Wednesday, August 7, 2013

NewSeryoso

Parang ito ang Sikwel ng 'Ati, Yung Letter?'

     Di gat na-aprubahan nga ang letter kaya nakapag-Baguio na nga kami. Habang nasa byahe kami meron talagang bumabagabag sa'kin. Hindi naman ito yung kakapusan ko ng baon. Hindi rin dahil baka mahulog kami sa Kenon Road. Hindi naman ako nasha-shaina. Ewan.

    Inabot kami ng halos 8 oras sa biyahe at mga tatlong hinga agad kaming nagtungo sa benyu. Luminga-linga sa paligid. Bumati sa mga organizers at nagtimpla ng kapeng free flowing! Maganda naman yung benyu pati yung temang gawa sa styro na binudburan ng gillters. Bahagyang di ko lang nagustuhan yung kurtina sa may stage. Sky Blue at Pink. Lakas maka-Metro Gwapo.

    Nag-umpisa na nga ang nasabing seminar. Hindi ko talaga bet ang broadcast journalism pero andun nako at yun lan ang tangi kong paraan para makapag-bakasyon at makapag-BenCab. Maganda naman yung content nung presentation nung premiadong field reporter ng isang news network. May mga hawig din sa journalistic writing. Matapos ang lectures pinagawa niya kami ng isang newscasting script. Pinilit naming maging seryoso kahit hirap kaming itago ang pagkabalahura namin. Binigyan kami ng 1 oras na preparasyon at ito ang naluto namin:


Executive Producer :    Ron Kennell Alfaro (malaki ang naitulong.pramis)

Writers:                       Cyrelle Bello
                                   Jord Earving Gadingan
                                   Nyssa Mae Banquiles (kahit ako lang ang nagsulat sa patnubay ni Bb. Pabellano)

Floor Director:            Princess Catherine Pabellano 
Set Designer:              Shalfa Ikkao (kahit wala namang nababago sa set)
Anchors:

a. Weather:                Maizel Pabellano 
b. Field Reporter:      Angelica Bautista (kahit 1 metro lang ang layo niya sa anchors)

Interior.Newsroom.Music scoring (tan-tan-tanan)

Mga Cordillerahing kaganapan
Ibinalita sa Timog Katagalugan,

Kung saan 'di natutulog ang Mantika! (Chuk!PAk!)

(proposed intro.)

totoong naganap starts here:

Magandang Umaga!
Ito po si Cyrelle Bello at ako naman po si Nyssa Mae Banquiles at ito po ang “ NEWSERYOSO ”. Tunghayan natin ang mga balitang mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nyssa: Sa ulo ng mga balita.. Gobernador ng Quezon may bagong kampanya para sa probinsya

Cyrelle: Isang bagong kampanya para sa turismo ng probinsya ang sinimulan ni Gobernador Jay-Jay Suarez. “Pilipinas, Quezon naman ulit” ito ang panibagong tagline ng Quezon tourism office na naglalayong palakasin ang turismo ng probinsya. Inilunsad kahapon sa Quezon convention center ang pagkakaroon ng bagong tagline. Dinaluhan ng mga kilalang personalidad ang nasabing paglulunsad. Base sa naging reaksyon ng mamayan ng Quezon, naging matagumpay ang bagong programa ng tourism office.

Nyssa: Ngayon umpisahan natin sa Ulat Panahon mula kay Maizel.

Maizel: Salamat Ka Nyssas!

            Magiging maulan ang gabi natin dito sa Rehiyong Administrasyon Ng Kordilyera. Tinatayang nasa 60% ang tsansang ulanin ang ating gabi. Pumapalo sa 80-95% ang RH Level at 17 degree celcius ang temperature kaya ang bawat isa ay pinapayuhang magdala ng payo ng at magjacket. Ikaw na ulit Ka Cyrelle.

Nyssa: Kasalakuyang nasa Hotel Supreme ang ating kasamahang si Gec.Kamusta na?

Gec: Ayos naman ako dito kasamahang Ka Cyrelle. Kasalakuyang nagaganap ang isang simposiyum sa Hotel Supreme ukol sa mas mainam na Broadcasting Journalism . Kanina nga lamang ay nagbigay ng kanyang payo ang isang batikang mamahayag na si J.Manabat. Kasama ko nga dito ang isang participant ng nasabing seminar?

            Anong feedback mo sa ginanap na seminar kanina?

Partisipant: (sasagot)


Gec: Yun lamang Ka Nyssa. Yan ang mga nagyeyelong balita mula dito sa Kordilyera. Back to you .







Mukhang hindi akma ang ito sa news show. Mas babanga ata ito sa sitcom. Sa kabila ng pagkasunog ng aming niluto naging masaya naman kami sa aktibiti...ngunit ang sayang yon ay napalitan ng kaba ng malamang di pala matatapos sa pagluluto, kailangan ng plating. May presentation daw sa unahan.

Seryoso ang mga partisipant. Seryoso din ang premiadong repoter.Kami lang ang hindi. Isa-isa ng tinawag ang mga News Cast Names. Naiisip ko lang baka nababoy ko ang boardcasting journalism nahihiya naman ako dun sa mga sineseryoso yung event. At biglang.."Next one is NewSeryoso. Tinganan nga natin kung seryoso talaga si.." (at binaggit ang credits)

Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng hotel. Takbo hanggat may lupa. Mga 10 mins. ako sa lobby. Yakong marinig ang kritik.

Bumalik ako at tinanaong ang aking mga kasamang katatapos lang ng taste test. Tionanong ko sila anong pakilasa ninyo ngayon. Maka-tanggal kaluluwa. Maigsing igkas ng salitang mula sa puso.

Ito ang una kong output ng scriptwriting at una ko ring beses mahiya sa aking akda. Seryoso. Pero bakit ang Wazzup-Wazzup parang di naman nila sineseryoso ang balita. Kailangan ba tingnan lang ang balita as it is? Siguro dahil iba lang talaga ang timpla ng panulat ko. May sarili siyang taste ika nga at hindi ito bumanga sa newscast scriptwriting.



     

No comments: