Ang inyong lingkod ay nananawagan sa mga bookworms na 'wag lang kayong magbasa, magsulat-sulat din kayo pag may time. Kaya kung me' paboritong aklat, ingles man o filipino; ambag na ng mga dagliang book reviews para sa aking dagliang antolohiya ng mga buk rebyu. Bukas po ang ambagan sa mga nobela, antolohiya,e-books, at iba pang akdang pampanitikan na nalimbag sa pael o cyberspace.
Sikaping ang rebyu ay umabot sa 7-10 pangungusap. gawing personal ang espasyong ipagkakatiwala sa inyo. Bukas kami sa parehong Ingles at Filipino. At ang rebyu ng mga Pilipinong manunulat ay buong giliw na ini-encourage.
Gaya ng sinasabi ng maraming kandidato sa SC, Wala po akong maipapangako sa inyong kapalit. Kaya 'wag na kayong mag-expect ng kung anumang honorarium. O pwede rin hatiin natin yung singkwenta sa lahat ng mag-susumite. Ang tanging sigurado lang ay ang ginituang "byline".
No comments:
Post a Comment