Basahing Suwestyon: Ecclesiastes 3:1-8
Pwedeng ito ang sikwel ng ‘Si
LEA at ang mga Pangil ng Dragon
Nagkaro’n ako ng alinlangang isulat at
i-post ito, kakatakot dahil maaring hindi nito mapantayan ang naunang sanaysay. Nakapanghihilakbot rin na maparalisa ako ng
mga multo ng kahapon. Kaya lang nasabi ko nang ipapaliwanag ko kung bakit hindi
ako kasabay ng mga kaklase ko na kumuha ng LEA; kaya itinuloy ko na rin at
nababasa mo ito ngayon.
Bumagsak ako. Blag! Hindi ako nakagradweyt
‘on time’. Double blag!
Noong nabatid ko na naisalba ng mga barkada
ko si LEA mula sa mga pangil ng mga Dragon ay nag-alinlangan akong ikwento ito
sa nanay ko gay ang pagaalinlangan kong i-post ang blog entry nato. Dahil oo
nga’t magaan sakin ang mga naganap saking buhay pero hindi sa kanya na
nagpapabaon sakin. Marahil sabihin nya lang na: “O e ‘di sana nakapag-exam ka
na din ngay-own.” At masira lang ang ginintuang aura ko ng umagang yon. Pero
dahil nga ako’y galak sa tuwa ay nsambitla ko rin ito sa Inay at poof! Naganap
nga ang aking propesiya. Plakadong plakado.
Tensyon. Violin Solo.
Interior bahay. Bird’s eye view-zoom in.
Nanay: “O e ‘di sana
nakapag-exam ka na din ngay-own.”
(Nakapasa ka n asana at
makapagtatrabaho.)
Ako: “Ma, 10K+ ang pagkuha ng
lisensya, rebyu pa lang; saang bunganga ng Dragon natin kukunin ‘yon?”
(Wala nga tayong pamabayad sa
kuryente, pang-lisensya pa?)
Nanay: “O e yung binabaon mo
ngayon sa araw-araw dapat ginastos na lang d’yan(sa lisensya).”
Ako: “Andami rin kayang hindi
nakapasa. Yung mga nakapsa hindi rin naman agad yayaman ‘yun.”
(Wala tayong piho kung
mapapasa ko nga iyon.)
Nanay: “ Aba ay langan namang
sila ang idolin natin.”
(Hindi mo naman maibabagsak
‘yun. Sa pride mo na lang.”
Ako: “Ay anong gagawin ko?!”
(Ibabalik ko ang oras?)
Ext.bahay worm’s eye view
-zoom out. Acoustic Guitar. Pana-panahon ang Pagkakataon.
Ang aga-aga nagising ko ata ang dragon.
Kahit yung scriptwriter tulog pa kaya ganyan ang salitaan namin hindi
pang-teleserye at kailangan pang i-decipher ang bawat linya. ‘Yung nasa
panaklong ang mga mensaheng na-decode.
Noong mga sandaling ‘yon kulay ube na ang
aura ko. Minumulto nako ng madidilim na nakaraan. Umalingawngaw ang mga
katagang:
“Mr. Gadingan, bagsak ka
sakin.”
“Dapat doon ka sa unahan
nakaupo eh.”
“Hindi ka pala naka-gradweyt?
Bakit?”
“Elem.Stats lang naibagsak mo
pa?”
“Antalino mo sa lahat ng bagay
eh”
At nakikita kong umiikot sa paligid ko ang
mga taong silhouette lang at umiilaw ng pula ang mga mata habang
tumatawa.Hinawakan ko ang aking ulo at sinabunutan ang sarili na parang nasa
isang commercial ng pain reliever ‘tas may migraine yung modelo. Pero drama
lang ang huling sentence bago ‘to.
Naimbyerna lang naman ako sa nanay ko nung
umagang ‘yon. At pangit kayang mag-almusal ng pritong badtrip. Yung alingawngaw
portion? Lahat kaya ‘yun sinalubong ko ng ngiti. Yes truly, may kapurat na
kirot pero alam ko na hindi pagtatapos ang laman ng aking kasi puso, isip, at
balun-balunan. Mahirap lang aksing ipaliwanag na: “Ma, yung pagtatapos ng
batsilyer sa loob ng apat na taon, kumuha ng lisensya, at magtrabaho ay
masyadong normal at hindi normal ang anak nyo.” Baka bumuga na siya ng apoy nyan kaya pinili ko na lang na
manahimik.
Sa katanuyan, pinanood ko pa ang
graduation ceremony nila. Kinamayan ang mga kaklase at kaibigan pati ang
kani-kanilang magulang. Maraming nagpaabot ng panghihinayang at meron ding
nagpaabot ng pagsaludo. Buong giting kong hinarap ‘yon dahil alam ko na ang
Dailang Kwentista ay may ibang hinahabing istorya para sakin. Siguro naman
hindi ito horror story. Maaaring dalhin niya ko sa ibang kaharian, ibang misyon
bukod sa pagsalba kay LEA, hindi ko pa talaga lubusang batid. Ang batid ko lang ay isa ako sa tauhan at ang
panulat ay pareho naming tangan. Siya ang Headwriter at co-writer lang ako.
No comments:
Post a Comment