Basahing Suwestiyon: Proverbs 3
Kahit pa man nang hayskul pa lang
ako, hindi ako magaling sa tayutay pero ganumpaman, le’me try anyways.
Parang isang princess a mahuhulog
na sa mas malalim na portion ng bangin ang pagkuha ng LEA (Licensure
Examination for Agriculturists) at ang misyon mo bilang isang magiting na
Knight ay abutin ang kamy ng princess at isampa ito mula sa pagkakahulog.
Tipong unti-unti ng nagpapatakan ang mga
soil debris. Lumalabas na ang ugat sa kamay sa struggle. At halos abot kamay mo
na si LEA. Dahil ‘pag dumulas ito sa kamay mo at of course, naibagsak mo siya
dun papasok ang roles ng mga dragons -expectations ng mga kaklase, professors,
tsismositang kapitbahay at pinaka-fiercest of them all: Ang NANAY mo.
Ang Inay na gumastos ng over 10K.
Yes, beybi 10K+ ang golden license na ibe-breakdown natinsa review(5.5K), LEA
itself(900), at the rest ay sa real stuffs habng nagre-rebyu: bahay, kuryente,
pagkain, transpo, at miscellaneous na pang-gala lang naman talaga.
Higit kumulang 3 buwan silang
(mga kaklase ko) naghanda mentally, physically, emotionally para sa nasabing
pagsusulit. Intense daw ang review. Intense rin ang pangmamata sa kanila dahil
hindi sila galling sa prestihiyosong unibersidad. Pero higit sa lahat ang
pinaka-most intense talaga ang exam nitong last week lang.
“I will sing of the mercies of the Lord forever: with my mouth will I make known thy faithfulness to all generations.”
Maraming nag-pa-pray saking mga
kaklase. Mga 2. Si Tetin at Rodora. Sabi ko bakit hindi kayo ang mag-pray,
nasan ang mga diyos niyo?!! Pero hindi yun pasigaw, malumanay. Parang Jackylyn Jose
lang. “Eh ikaw ang malakas eh” sabi nila. So, pray na lang din ako to prove to
them that I have a good and favour-generous Boss. At least, they got confidence
to whom my confidence is. (deretsong Ingles successfully done!)
At ang araw ng pagsusulit ay
dumatal at lumipas. Ang inakala nilang pinaka-most intense na ang exam, ay
kinabog ng paghihintay sa results. Maisasampaba nila si LEA? O maibabagsak? Ang bawat minute ay mistulang sang oras. Ang
bawat oras ay mistulang isang araw. Ang bawat araw ay mistulang isang lingo. In
short, ang haba ng oras ay naging eksponensiyal. Lahat humamaba habang umiiksi
ang pasensiya nilang mag-intay.
Minulto sila ng mga What-Ifs?.
Binulahaw ng mga False Alarms. Niliglig ng mga Text Scares. Lahat pranella sa
ilang araw na lumipas. Ako naman: “Igtingan ninyo ang inyong pananampalataya.
Tiwala lang at maisasalba natin to. Malalgpasan natin to!”. Propetang-propeta
ang peg ko sa nakalipas na mga araw.
Hanggang dumating ang
pinakahihintay ng lahat. As of aug2. 12 midnight: Tan-ta-na-nannn…Tada! The
Results Night! Pero umaga ko na nabasang may results na daw pala.
Sabin ng text ni Tetin: “Jord
pasado daw kami! Haha salamat kay Lord! Napakabuti nya tlga!Grbe! blah.blah
O ayan at least na-prove na niya
na deserve niya talaga ang Cum Laude. Di rin kasi ako masyadong kumbinsido.
Pero sinong kami ang tinutukoy niya? Agad kong binasa ang sunod na text…si
Rodora
Sabin g text ni Rodora: “jord
wala pa akong pera and2 pti ako xmen (mutant na xa?tanong ko sa sarili) d aq
makaalis na nanganak si baibi .. (oo,siningil ko nga pala siya nung gabi sa
utang niya) anyways bt tau pinagre2port ne director? (oo, pinapadulog nga pla
kami sa himpilan ng campus director pero that’s another story) bt k punta
baguio?nga pla dugz.. pmsa aq sa exam xlamt x bugna.
Bugna o tadhana na pinoropesiya
ko sa kanya na sabi ko unang exam nya babagsak siya pero agad ko ding binawi
dahil yung binitawang kong biro na yun ay minumulto daw siya nung rebyuhan na.
Ansabi ko na lang na whatever happened, that’s
Boss’s will for you. Oo, I could pray for you. Oo you could review. But the
final say will be of the Boss’.
SoliDeoGloria! Para ko na rin
siyang achievement. Achievement na kahit its their achievements natutunan
nilang ibalik ang glory ang honor dun sa tumulong sa Knight na isampa si LEA
kahit hindi naman siya nakita sa story.
Study Question:
1. Bakit hindi pako nag-exam?
That’s another part of the story!
Si LEA at ang Yesterdays’ Ghosts
No comments:
Post a Comment