”

     Sinasabi ng maraming naghuhusay-husayang mga sosyolohiko, na ang paglaro ng kompyuter ay nagdudulot ng anti-social tendencies. Tingnan at halughugin muna ang settings.  Ang buffs ay pagpapakita ng pagtulong sa mga nahihirapan, nag-uumpisa o mga nais pa  lang umangat, kumbaga sa Ethics, sense of altruism. Dahil isang katotohanang di natin maipagkakailang darating ang panahon na mangagailangan tayo ng tulong.

     Napakaraming kabataan mula gradeschool, hayskul, at maging sa kolehiyo ang nahuhumaling sa paglalaro ng RPG. Pa-lvl hanggang  pag-pawisan ang pwet. Hunt lang kahit naninigas na ang mga daliri. Dungeon lang hanggang maluha-luha na ang mata. Wapakelz, Bakit? Malamang mas exciting pa ang RPG kesa sa mga teachers nila na madalas pa ang exp. event kesa sa pagsulpot ng mga ito sa klase. Hindi ko talaga sigurado. Pero siguro dahil binibigyan sila ng pagkakataong maging malakas kahit sa mundo na malayo sa Math at English.

     Hindi ko alam sa kanila, kasi ako simple lang, gusto ko lang takasan ang nkakangarag na realidad ng mundo at ang mga totoong mga monsters na lumalamon hindi ng mga elves, kundi ng mga pangarap. Pero kahit anunmang gawin nating pagtakas, babalik at babalik tayo sa realidad oras na marinig natin ang “ PC 5 time ka na! Extend ka pa?”

Para sa mga online…
Pati  na rin sa mga nag-offline na…
Anong quest niyo ngayon?                                                                                                       

No comments: