Friday, August 16, 2013

Mag-Asin: Ang Maalat na Karansan

 Sa experience na’to hindi ako naging bitter. Pero hindi rin ito sweet. Lalong hindi bittersweet gaya ang mga pagpapalam ng mga low-rating shows.  Chinarge ko na lang to kay best teacher.

  “The lot is cast into the lap but the disposing thereof is of the Lord.”

Basahing Suwestiyon: Jeremiah 36

“…this word came unto Jeremiah from the Lord, saying, take thee a roll of a book, and write therein all the words that I have spoken unto thee against Israel, and against, Judah, and against all the antions, from the day I spake unto thee, from the days of Josiah, even unto this day.”

    Ang haba-haba kaya nun. As in talaga. Sa dami na lang ng mga kasalanan ng mga Israelita at idagdag pa yung mga kasalanan ng iba. Hindi joke ang pinapagawa kay propetang Jeremias. Pero nakakhiya naman dahil wala siyang reklamo. Hindi natin alam kung dictation yun. Basta sandamukal na tiyaga ang kailangan niya dun. Pero at least may kasiguraduhan ‘to ng publishing.

     Noong unang panahon sa isang mainit na talakyan sa seryosohang bulwagan, ipinagbaka ko na makapag-gawa kami ng Mag. (magazine) kasama ng aming mga staffers. Oo, miyembro ako ng isang pahayagan. Meron akong ilang dahilan kung bakit anlakas-lakas ng loob kong isusog ang panukalang ito. Una, nananiniwala ako sa kakayahan ng aming mga staffers. Pangalawa, kaya rin naming gawin ang ginagawa ng ibang campus-based publications. After all, pare-parehas lang kaming kumakain ng bigas; organic pa nga dito samin. Sa madali’t sabi naipasa ko ang nasabing panukala. Naghintay din ako ng 2 buwan para makapag-function as Feature Editor noong 2012-2013.

“Then Jeremiah called Baruch the son of Neriah: and Baruch wrote from the mouth of Jeremiah all the words, which had spoken unto him, upon a roll of a book.”

     ‘Wag naman nating maisip na utos sa pusa, utos sa daga itong si Jeremias. Siyempre binigyan siya ng assistant editor. Si Baruch din kasi ang babasa nito sa gitna ng templo. Siya rin ang may pagkakataong makuyog kapag na-offend ang mga makikinig. Hindi kasi pwede si Jeremias. He was shut up ng mga panahong ‘yon. At least di ba, two-man-publication sila.

     Super positibo akong nag-umpisa ng pagpapalano habang ako’y nasa OJT at nagpapakain at naglilinis lang ng kural ng baboy. Mula sa cover, tema, content, lay-out, at kung pano ito maisasakatuparan. Naglalagablab talaga ang malikhaing spirito ko g mga panahong yun. Halos naging one-man-publication ako. Mistula mang immortal ang positibo at maambisyong ispirito ay umabot rin sa katahimikan. Tila nga multo na sakin ang ala-ala ng Crossing (pangalan ng Mag.) na pinagbuhusan ko ng literal na pawis, luha, at dugo.


     Hindi ito natuloy. Hindi ahil kapos sa pondo o dahil kapos sa ideya. Kinapos ako sa pasensya. Cover page na lang kasi. Cover page at imprenta na. Pero alam ko na hindi talaga kalooban ng Omni-Publisher na malathala ang proyektong lumamon sa ¾ ng utak ko at lumulon ng 70% ng oras ko ng isang taon. Gayunpaman, tinuring ko ‘tong tungtungang bato para masungkit ang mga ginintuang mansanas.  Oo na nga, aminado ako naging diyos-diyosan ko’to. Ang hirap kayang i-give up at bitawan. Hindi pala birong isuko ang rebulto. Lalo na tong diyos-diyosang hinubog mismo ng sarili mong konsepto. Dinilete ko ang rebultong .InD file. Toot..file has been deleted.

“Nevertheless Elathan and Deliah and Gemariah had made intercession to the king that he would not burn the roll: but he would not hear them.”

     Kung yun ngang sinulat nina Jeremias ay walang pakundangang sinunog mas magaan pa rin yung experience ko kung tutuusin. Rektang pagtanggi mula sa sa Publisher. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga pagtanggi sa mismong Omni-Publsiher. Kaya wala akong dapat ipag-inarte. J


“Then took Jeremiah another roll, and gave it to Baruch the scribe, the son of Neriah; who wrote therin from the mouth of Jeremiah  all the words of the book which Jehoiakim king of Judah had burned in the fire: and there were added besides unto them many like words.”

No comments: