Saturday, August 31, 2013

Filipino o Tagalog? Whatevs!

       Let’s face it. ‘Pag buwan ng Wika lang naman mainit ang diskurso tungkol sa’ting wikang pambansa.  Napanood ko ang ¾ ng dokyumentaryo ni Tiya CheChe- Ang Wika Kos a Sunday’s Best. Grabe, ‘nagkakasala’ pala ako laban sa aking wika.

     Puro lang ito pananaw ko sa paggamit ng wika sa pagsusulat o kahit sa pang-araw-araw na pakikipagugnayan. Maaring maging subjective ako, siyempre blog at opinion koi to. Ako ang writer pati rin ang editor.

      Maaring mabababaw lang ang pananaw at kat’wiran ko, bata pa nama ako; at sino ba ako? Hindi naman ako pambansang alagad ng sining sa panitikan o propesor ng Filipino sa prestihiyosong unibersidad. Simpleng batang mahilig magkwento, gumuri-guri, at iwasiwas ang panulat. May kwenta man o wala. Madalas, wala talaga.

     Grammar na nga sa English, may gramatika pa sa Filipino? Kinikritik ka na nga sa eskwelahan, pati sa pang-araw-araw na paggamit? Gravity na, ambigat na masyado. Hindi ba ang wika ay dynamikosabi sa FIL01? O bakit may mga taong ayaw yumakap ng pagbabago.

     Sabi dati sa nadaluhan kong pagsasanay sa pagsulat, ang panitikan daw ay hindi gramatika. Pero bakit may mga nag-tse-tsek ng wastong gamit? Bakit may sumasakal ng malaya’t malikhaing pagsulat? Ewan.

     Naalala ko pa yung diagram sa Sining ng Pakikipagtalastasan, 10pts. kaya yun sa quiz; ang pinaka-goal ng sender ay maiparating ang mensahe sa receiver at magkaunawaan sila. Sa gayon makapagbigay siya ng feedback. O e kung nagkaintindihan naman pala, ano pang problema?

     Hindi (raw o daw) uunlad ang wikang Filipino sa pag-gamit ng mga gay lingo. Sa bagay, sa part nato ay may hindi nakakaintindi o kung nakakaunawa man ay hindi lahat o may kabagalan sa pagpoproseso ng mga mensahe. Pero yun na rin mismo yung punto ko, uunlad ang kaisipan natin sa pag-de-decode ng mga salita na may ibang kahulugan mula sa orihinal nitong ibig sabihin. Tumatalino tayo in the process. Mas nagiging malikhain ang masang Pilipino. Hindi ba ‘yon ang gusto natin ang umunlad ang sining sa bansa at hindi ito makahon sa iilang eksperto? Kalerkey!

     Marami kasi sa mga kritiko, mga Janet Napoles. Mahirap kayang gumamit ng purong sariling wika sa pang-araw-araw.Maka-wika- makabayan kuno, nag-tetext din naman ng ”Hu U?”.

     Hindi ko sinasabing ‘wag nating pagyamanin ang wika natin. Para sakin mayaman na siya. Para siyang OS na ambilis-bilis mag-update. Dati  huwad, naging peke, naging charing, naging charot, naging echos, at ngayon naging Janet Napoles.


     Ang ganang akin, ay wag nating pahirapin at ikahon ang sining ng pakikipagtalastasan. Di ver?

No comments: